Ranzen POV
"Bu-buntis a-ako..."
"Anong sabi mo? wag ka nga magbiro ng ganyan"
"Ang sabi ko buntis ako" sa wakas nasabi ko din ng buo at di naguutal. Sobra kasi ang kaba at saya na aking nararamdaman dahil sa wakas magkakaroon na kami ng isang totoong pamilya ni Vincent, piningako niya kasi sa akin bubuo kami ng isang masayang pamilya."Totoo mahal ang sinasabi ko buntis talaga ako" sabay abot ko sa kanya ng pregnancy test
"Ipalaglag mo ang bata."puno ng pagtataka ko siyang tinignan. "Vincent ano bang sinasabi mo? anak mo ang batang dinadala ko kaya bakit mo nasasabing ipalaglag ko ang bata nasisiraan ka na ba?" sagot ko sa kanya na di maiwasang pumatak ang ilang mga luha mula sa aking mga mata.
"Seryoso ako Ranzen ipalaglag mo na lang ang batang yan tutal hindi din naman tayo sigurado kung ako nga ba talaga ang ama ng batang iyan lalo pa at..." hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at sinampal ko na siya ng malakas bago pa niya matapos ang salitang gusto niyang sabihin sa akin. "Anong tingin mo sa akin Vincent tumutuloy pa din ako sa ganong gawain kahit na boyfriend na kita? di ba sabi ko naman sayo na waitress na lang ang obligasyon ko sa lugar na yon!" Hindi ako makapaniwala na ganoon ang tingin niya sa akin akala ko ba tanggap niya kung ano ako dati, akala ko ba may tiwala siya sa akin, akala ko ba mahal niya ako? bakit ganito ka na ngayon vincent?
"Hindi din tayo sigurado dyan lalo na sa ganyang uri ng lugar ka nagtatrabaho kaya maaring maraming mga lalaki ang magnasa sayo kaya malaki din ang posibilidad na hindi ako ang tatay ng batang dinadala mo" Bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan dahil sa lahat ng mga salitang sinabi niya sa akin. Totoo nga pala ang kasabihan na ang isang tulad ko ay isang pang-parausan lamang.
"Minahal mo ba ako Vincent?" hindi ko alam kung bakit ako nagtanong ng ganon siguro dahil di ako matatahimik kung di ko yun masasabi sa kanya. Dahil hanggang sa huli umaasa ako na kahit katiting man lang ay minahal niya ako.Tumingin ako ng namamagasa sa kanya ngunit umiwas siya at sinabing "Ikakasal na ako sa makalawa" gumuho ang buong mundo ko dahil sa lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon na ang buong akala ko ay mahal niya ako at mas mahahalin pa dahil magiging masaya kami sa aming bagong pamilya ngunit hindi pala akala ko lang pala ang lahat ng iyon dahil ang totoo ay ikakasal na pala siya sa babaeng totoong mahal niya. "Ganoon ba sige...ahmmm Congrats sa inyo ha..tyaka wag ka mag-alala sa bata gagawin ko ang hiling mo, Paalam" Hindi ko na hinintay ang kanyang isasagot at nagmamadaling umalis na ako sa lugar kung saan kami nagkakilala, lugar kung saan ko siya sinagot at sa lugar kung saan niya ako dinurog ng pinong-pino.
"Miss!!!" napatingin ako sa taong tumawag sa akin pero isang napakaliwanag na ilaw ang sumalubong sa akin hanggang sa .......
Napamulat kaagad ako ng aking mga mata dahil sa napanaginipan ko na naman ang pangyayaring yun na halos ikasira ng buhay ko at buhay ng aking anak. Mabuti na lamang may mga taong tumulong sa akin noong mga panahon na yun. Hay! Bigla akong napatingin sa orasan at ala-sais na pala ng umaga halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan dahil sa sobrang pagod na aking dinanas hanggang sumikat ang araw ngunit pinilit kong makatayo kahit mahirap upang makapag-ayos ng sarili at umuwi na dahil ayokong magtaka ang aking anak na si Michael kung bakit ganito ang aking itsura. Pasado ala-siete na ako nakarating sa bahay at nakaalis na si Michael para pumasok sa eskwela siya na ang nagluto ng aming pang-almusal, maalam sa lahat ng gawaing bahay si Michael dahil gusto palagi ng batang yun ang tulungan ako kayat malaki ang pasasalamat ko na kahit ang daming problema at pagsubok ang dumating sa akin ay sa kabila ng mga ito ibinigay siya sa akin ng diyos bilang isang regalo, regalo na kailanman ay hindi ko pinagsisihan.
Siguro sabihin ko na lamang sa kanya mamaya na nag overtime ako sa trabaho tutal yun naman palagi ang dinadahilan ko sa kanya eh. Matapos kumain ng almusal ay nilinis ko ang aking katawan at natulog dahil alam ko na mamayang gabi isa na namang naglalagablab na mga apoy ang aking kakaharapin.
Michael POV
"Hay sa wakas nakaraos din sa lintik na finals yun ang sakit ng batok ko wooohhh!" sigaw ng kaibigan kong si Jared pagkalabas na pagkalabas namin sa room.
"kaya nga mga dre eh, Ano gimik tayo mamaya?" sagot naman nitong si Sheen isa din sa mga kaibigan ko na kung makaasta kala niyo naman nahirapan sa exam eh nanunulad lang naman yan samin ni Jared
"Pass muna ako jan mga dre!"
"Ha?! dre naman para ka namang ewan diyan minsan lang tayo magsaya sa buhay dalawang linggo tayong pinahirapan ng finals na yun tapos ikaw di ka magsasaya?"
"Edi kayo na lang, basta ako ako matutulog na lang ako"
"Walang matutulog gigimik at magsasaya tayo...PERIOD!"
BINABASA MO ANG
The Legacy
Non-FictionAno ang gagawin mo kung makaharap mo ang sakit na mula sa kahapon? Iyan ang sabay-sabay nating subaybayan sa "The Legacy" isang non-fiction short story mula kay: iyong_MANunulat_18