Chapter 7

4 0 0
                                    

Ranzen POv

Buong gabi kong inantay si Michael pero hanggang ngayong umaga hindi pa din siya umuuwi dito sa bahay  sobra na akong nag-aalala sa kanya baka kasi kung ano na ang nangyari sa kanya lalo pa at matindi ang lahat ng kanyang mga nalaman kagabi at ako ang may kasalanan ng lahat ng yun. Gusto ko na siyang makita para sabihin at ipaliwanag sa kanya ang lahat lahat ng kailangan niyang malaman dahil hindi ko na kaya pang mag-sinungaling pa sa kanya dahil di ko na kayang mas lalo pa akong kamuhian ng anak ko, Siya na lang ang meron ako at hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko kung pati siya ay iiwan din ako. Diyos ko patawarin niyo sana ako at patawarin din sana ako ng anak ko kayo na po sana ang bahala sa kanya.


Michael POV

"Dre ano bang nangyari sayo agang-aga naglalasing ka tapos yung tawag ni tita di mo sinasagot may nangyari ba?" kasama ko ngayon si Sheen dito dahil hindi ko na alam  ang gagawin ko sa lahat ng mga nangyayari sakin hindi ko matanggap na ang nanay ko na labis kong pinahahalagahan at hinahangaan ay ganong klase pala ng trabaho ang meron alam kong mali ako para ganituhin ang sarili kong nanay pero ang hirap tanggapin parang ang sakit niya irehistro sa puso at isipan ko. Sa dinami-daming trabaho na meron sa buong mundo bakit yon pa ang napili niya? Isang trabaho na dapat mong ilako ang sarili mo sa ibat ibang lalaki bawat gabi. "O Sheen ano nangyari dyan bat ang aga-aga eh lasing na agad?" tapos idagdag mo pa na natikman din siya ng kaibigan kong si Jared "Yung naka-one night stand ko last week grabe dre yun ang perfect definition ng salitang ligaya"   "Pero seryoso mga dre legit talaga to mapapaligaya kayo ng sobra sa kanya kahit na medyo maedad siya sa atin di halata sa sobra niyang galing"  Ang sakit para akong pinapatay ganito ba kalupit sa akin ang tadhana para iparanas sa aking buong pamilya ang ganito, yung tatay ko iniwan kami nung nasa sinapupunan pa lamang ako tapos ito naman yung nanyari sa amin ng mama ko di ko na kaya gusto ko ng sumuko.

"Dre? ayos ka lang ba" tinignan ko kung sino kina Sheen ang humawak sa aking braso at ewan ko pero biglang nagdilim ang paningin ko ng malaman ko kung sino ito "Bitawan mo nga ako walangya ka!" sabay suntok ko kay Jared " Teka lang dre ano bang problema mo bakit mo biglang sinuntok si Jared wala namang ginagawa sayo yung kaibigan natin" 

"kaibigan natin? wala akong kaibigan na tinitira patalikod ang pamilya ng kabigan niya alam mo ba ha na siya ang isa sa mga sumira sa aming pamilya lalot higit sa pagkatao ng nanay ko!" di ko na napigilan ang sobra kong emosyon at umiyak ng todo sa harapan nila. "Ano bang pinagsasabi mo hindi kita maintindihan dre?" 

"Ahh ganon gusto mo ipaalala ko sayo naalala mo ba nung sinabi mo na may nakapagbigay sayo ng isang perfect na definition ng ligaya last week tangina mo pre nanay ko yun! nanay ko pala yun! Nakakabigla diba tapos siya din yung sinet-up niyo sa akin na babae nung isang gabi na kamuntik-muntikan ko na ding maangkin putangina mga pre tapos tatanungin niyo ako kung bakit ako nagkakaganito sinong hindi sige nga mga dre? Sige nga! yung akala mo nasa isang call center ang nanay mo nagtatrabaho pero hindi pala nandon pala sa bar at inilalako ang sarili tangina talagang buhay to! Sige nga mga dre paano? kasi wala na eh di ko na alam ang gagawin ko ang sakit, Sobrang sakit mga dre." lugmok na lugmok na ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa lintik na buhay kong ito."Michael sorry, dre sorry di ko alam na nanay mo pala yun" sabagay pano nga ba nila malalaman eh di pa nga naman nila nakikita ang mama ko dahil never pa naman sila nag-meet ng mga kaibagan ko eh.

Diyos ko kung naririnig mo ako, Talaga bang ito na ang nakatakda sa aming pamilya  ang masira ng pinong pino? Pwede po bang tama na o preno muna sobrang sakit na eh.

The LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon