3rd Beat

30 0 0
                                    

Hunting Ken


"Kenneth!" sigaw ko sa telepono habang nagri-ring ito. "Answer the phone," kainina ko pa inuutusan ang kabilang linya. Nakailang tawag na ba ako? Di niya talaga sinasagot. I effin hate him. "Pick up the phone you dope,"

"This dope already did," sagot sa kabilang linya.

"Kenny! Where are you?"

"Out,"

"Where exactly?"

"On the road,"

"I hate you!" sigaw ko dito. "Where you heading?"

"Ah, North?"

"Are you asking me? Ganyan ka naman lagi eh," reklamo ko sa kanya. "Fine," huling sabi ko saka binaba ang phone.

Oops! Sorry Ken! Naiinis lang ako kaya ko naibaba ang phone. Tinawagan ko uli siya. Hindi na sinasagot. Naka ilang beses din ako ng tawag sa kanya. His phone just kept on ringing. Na cut na naman ang linya. I was about to redial his number nang mag flash sa screen ang caller ID niya. Finally! I was so relieved so I answered his call. "Kenny!"

"Yeah?" Walang ganang sagot niya. Shit na malagkit! Nagalit ko ata.

"Ken, asan ka?" sinubukan kong lambingin baka sakaling mabawasan ang inis. I just wanna know where he is.

"On the road nga,"

"Uuwi ka? Ba't di ka nagpasabi? May padala ako kina Tita,"

"No di ako uuwi. Punta lang ng Aklan,"

"Kasama mo?"

"Research group mates ko,"

"Ah sila ba? Sila na naman,"

"Emme naman. Research 'to, doon yung area ng research study namin,"

"Lagi naman sila e,"

"Oh nagtatampururot ka na naman," sabi pa niya.

"Di ah! Basta pasalubong ha!" sinubukan kong pasiglahin ang boses ko. I might go over the line at maging OA na kinalabasan ko pag nagkaganon. "At isa pa, magpaalam ka. Baka tumawag sina Tita sa akin,"

"Kalibo lang ako, Emme. Di ako magbo-Boracay. Promise,"

"OA ha. Research nga di ba? Oh sige na. Mag-ingat ka," sabi ko pa then I ended the call.

I was walking papasok ng subdivision. Mayat-maya ay chini-check ko yung phone ko. Wala pa rin siyang text. Walang update man lang. Asar ha. Nananadya lang? Oh shoot! Di ko nga pala siya napagsabihan na i-update ako. Kaya naman walang text.

Nasa harap na ako ng gate ng bahay namin. Walang tao na naman. Duty pa ni mommy hanggang 3pm. Si daddy naman siguradong nandon pa rin sa office niya hanggang 5pm. Ang aga naman kasi natapos yung klase namin. Half day lang. Nag lunch lang ako with freinds sa JD, yung malapit na food establishment, saka umuwi na rin. Buti na lang at may kasabayan ako sa pagtawid. Wala kasi si Ken. And speaking of which, kakaupo ko lang sa sofa ay tiningnan ko muli ang phone. Tangneknek naman! Wala pa rin. Kelangan ko siyang sundan. Ora mismo.

I ran into my room. Kinuha ko yung red na backpack ko. Nagbihis ng white shorts at peach tshirt saka nang white sneakers. Hinukay ko yung mga damit ko sa cabinet. Dalawang shorts, isang pants, isang pj, isang jacket, limang shirt saka yung mga undies ko ay inayos ko sa loob ng bag. Hinanap ko rin yung to-go toiletries kit ko pati yung gadget accessories ko, ID, sandals at sunnies. Okay na siguro to. Bahala na. I took my black shoulder bag saka doon ko nilagay ang mga valuables pati na rin ang coin purse. Yung wallet ko ay nilibing ko sa ilalim ng mga damit ko. Nag-iwan muna ako ng note sa ref para kay mommy at daddy. Baka akalain nagtanan na ako.

Off BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon