5th Beat

25 0 0
                                    

Surprise


Ala sais y medya pa lang ay nag lalakad na kami ng mga barkada ni Munich. Galit pa rin ako sa ginawa niya kahapon. Ni hindi na ako sumama nung gabi para mag party dahil merong live band. I just need to exhaust the temper inside me. Di rin ako umuwi. I better get the best out of this trip. Sayang naman. Wala na ang init ng ulo ko kaya heto ako ngayon para akong key chain na nakikikabit sa barkada niya. I know I'm an ass to decide na sundan si Kenneth sa Ati-atihan ng wala man lang plano. He's out with his college friends na naman kasi. An tagal ko ng pinagtitimpian tong mga new friends niya ah. Three years. Three fuckin years. Keso mas mahal yung tuition nila ay ang angas na nila. They're taking Kenneth away from me. Asar lang talaga. I'm gonna get even. Magpapakasaya din ako na wala siya. At dahil sa sobrang asar ko ay nakikipagsiksikan ako ngayon dito sa mga naglalakad papuntang simbahan. Ang haba ng nilalakad namin dahil serado ang mga daan para sa merry making.

Tahimik lang akong nakabuntot sa naka itim na shirt na halimaw. I still effin hate this guy kahit tinulungan niya ako. I know he always has trick under his sleeves para lang asarin ako. Any minute now aatake na naman ito ng mga pangungutya niya. I better ready myself. Ayo kong magpatalo. Kahit i-kick out pa niya ako sa bahay ng tiyahin niya.

"What are you doing?"

Napatigil ako sa ka iisip. Nakatayo ngayon si Munich sa harap ko na mga ilang metro ang layo. He's waiting for me. "Heto na po," sagot ko at patakbong tinungo ang kinaroroonan niya.

"Dito na tayo. From here we'll gonna dive through the crowd papunta sa harap ng simbahan,"

Napakunot ang noo ko. When I saw what's ahead. Oo nga. Sisisirin na talaga ang ganito ka daming tao. "Okay," walang ganang sagot ko.

"Let's go," yaya nito na ikinabigla ko naman dahil hinila niya ang kamay ko. He's holding my hand at ang lintik na kamay ko ay nakakapit din sa kamay niya. Nang mahinuha ko at agad ko namang binawi ang pagkakahawak kaso agad niyang hibigpitan ang hawak niya. "This is not the time para mag-inarte, wifey,"

Sinimangutan ko lang siya at sumunod na lang. Nasa harap na kami halos ng simbahan ng mapagdesisyunan nilang doon na lang tumigil para sa buong misa. Ang dami na kasing tao. Nasa labas ng simbahan may nakatayong stage na pagmimisahan ng bishop. Ang mga tao nakatayo lamang sa paligid hanggang sa kalsada at maging sa plaza pa mismo. Ganun ka daming deboto meron ang Sto.Niño de Kalibo. Nagsimula na ang Pilgrim's mass, nako-conscious ako. Hindi na nga kami magka holding hands kaso nasa likuran ko naman siya. Lalo na nung nag-communion, mas lalong nagsiksikan dahil nagsigalawan na ang mga tao. Lagi na lang ako naitutulak and I'm always caught by him. Damn! Yun nga eh my back keeps on touching his chest. Nakakakilabot!

"Wifey, tara na. Communion na tayo," sabi pa niya at hinawakan yung kamay ko.

"Teka lang. Asan na sina Dylan?" tanong ko. Mukhang nawawala na kasi ang mga kasama namin. Di niya ako pinansin. Hina niya lang ako ng basta-basta papunta sa communion station na pinakamalapit sa amin. Nasa likuran niya ako nakasunod, maya-maya pa ay hinila niya ako para pumauna sa kanya habang nagsisiksikan. Nasaharap ko na ang layman na nagbibigay ng hostias. Tinanggap ko ito at kinain. Nang nagtangka na akong umalis ay di ako nakalayo agad. He pulled my hand urging me to wait for him habang sinusubuan pa siya. Pagkatapos ay pumwesto kami sa may malayo sa station para iwas siksikan. Doon niya na lamang binitiwan ang kamay ko. Sa wakas, I feel better. Pero ang nakakainis ay yung nag Our Father na, kinuha niya uli ang kamay ko. He has a very bad habit of stealing my hand. Kung di lang ako nagsisimba ngayon, kanina ko pa to minura. Pero ang mas nakakaasar ay nung nagsabi si father na, "let us give each other a sign of peace,"

Off BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon