4th Beat

22 0 0
                                    

Malik Mata


Si Tita Leticia pala yung tinatawag nilang iyay, na in Akeanon ibig sabihin tiya. Siya ang ate ng mama ng ugok na kaklase ko. Yung palaging nang aasar. Ang dakila kong kalaban. The heck! Kinupkop pa talaga ako. Buti na lang nung tinuro ako ng lahat na girlfriend niya ay di naniwala si tita. Kilala na daw niya ang pamangkin niya. Si Dylan daw talaga yung syota nun. Maraming kalokohan. Magkalahi nga talaga. Natawa na lang ako but I'm feeling at ease. She really knows how to welcome someone.

Matandang dalaga 'tong tiyahin niya. She's living here with her other sister saka pamilya nito kaso out of country pa daw dahil sinamahan yung mother nila magpa 2nd opinion.

Mag-isa lang ako sa kwarto then yung mga boys siksikan sa kabilang kwarto. Pati kasi si Aiden na taga dito naman ay dito din pala nakikitulog pagbumisita ang barkada. Halos taon-taon daw ay pumupunta sila dito.

Nang sumunod na araw nagising ako sa ingay sa labas. Alas syete na ng umaga. I can hear the drumbeats! Lumabas ako ng kwarto bitbit ang tuwalya.

"Gising ka na pala. Mag-almusal ka na, hija," bungad sa akin ni Tita habang inilalagay yung mga pagkain sa mesa.

"Good morning po," bati ko saka umupo sa hapag. May limang pinggan pa sa hapag na di na gagamit. Di pa yata naka kain yung mga abnormal na yun.

Kumakain na ako ng almusal ng may pumingot sa ilong ko. "Ano ba?!" Saway ko. Nang lingunin ko, si Dylan.

"Disappointed ka yata kasi ako nakita mo?" Patawa-tawa pa ito at umupo sa tabi ko. Kasunod din nito sina Milo pero wala pa ang kinaiisan ko.

"Good morning, wifey!"

"Ay kabayo!" nabigla ako. Nakaupo na ito sa kabilang upuan sa tabi ko. Ke aga-aga. Nambubwisit na. Pasalamat ka, pinapatulog mo ako dito. Bibigwasan ko pa sana.

"Aalis tayo tapos maligo ha. Magsisimula na yung contest," anunsyo niya. So kasali na ako sa itinerary nila. Siguro nga mas okay 'to, mas mabilis kong mahahanap si Ken kapag sabayan ko sila. Party people think alike.

Nagtricycle kami mula sa bahay hanggang sa kalye na papasok sa may plaza. Naglakad lang kami mula sa barikada papasok. Wala na kasing masasakyan dahil halos lahat ng daanan ay may naka lagay na 'no entry'. Nang nakapasok na kami sa intersection na may mga harang ay doon ko na nakita ang mga nasasayawan. Kahit malayo pa kami sa plaza meron na agad dito! Isa ito sa mga gusto ko! Tamang-tama naka moss green ako na shirt, naka denim shorts at sandals. I'm gonna pop out from the colorful costumes. I took out my phone from my bag. Kelangan kong mag documentation. Minsan lang ako makakapag gala ng ganito. I was about to capture a photo nung mamataan ko sa screen ang isang matangkad na lalaki, maputi at neat. Pumipili ng headress sa gilid ng daan. Shocks! Napatigil ako sa pagkuha ng picture. I placed my phone inside my bag and ran through the crowd.

"Kenneth!" I shouted at him kaso sa ingay ba naman ng paligid di niya ako maririnig. Sa laki ng headress ng nakasalubong ko ay muntik na akong matamaan. Mabuti na lang at nagawa kong yumuko habang binabalaybay ang mga nagsasayawan. Nung nakabawi na ako, I looked at the booth kung saan ko siya nakita kanina.

"Kenneth!" sigaw ko uli pero wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.

"Emme!" dinig kong tawag sa akin. Nang lingunin ko, I was disappointed. Si Milo lang pala.

"Wifey!" habol hininga na tawag pa ng nakasunod kay Milo. "Saan-saan ka nagsususuot. Ako ang mapapagalitan sayo nito eh,"

"I saw Ken! Nakita ko siya dito," pagpapaliwanag ko habang tinuturo ang bentahan ng souvenirs.

Off BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon