6th Beat

38 0 0
                                    

The Law


"May anak ka?!" I asked Munich in a surprise

"Holy-,"

"Wifey," he cut me off na parabang sinasaway na nakikinig ang bata.

"...shoes," I added.

Tumingin ang bata kay Munich habang kalong-kalong siya nito. "She's Mommy?"

Say what? Mommy?! "Put-," I almost blurted nang malala ko yung cute na bubwit. "...your hands in the air,"

"Mommy's weird,"

Narinig ko na lang nasitawanan ang mga kasama namin pati na rin yung gwapong kasama ng bata pagkapasok ko ng sala. Saka naman lumabas mula kusina si Tita Leticia.

"Oh Memphis. Dumating ka na pala," puna niya sa lalaking kasama ng bata kanina. Nagmano yung lalaking tinawag na Memphis kay Tita Let saka yumakap.

"Nana!" Sigaw ng bata.

"Oh sinong bata yan?" Tanong ni Tita Let. Lintek! Ngayon lang ipakikilala ni Munich yung bata? Eh asan yung nanay? Nilingon ko ang paligid. Leche! Ako lang babae dito. Dios ko! Sana wag ako ang mapagtripan ng gagong to. Teka, sino na lang magiging mommy niyan? Si Milo? Si Dylan? Ako lang pwedeng mapagbintangan dito na gumahasa. I mean, ginahasa ni Munich.

"Nana Let," malambing na suyo ng bata.

"Biro lang," sabi pa ni Tita Let saka kinuha kay Munich ang bata. "Kamusta na si Isaiah? Kamusta na ang baby?" Saka hinalikan nito sa magkabilang pisngi ang bata. "Asan Mommy mo?"

Natigilan ako ng makita kong ako ang tinuro ng bata. "Ma-. Ay. Po? Ak- hindi!" Natataranta kong sabi, "I'm-"

Nginitian ako ni Tita Let. "Naku! Crush mo si Tita no?"

Sumimangot si Isaiah. "That's Mom," sabi pa niya.

"Ay naku bata ka. Oo nga pala. Makakalimutin na si Nana Let. Asan ba Mama mo?" tanong niya uli. Mama ata yung tawag sa nanay nito at hindi mommy.

"She's at home with Papa," saka ngumiti. Hala! Parang si Munich.

"Memphis, bakit di sumunod sina Mia? At bakit ngayon lang kayo? Di kayo nakapagsimba," sunod-sunod ba tanong ni Tita Let.

"Iyay, nakapagsimba po kami ni Sai. Doon kami dumiretso sa plaza kanina. Sina Ate nasa Cebu, work again,"

"Iniwan na naman nila to? Hayan tuloy," sabi pa niya habang pinupuno ng halik si Isaiah. "Ay! Siya nga pala. Si Emme," pakikala ni Tita Let sa akin. Nginitian ko si Memphis. I better give good impression, "Hija, si Memphis pamangkin ko, kapatid yan ni Munich. Ito naman ang maliit na bulilit si Isaiah, anak ni Mia, ate nina Munich,"

"Hi Mom!" sabi pa ni Isaiah. Tumingin ako sa likuran ko na pawang humihingi ng saklolo sa mga kaklase kong to. Nagtawanan lang uli sina Munich kasi namutla ako. I am afraid to be called mom! Papatayin talaga ako ng daddy ko dahil nag concive without sin ako ng ganyan ka cute na bata.

"Ganyan talaga yan, wala palagi ang mga magulang e," pagpapaliwanag ni Tita Let. "Mapahinga ka muna Emme, papagising na lang kita mamaya for breakfast, may sadsad pa mamayang hapon. You better recharge yourself,"

"Opo," tipid kong sagot saka ngumiti. Ang bait talaga ng mga taga dito. Si Tita Let na yung best example. Parang nanay sa amin. Mabuti na lang at sinabi niya na anak ng ate ni Munich si Isaiah. Anak ng baluga, kinabahan ako dun. Ako ba naman ang pinagtripan nung bata. Nasa lahi na ata nila ang ganyang ugali. Hay, hirap sakyan.

Off BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon