SILENCE

561 6 5
                                    

Prologue

Sa bawat tilamsik ng dugo na bumabahid sa makinis niyang pisngi, sa bawat luhang pinapakawalan ng singkit niyang mata, sa bawat nahihirapang ungol na inilalabas ng bibig niya: kasiyahan ang dulot niyon sa akin.

          “P-paki…u-usap…”

          Natigilan ako. Tama ba ang dinig ko? Nakiki-usap siya sa akin? Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Nakakatuwang isipin, sa kanya ko pa madidinig ang mga salitang iyan. Sa kanya na ang tingin niya sa sarili ay perpekto.

          “T-ta…t-tama…na…”

          Hinila ko ang buhok niya at inilapit ang mukha sa mukha ko. “Anong sabi mo? Hindi ko marinig.”

          “T-tama n-na…”

          Ang sarap pakinggan ng mga salitang iyon. Lalo pa mula sa labi ng lalaking ‘to. Napahalakhak ako, at ibinalibag ko siya sa isang tabi. Nang matapos, tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

          Tama na daw. Pinapatigil na ako ng walang-hiyang lalaking ‘to! At sino siya para sabihin niya kung ano ang dapat kung gawin?! Hindi pa ako tapos. In fact, nagsisimula pa lang ako. Wala pa sa kalahati ang hirap at sakit na dinanas ko na ipapadanas ko sa kanya.

          Hinigpitan ko ang hawak sa patalim. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya habang umuurong ito paatras. Dinilaan ko ang patalim na nabahiran ng dugo kanina. Pagkatapos, itinaas ko iyon. At walang sabi-sabing, ubod ng lakas na ibinaon ko iyon sa katawan niya.

          AaaaaHHHHhhhhHhh…..!!!!!!!!!!!!!!!!

SILENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon