ONE

2.8K 117 17
                                    

"Nikay come here."

Naiinis na tumungo si Nikay sa sala dahil sa tawag ng Daddy nya sa kanya. Lumaki si Nikay sa states at dito rin nag aaral. Mayaman at kilala ang pamilya nila kaya walang problema sa kanila ang pera....

"Tomorrow aalis tayo papuntang Tokyo" seryosong sabe ng Daddy nya..

"What tomorrow? pero paano ang pag aaral ko?" tanong ni Nikay..

Ayaw nyang umalis at iwan ang mga classmate nya dahil napamahal na sa kanya ang mga ito. Alam nyang business nanaman ng Daddy nya ang dahilan kaya aalis sila papuntang Tokyo...

"Ayaw mo ba umalis anak?" tanong ng Mommy nya..

"Ayos lang po Mommy naiintindihan ko naman kung bakit natin kailangan pumunta sa Tokyo."

Wala syang magawa kundi sumang ayon na lang sa gusto ng Mommy at Daddy nya dahil para rin naman sa kanya ang ginagawa ng mga magulang nya. Nag tungo sya sa kwarto nya at dun umiyak dahil ang totoo ayaw nya talagang umalis kasi mahal nya ang mga taong iiwan nya...

Nagulat sya ng tumunog ang cellphone nya at makitang nagtext si Akira Sendoh. Si Akira Sendoh ay isa sa pinaka malapit na kaibigan ni Nikay tinuring na nya itong kapatid kaya lahat ng sekreto nya alam ni Sendoh. Nagkalayo lang sila ng mag desisyon ang Daddy nya na sa states na manirahan....

Hi baby hehehe....

Napangiti sya sa text ni Sendoh. Malambing na lalaki si Sendoh kay Nikay at walang araw na hindi sila nag uusap minsan video call pa. Gusto nyang ikuwento kay Sendoh na sa Tokyo na sya mag aaral pero ayaw nya muna sabihin dahil gusto nya supresahin si Sendoh pag dating nya sa Tokyo.

"Baby ka dyan..

"Bakit baby naman talaga kita hehehe. Miss na kita Nikay kailan ba tayo magkikita?..

"Malapit na tayo magkita. Ano gusto mo pasalubong?..

"Gusto kong pasalubong ikaw hehehe. Makita lang kita sapat na yun di ko kailangan ng pasalubong o kahit ano..

Napaka lambing ni Sendoh kaya naman tuwang tuwa si Nikay hindi lang ito malambing napaka bait pa. Napapawi lahat ng lungkot nya kapag kausap si Sendoh kahit malayo ito hindi nito nakalimutan na itext o tawagan sya..

"Ikaw talaga binibiro mo nanaman ako eh..

"Hindi ako nag bibiro Nikay...

"Ano lang nag jojoke hehehe..

"Miss kita baby Nikay..

Hindi na sumagot si Nikay sa huling text ni Sendoh. Nahiga na sya at pinatay ang cellphone. Matagal na nyang gusto si Sendoh pero hindi pwede dahil pinagkasundo na sa kanya si Lance ng mga parents nila kaya kahit masakit para sa kanya tinanggap nya alang ala sa mga magulang nya..

Alam nya na hindi matuturuan ang puso na magmahal pero gagawin nya para sa mga magulang nya. Masakit man para sa kanya pero wala na syang magagawa dahil si Lance na ang itinakda nyang pakasalan pag tungtong nya ng college...

"Bakit ba uso ang arrange marriage sa mayayaman. Bakit hindi pwedeng magmahal ng malaya yung taong gusto mo talaga."

Umiyak si Nikay habang iniisip si Sendoh hindi nya sinabe kay Sendoh ang tungkol kay Lance dahil ayaw nyang malaman nito na may boyfriend na sya pero dahil sa Tokyo na rin mag aaral si Lance kaya siguradong malalaman ni Sendoh ang lahat ng tungkol kay Lance.

KINABUKASAN....

"Yehey uuwi na sya....

"Sino?" nagtatakang tanong ng bestfriend ni Sendoh na si Satomi.

✅ 𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐅𝐀𝐋𝐋 𝐈𝐍𝐋𝐎𝐕𝐄 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon