SIX

1K 104 16
                                    

Dalawang linggo na mula ng bumalik sa states si Lance. Nasabe na rin ni Lance sa Mommy at Daddy ni Nikay na hindi ito magpapakasal sa anak nila dahil may iba syang nagugustuhan. Ginawa ni Lance yun para makitang masaya si Nikay sa piling ni Sendoh..

Sobrang pasasalamat ni Nikay kay Lance dahil pumayag ang Mommy nito na hindi sya ipakasal pero tinutulan parin ng Daddy nya ang pagkikita nila Sendoh kaya naman sa school na lang sila nakakapag usap madalang din kung lumabas...

"Akira pasensya kana kung di tayo makalabas alam mo naman di ba." anya ni Nikay.

"Oo naman naiintindihan ko ayos lang kahit ganito muna tayo atleast nakikita kita. Ayokong ilayo ka nila ulit sakin Nikay at ayokong ipakasal ka sa iba." seryosong sabe ni Sendoh.

Sinabe nya ang lahat kay Sendoh dahil ayaw nyang maglihim rito. Hindi man nakapag pasalamat si Sendoh sa ginawang kabutihan ni Lance gagawin naman nya ang lahat para mapaligaya si Nikay at hindi masaktan..

"Pasok na ako Akira." sabe ni Nikay na akmang aalis na

"Teka may nakalimutan ka...

"Ano?" takang tanong naman nya..

"Kiss ko" nakangusong sabe ni Sendoh..

"May pinatago ka ba?" natatawang biro ni Nikay..

"Oo meron kaya ibalik mo hehehe...

"Wala akong natatandaan Akira papasok na ako bahala ka dyan hehehe...

Hindi pa man nakakapasok sa loob si Nikay niyakap na sya ni Sendoh at hinalikan sa pisngi...

"Yan pwede kana pumasok....

"Ang gulang mo talaga eh noh sige papasok na ako."

Masaya sya kahit na ganun lang ang set up nila ni Sendoh ayaw nyang malayo ulit rito kaya nag iingat sya para di malaman ng Mommy at Daddy nya..

Nang matapos ang klase dali dali na syang lumabas ng room dahil baka naghihintay na sa gate si Sendoh.

"Bakit wala pa sya." napapatanong ni Nikay..

Nagulat pa sya ng may humawak sa kamay nya at makita si Sendoh na may dalang bulaklak at chocolate. Hindi nya tuloy alam kung kikiligin o matatawa dahil napaka cool ni Sendoh...

"Hi miss pwede ka bang ligawan." pagpapacute ni Sendoh.

"Ummp teka pag iisipan ko sige na nga." ngiting sagot ni Nikay..

Tinanggap nya ang bulaklak at chocolate na bigay ni Sendoh at nagpunta sila sa court para maglaro kasama ng team. Nahihiya sya dahil wala syang close sa mga kaibigan ni Sendoh at alam nyang masama parin ang loob ng iba dahil sa ginawa nya..

"Bakit ang lamig ng kamay mo? patay na patay siguro ang puso mo sakin." biro ni Sendoh habang tumatawa.

"Eh kasi kinakabahan ako baka galit parin sakin mga kaibigan mo lalo na si Rukawa at Satomi." sagot ni Nikay..

"Si Rukawa ganun lang yun malamig naman talaga sa lahat yun palibhasa mas gwapo ako sa kanya si Satomi wag mo pansinin lage naman mainit ulo nun." paliwanag ni Sendoh sabay tawa.

Pag dating nila sa court natakot si Nikay dahil ang sama ng tingin ng mga kaibigan ni Sendoh sa kanya. Napapangiti naman si Fujima at Maki dahil halata sa mukha niro na kinakabahan.

"Hi Nikay." ngiting bati ni Satomi..

"Hi sa inyo." bati rin ni Nikay.

"Natatakot ka daw sakin sabe ni Sendoh? bakit ka natatakot di naman ako multo mas matakot ka kay Sendoh ubod ng bully yan." pang aasar ni Satomi.

✅ 𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐅𝐀𝐋𝐋 𝐈𝐍𝐋𝐎𝐕𝐄 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon