Masayang masaya si Nikay na nakilala nya sila Satomi at ang ibang kaibigan ni Sendoh. Naisip nya na mas masaya pala talaga sa Japan kesa sa states lalo na kapag kasama nya si Sendoh...
"Tara kain tayo dun sa restaurant nila Uozumi." yaya ni Koshino sa buong team..
"Teka sino manlilibre?" tanong ni Mitsui..
"Ako na ang manlilibre." ngiting sabe ni Nikay..
"Naku di kami nagpapalibre sa babae Nikay." sagot ni Fujima.
"Ano ginagawa ni Sendoh." natatawang sabat naman ni Kiyota..
"Sige na nga." sagot na lang ni Sendoh...
Pumunta nga silang lahat sa restaurant nila Uozumi para kumain at ang taya walang iba kundi si Sendoh. Natatawa nalang si Nikay at Satomi dahil napapakamot sa ulo si Sendoh sa dami ng order nila Kiyota at Sakuragi..
"Kung kumain tong mga to kala mo walang bukas." bulong ni Rukawa.
"Oo nga lalo na si Hanamichi lahat ata inorder." ngiting turan ni Ryota.
"May restaurant pala kayo Uozumi ngayon ko lang nalaman at ang galing mo rin magluto." puri ni Nikay habang kumakain.
"Hindi halata sa itsura ni bakulaw wahahaha." pang aasar ni Sakuragi.
"Kumain kana nga lang dyan Hanamichi ang daldal mo." sabe ni Ryota.
"Sa Papa ko tong restaurant Nikay minsan daan ka rito kapag may free time ka libre na kita." ngiting sabe ni Uozumi.
"Talaga Uozumi? salamat hah ang sarap nga ng luto mo."
"Mas masarap pa ako magluto dyan." bulong ni Sendoh..
"Selos ka?." tanong ni Satomi na hindi maiwasan matawa.
"Di nga makain yung luto mo." singit ni Koshino sa usapan...
"Matanong nga kita Nikay matagal na ba kayong magkakilala ni Lance?" tanong ni Maki.
"Partnership ang Daddy ko at ang Daddy ni Lance sa negosyo. Sikat din sa business industry ang Daddy nya kaya pinagkasundo kami. Actually matagal na rin akong gusto ni Lance pero wala akong maramdaman para sa kanya kaya natuwa ako ng igive up nya ako pero alam ko naman na masakit para sa kanya yun." kwento ni Nikay..
"Ang bait nga ng kaibigan mong si Lance bihira na lang kasi ang lalaking ganun yung iba kasing kilala ko pinipilit ang sarili sa taong di naman sila gusto." seryosong sabe ni Jin..
"May pinag dadaanan kaba Jin? pag usapan natin yan." napapangiting sabe ni Mitsui.
"Wala naman." sagot ni Jin.
"Meron nga dyan nagayuma pero di ko sinasabing si Hanamichi yun." pang aasar ni Kiyota.
"Unggoy ka sasamain ka sakin nakita mong nandito si Aicelle." naiinis na bulyaw ni Sakuragi.
"Nagiging magkamukha na kayo ni Kiyota Hanamichi." natatawang sabe ni Ryota sa dalawa
"Oo nga hahaha." sang ayon naman ni Mitsui.
"Parehong unggoy." sagot naman ni Rukawa.
"Oh bakit di ka kumakain Sendoh?" tanong ni Satomi.
"Wala akong gana." sagot ni Sendoh..
"Sus ang arte mo nandyan lang si Nikay." sabat ni Mitsui.
"Subuan mo nga yan Nikay." ngiting utos ni Maki.
"Gusto mo subuan kita?" tanong ni Nikay..
"Talaga? sige." kinikilig na sagot ni Sendoh..
"Say ahh baby." asar ng buong team kay Sendoh at Nikay.
Nahihiya naman sya dahil tinutukso sya ng team wala naman ginawa si Sendoh kundi magpa cute at magpalambing kay Nikay....
"Alam mo Sendoh sarap mo bangasan ang pangit mo magpa cute parang kang di maihi." pagtataray ni Satomi.
"Bakit ba? pakiligin mo nga yan Maki bitter eh." sabe ni Sendoh habang nakatingin kay Nikay.
"Akira kaya mo naman kumain ikaw na lang kaya." bulong ni Nikay.
"Diko kaya subuan mo ko hehehe dali na please....
Natatawa na lang si Nikay sa ginagawa ni Sendoh dahil para itong bata kung magpa cute...
"Nauulol na yan." bulong ni Rukawa..
"Pagkatapos natin kumain baby Nikay pwede bang punta tayo sa bahay namin." ngiting sabe ni Sendoh sabay kindat kay Nikay.
"Ano gagawin natin sa inyo?" tanong ni Nikay.
"Alam na this." sabe ng buong team..
"Akira alam mo naman di ba? Alam mo na hindi ako pwedeng gabihin at alam mo rin na hinihigpitan ako ni Mommy at Daddy." paliwanag ni Nikay.
"Oo alam ko." sagot na lang ni Sendoh.
"Bakit hinahayaan nyong magulang nyo ang magpasya? masaya na kayo na ganyan lang kayo? Hay naku walang patutunguhan yang relasyon nyo." seryosong sabe ni Sakuragi..
"Tama sya. Iba ka pala Hanamichi." sang ayon ni Mitsui.
"Mabuti pa to kahit kolelat sa pag ibig marunong mag isip." natatawang sang ayon din ni Satomi
"Kaya mo ba akong ipaglaban Nikay?" tanong ni Sendoh.
"Hindi ko alam Akira natatakot ako sa mga magulang ko."
"So hindi mo ko kayang ipag laban?" tanong ulit ni Sendoh.
"Akira naman pwede bang wag mo kong ipitin nahihirapan din ako." naiiyak na pakiusap ni Nikay.
"Ako ba hindi nahihirapan? Naisip mo ba talaga ako Nikay kung ano mararamdaman ko kapag nilayo ka nila sakin?"
"Happy lang walang iyakan." sabe ni Mitsui at inakbayan si Sendoh..
"Mahal kita Akira at alam mo yan ayoko rin malayo sayo pero anong magagawa ko? Wala akong kakayahan na suwayin sila Mommy at Daddy." paliwanag ni Nikay
"Tahan na hindi ako papayag na magkalayo ulit tayo Nikay. Kung ano gusto mo sige gagawin ko kahit mahirap mahal kita ei pero sana wag habang buhay ganito tayo na nagtatago sa pamilya mo." sabe ni Sendoh
"Ipaglaban mo sya Nikay dahil mas masasaktan ka kapag nawala ang taong mahal mo." seryosong sabe ni Maki..
"Tama sya." sang ayon ni Jin.
"Mahal na mahal kita Nikay wag mo sana ako paghintayin ng matagal." sabe ni Sendoh habang kayakap si Nikay.
"Mahal din kita Akira sorry hah lage na lang kita nasasaktan."
"Ayos lang masaktan ako kung ang kapalit naman nun kaligayahan mo basta di ako papayag na iwan mo ulit ako mamatay ako Nikay kapag iniwan mo ko."
"Hinding hindi kita iiwan pangako yan Akira....
"Ang tamis." bulong ni Mitsui habang nakatingin kanila Sendoh.
"Tamis ba? Ikaw na lang walang girlfriend anong balak mo mag pari?" tanong ni Rukawa.
"Balak ko magmonghe happy na Rukawa? porket may girlfriend ka ganyan ka hintayin mo yung sakin." ngiting sabe ni Mitsui.
"Kailan pa kaya yun kapag lahat kami kasal na." pang iinis ni Rukawa
"Tumahimik kana." bulyaw ni Mitsui na hindi maiwasan mapikon
"Tanggapin mo na lang ang katotohanan Mitchi." pang aasar ni Sakuragi.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐅𝐀𝐋𝐋 𝐈𝐍𝐋𝐎𝐕𝐄
FanfictionMaraming babae ang humahanga kay Akira Sendoh dahil hindi lang ito magaling mag laro napaka gawapo at napaka bait din sa babae! kaya halos lahat ng babae nagtitilian kapag nakikita sya pero paano kung ang isang babae na matagal na nyang mahal ay di...