EIGHT

995 101 8
                                    

"Hoy kuya baka gusto mong tumayo na."

Si Loisa ay nakababatang kapatid ni Akira Sendoh na nag aaral sa Toyotama. Lingid sa kaalaman ng lahat walang nakakaalam na may kapatid si Sendoh na babae bukod tangi sa bestfriend nitong si Satomi at kay Nikay...

"Ang aga aga pa matutulog muna si kuya."

"Mahiya kana man kuya tanghaling tapat na." naiinis na bulyaw ni Loisa.

"Tanghali na? Bakit di mo sinabe may date kami ni Nikay ngayon."

"Hay naku pinaghihintay mo si ate Nikay sa date nyo nakakahiya ka sana di ka sagutin nun." pang aasar ni Loisa.

"Kapatid ba talaga kita? wala kang support sa kuya mo isilid kita sa tyan ni Mama ei." natatawang sabe ni Sendoh saka nagmamadaling maligo.

Excited si Sendoh dahil ngayong araw ang date nila ni Nikay. Sinabe ni Nikay na may gagawin silang project kahit wala naman talaga para lang makasama nito si Sendoh na ikinatuwa naman nya dahil gusto rin nyang makasama si Nikay.

"Kuya papayagan mo na ba akong mag boyfriend?" tanong ni Loisa habang kumakain.

"Ako nga wala pang girlfriend ei wag kana muna mag boyfriend saka na kapag may anak na kami ni Nikay." natatawang sagot ni Sendoh..

"Eh kailan pa kaya yun kuya. Alam mo ba kuya may crush ako si Minami." kinikilig na kwento ni Loisa.

Muntik ng masamid si Sendoh ng marinig ang pangalan ni Minami. Ayaw nyang magkaroon ng kaugnayan sa basketball players ang kapatid nya lalong lalo na kay Minami.

"Lalo kitang hindi papayagan mag boyfriend." seryosong sabe ni Sendoh.

"Bakit naman kuya? Kilala mo ba si Minami ang gwapo nya kuya tapos yung ngiti hay naku mamatay ako sa kilig.

"Kukurutin ko yang singit mo kapag di kapa kumain. Tantanan mo yang crush crush ako lang pwede." ngiting sabe ni Sendoh.

"Ang daya naman." nakasimangot na turan ni Loisa.

Nang matapos silang kumain nagpaalam na si Sendoh sa kapatid nya para makipag kita kay Nikay. Bumili pa sya ng bulaklak dahil mahilig si Nikay sa bulaklak lalo na ang red rose bumili din sya ng pagkain nilang dalawa kahit na nga busog pa sya...

Nakita nya agad si Nikay at namangha sya sa ganda nito na kahit walang make up natural na natural ang ganda. Gusto nyang yakapin si Nikay pero mas natulala sya dahil sa suot nitong pink dress na tinernuhan ng pink shoes..

"Akira anong nangyari sayo?" tanong ni Nikay.

"Bakit ang ganda mo natutulala ako. Next time na mag date tayo wag kana man mag suot ng ganyan baka maagaw ka sakin." sabe ni Sendoh sabay hawak sa kamay ni Nikay.

"Kailan kapa naging bolero."

"Hindi ako nambobola napaka ganda mo talaga kaya ako naiinlove sayo lalo. Flowers for you my beautiful Nikay...

Ibinigay nya kay Nikay ang bulaklak na dala nya at natuwa naman si Nikay dahil napaka sweet ni Sendoh sa kanya...

"Nga pala Akira kamusta na si Loisa? May pasalubong pala ako sa kapatid mo hindi ko lang naibigay nung dumating ako dito."

"Wag mo na bigyan ng pasalubong yun bigay mo na lang sakin hahaha. Alam mo naiinis ako kasi gusto na nya mag boyfriend buti sana kung sinasagot mo na ako.".

"Anong connect nun Akira parang ang layo ata ng sinabe mo."

"Kung sasagutin mo na ako may girlfriend na ako at boyfriend muna ako tapos di pa rin pwede mag boyfriend ang kapatid ko." natatawang paliwanag ni Sendoh.

"Hehehe...

Napapangiti na lang si Nikay sa kapilyuhan ni Sendoh pero natutuwa sya dahil nakikita nya ang mga ngiti nito hindi tulad dati na palageng malungkot...

"Alam mo Nikay masaya ako na pumayag kang makipag date sakin kahit na alam mong ayaw ng parents mo. Nagawa mo pang magsinungaling ng dahil sakin sorry hah. Sana balang araw matanggap din nila ako para naman hindi na tayo nag tatago at malaya tayong nagagawa ang gusto natin."

"Sabe ko naman sayo ipaglalaban kita Akira hintayin mo lang sana ako. Kahit ako gusto kong maging malaya katulad nila Fujima at Sasaki sila Maki at Satomi dahil ayoko ng ganito."

"Salamat baby Nikay ayos lang naman sakin kahit ganito muna tayo naiintindihan kita basta nandyan ka at nakikita kita masaya na ako wag ka lang nila ilalayo sakin dahil masasaktan ako...

"Hindi naman ako lalayo sayo dahil hanggat nandyan ka nandito ako." ngiting sabe ni Nikay.

"Ang sweet naman pakiss nga...

"Ayoko nga para-paraan ka nanaman Akira. Halika sakay tayo sa Ferris wheel." yaya ni Nikay.

"Ano sasakay tayo dun? Hindi ako sumasakay dun takot ako."

"Saan ka natatakot ang mawala ako o ang sumakay dun?" tanong ni Nikay.

"Sabe ko nga sasakay ako dun." sagot na lang ni Sendoh.

Natawa na lang si Nikay sa reaction nito dahil halatang takot itong sumakay sa Ferris wheel. Wala naman magawa si Sendoh kundi pag bigyan ang gusto ni Nikay kaya kahit ayaw nya.

"Wag kang matakot Akira kasama mo ko." bulong ni Nikay at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Sendoh.

"Hindi ako natatakot dyan mas takot akong mawala ka." ngiting sagot ni Sendoh na kunwari malakas ang loob...

"Grabe ang gwapo ni Sendoh..

"Nakakainggit si ate girl sana ako na lang sya...

Napangiti na lang si Nikay sa mga naririnig nya sa mga babae sa likod dahil sa pag hanga nito kay Akira Sendoh. Alam nya na maraming babae ang may gusto kay Sendoh kaya wala na sa kanya yun lalo na alam nyang gusto sya ni Sendoh.

"Baby Nikay nasaan kana?" tanong ni Sendoh habang nakapikit.

"Nandito lang ako idilat mo kasi yang mata mo." sagot ni Nikay.

"Alam mo ba ayoko sumakay dito pero dahil sa ayaw kitang mawala ginawa ko yung bagay na kinatatakutan ko."

"Talaga? salamat Akira sobra kong naapriciate ang ginawa mo para sakin. Natatakot kapa ba?" tanong ni Nikay.

"Hindi na baby kasi kasama na kita. Hindi na ako matatakot ngayon na sumakay dito basta kasama ka."

"Masaya ako dahil ginawa mo to para sakin kahit na alam kong takot ka salamat Akira."

"Basta para sayo gagawin ko lahat Nikay kahit na ikamatay ko pa hehehe." ngiting sabe ni Sendoh at niyakap si Nikay ng mahigpit.

✅ 𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐅𝐀𝐋𝐋 𝐈𝐍𝐋𝐎𝐕𝐄 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon