"Hoy Rhian bilisan mo naman."
"Oo ate eto na nagmamadali ka e.Saan ba kase tayo pupunta?Hinde mo pa kase sabihin."
Nginitian nya na lang ako.
Napabuntong hininga na lang ako.Saan kaya kami pupunta?hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagdilat ng aking mata nakita ko ang malawak na pananiman kung saan ay ayaw na ayaw kong puntahan.
"Oh!Ano pang ginagawa mo jan?Baba na bilis."
"Ate Hydie diba sabi ko naman sayo ayaw ko sa farm.Bakit mo ako dinala dito?Ate let's go home."Naiinis kong sabi..
"Hoy babaita wag ka OA.Alam kong broken hearted ka mare-relax ka dito.Ang ganda kaya,tignan mo andaming mga puno halaman at sariwa ang hangin dito.Sayang naman kung hindi tayo mag-lilibot dito maganda dito.Punta tayo sa kalabawan."Excited na sabi ni ate na parang nawawala sa sarili dahil sobrang excited.
Ano naman kaya ang maganda dito.Yuck hindi pa naman sementado yung daan dito.mapuputikan ako ano naman kaya ang kinaganda ng mga puno na nasa paligid mas mae-enjoy pa ako kung sa mall ako pinunta ni ate e.
"Oy ate alam ba nila mommy na nagpunta tayo dito."
"Opo senyora alam nila.Wag mo akong maoy-oy jan kung ayaw mong kutusan kita.Ate mo ako ha!"
Napanguso na lang ako dahil sa inis.
Alam mo mas maganda kung dito tayo tumira.
"Ano?no way."
"Bakit ba ayaw-ayaw mo dito?maganda naman dito."
"Ate ang hina ng signal ang putik-putik.Kaya mong tumira rito?"
"Anong masama diba mas-maganda yon tahimik."
"Ewan ko sayo ate.Bahala ka jan."
Naglibot kami sa kung saan-saan.Ang sakit na ng paa ko.Itong kapatid ko naman halos umabot na sa tenga nya yung ngiti nya.
Nagpunta kami sa mga hayop.Gusto pa atang sumakay sa kalabaw nitong kapatid ko e.Kanina pa sabi ng sabi na maganda kaya sumakay sa kalabaw.oh my,hindi kaya sya natatakot.Okay pa sana kung kabayo e pero kalabaw,never mind.
"Rhian"
Hindi ko sya pinansin bahala ka jan sabi ng ayaw ko dito e.
"Rhian Cassandra,tinatawag kita."
"Bakit ba kase?"
"Samahan mo akong magpakain ng kalabaw."Sabay tawa.
"Hoy ate wag ka ngang tawa ng tawa para kang demonyo."
"Hoy!tinawag mo akong akong demonyo.Halika nga rito."
"Ayoko nga."
"Ay nako bahala ka jan hindi ka mag-eenjoy."
"Sabi ko naman sayo ate e.Bakit ba kase sinama mo pa ako."
"Alam ko namang broken hearted ka kaya sinama kita dito."
"Ate hindi ako broken hearted.Paano naman ako mab-broken hearted e wala namn akong boyfriend."
"Alam ko namang wala kang boyfriend."
"So,paano mo nasabi na broken ako."
"Syempre kase hindi ka crush ng crush mo kase yung ex-bestfriend mo yung gusto nya."Sabay tawa
"Hey ate!Stop it."
"Okay ."Sabay tawa
Happiness ata ako netong kapatid ko e.Napakasaya kapag binubully ako.

YOU ARE READING
In your Arms
RomanceWill someone stay by my side?Will you stay by my side the one that im holding to.