Chapter 2

86 7 0
                                    





Palabas na ako ng library pero may nakabunggo sakin. Kaya naman nagkalat sa sahig ang folders and book na bitbit ko kanina, napa upo naman ako sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pag kakabunggo sakin.



Parang sa pader ata ako nabunggo eh, sakit ng noo ko.



"Miss, sorry are you okay?" sabi ng nakabunggo ko at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman yun.


"Okay lang" sabi ko at pinagpag ang palda ko.



 Tiningnan ko yung lalake habang pinupulot niya ang mga nahulog kong gamit. Pagkatayo niya saka ko lang nakita ng maayos ang itsura niya. Napatitig ako dun, hindi pamilyar yung mukha niya sakin, ngayon ko lang siya nakita sa university.



Hindi ko namalayan matagal pala ako nakatitig sakaniya.


Napakurap ako ng mahinang tumawa ang lalake.


Syete!nakakahiya baka akala niya pa gusto ko siya....



"Miss?" tanong ng lalake.


"Asteria Autumn Reyes" pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay at ngumiti.


"Luke Glymer Valdez" pagpapakilala niya at ngumiti, hindi ko alam bakit ang gaan agada gad ng pakiramdam ko sakaniya.


"Eto na pala mga gamit mo, sorry ha nabunggo kita" nahihiyang sabi ni Luke.


"ahh ok lang naman kasalanan ko din naman eh... hmmm uwi na ako ha exam pa bukas eh" pag papaalam ko.


"oh sige sa tingin ko nga nag mamadali ka, ingat!"


"ingat din!" pahabol ko at kumaway.



Paglabas ko ay nakita ko na ang kotse ni Dad kaya agad ako sumakay.


Kinamusta ako ni Dad at tinatanong about sa school and sa mga kaibigan ko.



Ako naman ay nakatingin lang sa bintana ng kotse at tinatanaw ang daan, nahagip ng mata ko ang isang lalake sa café na may kausap na babae, hindi naman siguro si Duke yun, wala naman siya nababanggit na jowa niya. Oo nga! Baka nga namalik mata lang naman ako, ayan ka nanaman self, sinasaktan mo sarili mong damdamin.


Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Agad akong nagpalit, nilabas ko na lahat ng kailangan ko sa pagrereview.

Where Do Our Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon