Chapter 4

76 7 0
                                    




Lumipas ang mga araw, Friday na ngayon tapos na ang exam kaya naman chill na lang ang mga estudyante. Busy ang mga teacher mag prepare fo the event that will happen on Monday, kaya wala kaming teacher ngayon.



Eto naman si Anaya dinadaldal ako. Ano pa nga bang bago?HAHAH



"So what color ba susuotin mo, there's no color coding naman diba?" sabi ni Anaya.



"Hmmm.. oo wala baduy daw eh kaya hindi na ginawa" pag papaliwanag ko sakaniya.



"Magsusuot lang ako ng black short and black tshirt siguro" trip ko mag ganun na suot tutal sawi naman ako diba. Hayst naalala ko nanaman, bakit naman kasi ang unfair ng mundo.



Hindi ba pwede na kung isno magustuhan mo magustuhan ka din? Kung makikita ko lang si kupido papanain ko yun eh, ibigay ba naman sa iba ang mahal ko, hay nako....



"Ayy nag eemote oh! All black ka girl hindi ka naman siguro mukhang sawi noh?" sarcastic na sabi niya. Napailing nalang ako at ngumiti ng mapait.



"same nalang tayo, gonna wear shorts but red tshirt ya' know, in a relationship, saka baka mag emote nanaman yung isa oa pa naman" sabi ni Anaya sabay irap.




May sasabihin pa sana ako kay Anaya kaso nakuha ng atensyon ko ang tumawag sakin.



"Autumn!" sigaw ni Luke na nasa bungad ng pinto.




Nakuha naming ang atensyon ng iba dahil sa pag tawag niya sakin dahil malakas.



"Ano yun Luke?" tanong ko sakaniya sabay ngiti ng tipid.



"Pinapatawag ka pala ni Ms. De Leon and dalin mon a daw yung gamit mo, kasi buong hapon daw ay may kailangan ka gawin..." sabi niya sakin, kaya tumango ako at kinuha ang bag ko, sinabit ko naman ang camera ko sa leeg ko.




Lumapit ako sakaniya. Kinuha naman niya agad ang bag ko kaya wala ako nagawa. Bumaling naman ako kay Anaya at sinabing kita kita nalang sa canteen mamaya lunch.



"Ahm.. wait Autumn may pinapasabi pa pala si Ms. De Leon sa mga classmate mo" pahabol ni Luke.

Where Do Our Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon