Ansakit na makita mo ang mahal mo....
.
.
.
.
.
...........Na may kahalikang iba at asa harap mo pa...
Nakatingin pa rin ako sakanila, hanggang sa may tumakip sa mata ko na patuloy pa din tumutulo ang luha ko.
"Bakit ba hinahayaan mong masaktan yang sarili mo?" malungkot na tanong ni Luke na siya pala nagtakip ng mata ko.
Bakit nga ba?... bakit ba hinayaan kong maging ganito ako dahil sa iisang tao....
Hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko kaya humarap ako kay Luke at niyakap siya sa bewang, tinago ko ang ulo ko sa dibdib niya at duon umiyak.
Hindi ko na kaya, ansakit na!sobrang sakit na! bakit pa siya naghanap ng iba kung andito ako? Andami kong gusto isumbat sakaniya.
Na bakit hindi ako?
bakit hindi nalang ako?
bakit ang manhid niya?
Hindi niya ba nakikita na nasasaktan ako?
Na nahihirapan ako sa set up na hanggang kaibigan lang talaga ako.
"shh tahan na..." pag aalo sakin ni Luke, niyakap din niya ako pabalik.
"Bakit kasi hindi nalang ako?........ bakit hindi nalang ako yung pinili niya Luke?" sabi ko sakaniya at suminghot dahil iyak ako ng iyak.
"b-bakit... hind-di niya m-maramdaman n-na m-mahal k-ko s-siya?" umiiyak kong tanong.
Hindi ko alam kung manhid ba si Duke o dinededma niya ang nararamdaman ko..
"bakit hindi nalang din kasi ako Autumn?" mahinang tanong ni Luke, may tumulong luha sakaniyang mata na agad niyang pinunasan.
BINABASA MO ANG
Where Do Our Hearts Go?
RandomA short story. Maybe I'm too dumb to fall inlove with my bestfriend. I tried to fight it but I can't. But this time, he is inlove with someone else. I love him that much that I can let him go for his happiness even I'm not part of it.