Kabanata 2

2.1K 52 3
                                    

Umuwi agad ako kagabi nung nangyari iyon kasi nakakahiya talaga pero hinatid ako ni Pen dahil delikado na. Good thing that she had a morning class today kaya naaya ko sya agad.

"Dahlia sama ka ba sa amin mamaya sa library pagkatapos ng class para mag-aral?" Tanong ni Chesca sakin habang nagaayos sya ng gamit.

Gawain kasi namin ang pumunta ng library para mag-aral o kaya gumawa ng assignment para mas payapa. Atsaka ang advantage nun ay wala na kaming gagawin na assignment pag uwi sa bahay. 

"Hindi na, Ces may trabaho pa ako." Sabi ko at ngumiti sakanya.

"Kaya mo ba talaga ha Dahlia palagi ka nalang pagod tandaan mo nag aaral ka ng medisina at hindi biro 'to tas nagtratrabaho ka pa." Panenermon ni Chesca at pinakinggan ko nalang sya.

"Opo mami baka tumaas dugo mo baka kesa mag doctor ka ikaw pa maging pasyente ko." Pambibiro ko sakanya at sinamaan nya ako ng tingin.

"Sige na, babae layas na baka malate ka pa sa next class mo." Pananapos nya ng usapan at hinalikan nya ako sa pisngi.

"Nagpapahinga naman ako agad pagdating sa bahay kaya may time pa rin ako sa sarili ko." Assure ko sakanya.

Pumunta na ko sa susunod na klase ko at as usual nag didiscuss lang naman ang aking prof at tahimik lang akong nakikinig kahit na medyo inaantok ako.

"What is the membrane-bound cell organelles that generate most of the chemical energy needed to power the cell's biochemical reactions?" Tanong ng Prof ko at walang niisa na nagtataas ng kamay kaya napataas ng kilay ang proof ko.

"Walang sumagot sige get one fourth sheet of paper mag ququiz tayo kala ko naman may nakikinig sainyo." Nagtaas na ko ng kamay kahit hindi ako sure kung tama.

"Yes Dahlia?" Tawag nya sakin.

"Mitochondria po." Pag aalinlangan kong sagot sakanya.

"Take your seat. Next time you have to listen to my discussion or much better kung mag aadvance study na kayo." Sabi nya samin at napatango kami sakanya.

Pagkaring ng bell ay sabay sabay ng lumabas ang mga aking kaklase kaya lumabas na rin ako pero nakita ko ang mga kaibigan ko sa labas.

"Ingat ka ha. Tapos magpahinga." Pagpapaalala ni Chesca sakin kaya natawa ako.

"Oo na. Para kang nanay ko. Ikaw din ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko at pinauna ko na syang umalis bago ako.

Umalis na agad ako at pumunta na sa coffee shop na pinagtratrabahuan ko kasi malaki sweldo doon atsaka ayon lang yung naisip kong trabaho na tumatanggap ng part time.

Medyo matagal pa bago ako makarating doon dahil rush hour na at siksikan sa jeep kaya wala akong choice kung hindi maghintay baka kasi gabi na ko makarating dito kung sakaling maglakad ako.

"Dahlia ang aga mo ngayon mamaya ka pa diba?" Bungad na bati sa akin ng kasamahan ko si Shell.

"Sinadya ko talaga na pumunta dito ng maaga atsaka galing rin ako school kaya dumiretso na ako dito at para na rin dagdag sweldo sayang naman kailangan ko." Pagpapaliwanag ko sakanya at tumango lang sya sakin.

"O sige palit ka na ng damit mo para makapagsimula ka na agad." sabi ni Shell at nilampasan na nya ako.

Pumunta na ako sa dressing room kung saan kami nagpapalit ng damit. Walang masyadong tao kaya mapayapa akong nakapagpalit ng damit. Inayos ko mabuti ang damit ko sa locker bago ulit lumabas. 

"Dahlia saktong sakto dating mo kasi maraming tao ngayon." Sabi naman ng isang katrabaho ko dito at ngumiti sakin.

"Mabuti naman at marami para maaga ako makapagsimula." masaya kong wika sakanya.

"Oo nga atsaka baka madagdagan ang sweldo satin kasi maraming pumupunta ngayon dito." Pabiro nyang sabi pero sana ay totoo talaga.

"Nako, dumadagdag lang naman ang sweldo natin kapag holiday kasi kapag pumasok ka, may double pay ka." Sagot ko naman sakanya.

Lumabas na ko mula sa dressing room namin dito at dumiretso ako sa counter para makita kung saan kulang na tao sa loob ba o dapat ay magserve nalang ako.

"Saan po ako pwedeng tumulong?" Magalang kong wika kay Ate Sam.

Napatingin naman sya sakin at ngumiti di ko nga alam kung bakit wala pa tong jowa ang ganda naman nya and ideal girl sya.

"Dahlia, ang aga mo naman ngayon. O siya ikaw na muna mag counter magbrebreak lang ako sandali." pag uutos nya sakin at tumango ako sakanya.

"Ate Sam, kahit matagal pa keri lang ikaw pa malakas ka sakin." pambobola ko sakanya at ngumiti sya sakin.

"Ikaw talaga. Dahlia palagi mo nalang ako binobola." Natatawa nyang sabi at umalis na sya.

Nagbibilang ako ng pera sa counter para ready kung may panukli kung kakailanganin ganon kasi ang tinuro sa akin nung unang araw akong nagtrabaho dito.

"Good Afternoon! Welcome to our coffee shop!" Bati ko sa kakapasok palang sa pinto.

"Hoy akin na pera mo diba libre mo. Inaya mo pa kami dito. Ang layo ng pinuntahan natin." sagot ng lalaki na pumasok.

Napatingin ako sakanila at base sa damit nila ay sa Ateneo sila nag aaral dahil halata rin sa logo na nakalagay sa damit nila. 

"Napaka daldal mo para kang babae." Masungit na sabi ng lalaki na hinihingian nila ng pera.

"Kapkapan nyo yan kunin nyo yung wallet." sabi pa ng isa.

"Kahit marami tayong ibili dito ay okay lang kasi kaya nya tayong ilibre lahat." pangunguna pa ng isa.

"Ikaw nalang din kaya umorder. Ikaw din naman magbabayad." Pang aasar ng isang kaibigan nya pero dumiretso na sya sa upuan kaya nagsitawanan ang mga kaibigan nya.

"Ako na mag oorder upo nalang kayo doon samahan nyo yung kaibigan nating torpe." Utos ng kaibigan nilang isa at lumapit na dito sa counter.

"Good Afternoon sir, what is your order?" Magalang kong sabi at nginitian siya.

"4 cappuccino." Simple nyang sabi at inencode ko na sa screen.

"That's all po ba?" Paninigurado ko sakanya tsaka ako ngumiti sakanya.

"Yes. How much?" Malamig nyang sabi at inabot nya saakin ang credit card.

"400. Anong ilalagay ko na pangalan?" Simple kong sabi at binalik ko sakanya ang card.

" Lia." Maikli nyang sabi.

"Huh?" Gulat kong sabi.

Tinatawag nya ba ko sa nickname ko kaya napatingin ako sakanya at ngumiti sya sakin.

"Lia...ilagay mo na pangalan." Ngisi nyang sabi at nagkibit balikat nalang ako.

"Pakihintay nalang po." Magalang kong sabi at tumalikod na sakanya.

Makalipas ng ilang minuto ay handa na ang inumin nila ay nilagay ko na sa pick up counter.

"Calling costumer Lia." Pagtawag ko sa pangalan.

Nagulat ako ng paghawak nya sa tray ay nahawakan nya rin ang kamay ko kaya namilog ang aking mata kung sino iyon.

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon