Kabanata 36

842 24 0
                                    

Ngayon ang alis namin pabalik ng Pilipinas kaya kailangan ko ng bumili ng pasalubong gusto ko sanang magpasama kay Kylo.

"Casandra nakita mo si Kylo?" Tanong ko nang makasalubong ko sya.

"Sinong Kylo? Si Captain?" Balik nyang tanong sakin.

"Uhmm...oo sya." Nahihiya kong sabi sakanya.

"Nandon sila sa may baba nagkwekwentuhan sila." Nakangiti nyang sabi at bumaba na ko.

Nakita ko sila na nagtatawanan. Nagdadalawang isip ako kung isasama ko ba sya or hindi kasi nag eenjoy sya dun pero sa huli ay lumapit ako sakanya. Sayang din kasi yun ah date rin.

"Pwede mo ba akong samahan bumili ng mga pasalubong? Pero okay lang din naman kung hindi ka free."Maingat kong bulong sakanya.

Hindi man lang nya inisip kasi agad agad syang tumayo at hinawakan nya agad ang kamay ko.

"Tara na." Sabi nya sakin at hinila na nya ako.

"Cap, saan ka pupunta?" Tanong ng isang babaeng na cabin crew na kasamahan ko.

"Dyan lang." Malamig na sabi ni Kylo.

Lumabas na kami at bumili ako ng pasalubong kila Pen . Sumunod naman ay pumunta kami sa mga pambata. Tinignan ko ang mga display na nakalagay. Nagagandahan ako sa kanilang lahat kaya napanguso ako dahil wala akong mapili.

"Dahlia, bakit tayo nandito sa pambata?" Tanong nya sakin.

"Malalaman mo mamaya. Can you help me to find na pasalubong sa bata?" Sagot ko nalang sakanya.

Agad agad naman syang pumayag at hindi na sya nagtanong kung para kanino iyon. Medyo mahal rin ang napamili ko.

"I'll pay." Sabi nya at naglabas ng isang credit card.

"No." Sagot ko kaagad.

"But, baby—" Mahina nyang sabi at pinutol ko sya.

"Ako ang bumili ako magbabayad." Agad kong sabi sakanya at napabuntong hininga nalang sya.

Naglabas na ko ng pera tsaka nagbayad pero sya ang nagbuhat kasi sabi nya ay kaya naman nya pero kinuha ko ang iba para hindi sya mabigatan.

Alam ko naman na may naiisip na sya pero di lang nya sinasabi. Pagkatapos namin bumili ay dumiretso na ulit kami sa airport.

"See you. Pasok na ko sa loob." Sabi ko sakanya.

"Hmm. See you later." Bulong nya sakin at pumasok na rin sya sa loob.

Lahat naman ng babae ay napapalingon sakanya. Sorry girls but Kylo Adair is mine. Hanggang tingin lang kayo sakanya. Hindi naman ako nagseselos kasi sanay naman ako na marami talagang nahuhumaling sakanya.

"Cabin crew, please take your seats for take-off." Sabi sa speaker at umupo na kami.

Maya maya ay narinig namin na inayos ang speaker at may nagsalita

"Good Morning, Ladies and gentlemen this is captin Kylo Adair speaking. I would like to welcome you to AR Airlines . This is flight number 8359 heading to Manila, Philippines we will be in the air for a total time of 3 hours and 45 minutes. Please be sure you are seated and your seatbelt is fastened.... Get ready for takeoff." Pormal na sabi ni Kylo.

Pagkatapos ng ilang oras ay nakalapag na din ang aming eroplano. Huli kaming lumabas pero bago ako lumabas ay may pumulupot na braso sa aking bewang

"Let's go.." Bulong nya.

Pagkalakad namin ay nakatingin samin ang mga tao at naiilang ako sa mga titig nya pero dapat na ata akong masanay kasi ang hot ng boyfriend ko masyado.

"Saan tayo sasakay?" Tanong ko.

"May sasakyan ako." Simple nyang sabi at tumango ako.

Pagkapasok ko ng sasakyan nya ay inayos nya muna ang mga maleta sa likuran bago sya sumakay sa driver seat.

"Kylo, kila Pen tayo." Sabi ko sakanya at tumango sya.

Paglipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa condo ni Penny at umakyat na kami ni Kylo tsaka kami nagdoorbell. Eto na Dahlia. This is it na talaga bawal ng umatras nandito na tayo.

"Dahlia buti dumating ka na at kasama mo pala si captain." Pang aasar na sabi ni Penny babatukan ko na sana sya pero nakalayo na sya sakin.

Pumasok na kami at biglang sumigaw ang dalawang bata na miss na miss na ko kaya napangiti ako kasi ilang araw ko din silang hindi nakasama.

"Mommy!" Sigaw nila at yumakap sila sakin.

"Do you miss me?" Tanong ko sakanila.

"Super po. I have so many kwento!" Sabi ni Scar kaya napangiti ako.

"Let mommy hear your story later." Mahina kong sabi at ngumiti sya.

"Hey, big guy. Who are you? This is the first time that I see you." Cute na sabi ni Liam habang nakatayo sa harap ni Kylo.

Nakatingin lang ako sakanila pero naabutan ko silang nagsusukatan ng tingin walang gustong magpatalo sakanila.

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon