Kabanata 34

813 25 0
                                    

Napaiwas sya sakin ng tingin at nagpatuloy na din ako sa paglalagay ng lock at hindi na kami nagkibuan pagkatapos ng nangyari. Pinunasan ko na rin ang luha ko.

"Tara na?" Tanong ko sakanya at umiwas na ng tingin.

"Tara. Balik na tayo sa hotel." Simple nyang sabi at nauna na syang maglakad.

Pinagmasdan ko pa ang likod nya bago ako sumunod sakanya. Miss ko na talaga sya. Maya maya ay nakarating na kami sa hotel.

"Take a rest now and after that we will going to eat." Emglish nyang sabi sakin.

"Okay." pag sang ayon ko sakanya.

Pagkapasok ko ng room ko ay humiga na agad ako at sakto naman ay tumatawag si Penny. Grabe feeling ko sobrang pagod ko ngayon araw o sadyang umiyak lang ako kaya ako napagod.

"Miss mo na ko?" Natatawa kong tanong sakanya.

"May kasalanan ako, ma." Sabi nya sakin.

"Alam ko na kasalanan mo." Panghuhula kong sabi sakanya.

"Ano? Sige nga." Panghahamon na tayo nya sakin.

"Alam mong pilot si Kylo dito sa destination na to kaya nagkunwari kang tipsy ka para kami ang magsamang dalawa." Naiinis kong sabi sakanya.

"Apir tayo dyan Dahlia matalino ka pala kala ko hindi mo mahuhulaan." Natatawa nyang sabi.

"It's not funny." Seryoso kong sabi.

"Mahal mo pa diba? Bakit hindi mo sabihin?" Tanong nya sakin.

"Oo mahal ko pa pero kapag nagmahal ka dapat wala ng sakit na nararamdaman kasi kapag may sakit pa hindi mag wowork relationship nyo." Nakatulala kong sabi sakanya.

"Edi dahan dahan nalang ulit handa ka naman nyang antayin sinabi nya sakin." Pagbibigay nya sakin ng advice.

"Pagiisipan ko. Alam na nya lahat. Nadulas ako sa kanya." Sabi ko.

"Edi mas maganda kasi you both need to open up para unti unting maghilom ang mga sugat sa puso nyo." Sabi nya sakin.

Humiga ako sa kama at nakatulala ako buong magdamag dahil sa sinabi ni Penny. Alam kong may point sya dahil ayon din ang naiisip ko pero di ko alam kung kailan yung tamang panahon para sabihin ko sakanya ang bagay na yun.

"Ms. Dahlia dinner daw po sa baba." Sabi ng di ko kilalang tao pero cabin crew din sya ewan ko bat ms tawag sakin.

"Sige po sunod na po ako." Magalang na sabi ko at bumaba na ko.

Marami na sila doon at nagkakasayahan na di ko alam kung tutuloy ba ako o babalik na ko feeling ko kasi ma oout of place ako. Wala naman kasi akong kaclose since nasa ibang flight sila.

"Dahlia dito ka sa tabi ko." Malalim na boses na sabi ni Kylo.

Wala na akong nagawa dahil ayon nalang ang walang tao pero nasa amin ang atensyon ng mga kasama nya kaya medyo nailang ako. I don't like too much attention.

"Nakapagorder na kami hihintayin nalang." Malamig nyang sabi sakin at ramdam ko yung lamig na yun.

Bumalik naman sila sa pinag uusapan nila kaya nakikinig lang ako pero hindi ako sumasagot.

"Kylo kailan ka babalik ng France?" Tanong ng isang flight stewardess.

"Baka hindi na. Sa Pilipinas nalang ako titira." Sure nyang sabi.

"Sayang naman mas malaki ang sahod sa doon kesa sa Pilipinas." Sagot naman ng babae.

"Ayoko na kasing umalis. Nung huli kasi ay may nawala sakin nung umalis ako kaya ngayon sisiguraduhin ko na hindi na mawawala." Sabi nya pero parang double meaning.

Maya maya ay dumating na ang pagkain at nagsimula na rin kaming kumain dahil gutom na rin ako. Maya maya ay tumawag nanaman ulit si Penny.

"Bakit Penny?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Mommy when you will go home? I miss you!" Cute na boses na sabi ni Scarlet.

Hindi ako pwedeng mag stay dito baka marinig nila ang pag uusap namin ng mga anak ko.

"Excuse me, I will just take this call." Sabi ko at umalis na.

"I miss you too, baby! Where's your kuya?" Tanong ko sakanya.

"He is already sleeping and he is snoring." Sabi nya at tumawa sya.

"Alright go to sleep na rin just text mommy what do you want so I can buy you here okay?" Pagbibilin ko sakanya.

"Okay, mommy. I love you!" Malambing nyang sabi.

"I love you too, baby!" Sabi ko at binaba na ito.

Pagkatalikod ko ay nakita ko na si Kylo nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa nya. Nakatingin sya sakin habang nakakunot ang noo. Nagulat ako at the same time ay kinakabahan kasi baka may narinig sya.

"Sino yun?" Curious nyang tanong at nanlamig ako.

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon