Kabanata 23

616 22 0
                                    

Lumipas na ang ilang buwan at eto na kami gragraduate na bukas kaya sobrang saya ko dahil all the stress, tears and breakdown are paid off.

"Hoy gaga tara na may practice tayo sa graduation diba kasi bukas na." pagpapaalala sakin ni Kyla.

"Mamimiss ko kayo." Nakanguso kong sabi sakanya.

"Mamimiss ka rin namin." Malungkot na sabi ni Ysabelle.

"Ano ba yan wag naman kayong magdrama ngayon bukas nalang pwede mga girls wag nyo munang sayangin yung good moods natin." Sabi ni Kyla at nagthumbs up kami.

Lumabas na rin kami at nakasalubong ko si Rome at nakangiti pa sila sakin. Naging kaclose ko din sila kasi palagi pumupunya si Kylo sa university tas palagi silang kasama.

"Happy Anniversary sainyo!" Bati ni Rome sakin at ngumiti ako.

"Thank you buti ka pa naalala nyo kaibigan mo hindi." Nakanguso kong sabi sakanya.

"Hindi nya makakalimutan yon baka busy lang alam mo naman yon." Pag chicheer up nya sakin at ngumiti sya sakin.

"Thank you ulit!" Nakangiti kong sabi sakanya at ngumiti ako.

Naglakad na kami papuntang hall at nagpractice na kami. Medyo matagal tagal kasi marami kami. Atsaka may mga part na inuulit pa kasi may mga nagkakamali.

"Hi students I want to say congratulations kasi nakarating na kayo dito lahat ng sleepless nights and mga pagod eto na makakamit nyo na yung accomplishment nyo mahahawakan nyo na yung college diploma nyo. Don't give up with your dreams." Nakangiti sabi samin ng president ng school.

Pagkatapos ng practice namin ay pumunta na kami ng classroom para makuha na namin yung bag namin para makauwi. Kaya nakangiti na ko kasi ang tagal ng practice.

"Dahlia punta tayo sa condo ni Kylo nag aaya si Pen." Sabi ni Kyla.

"Paano mo nakilala si Pen?" Tanong ko sakanya.

"Kilala mo na yan lahat ata kilala na." Bulong sakin ni Ysabelle at nagkibit balikat siya.

Pareho nga pala sila ni Pen. Friendly sila. Kaya hindi mahirap sa kanila kapag lilipat na sila ng school because they can make friends easily.

"Okay tara na." Pag aaya ko sakanila.

Pagkarating namin sa condo ni Kylo ay bigla silang nag aya sa garden kaya nagpahila na ko kasi gustong gusto ko talaga dun.

"Bat tayo nandito?" Nagtataka kong tanong.

"Enjoy muna tayo ng view mamaya kukunin ka na samin ni Kylo." Sagot ni Kyla.

"Kala mo naman hindi ako ibabalik." Sabi ko sakanila.

"Hindi ka na non ibabalik naghihintay lang yon hanggang sa makaipon kayo tapos itatali ka na nya." Pagcoconclude ni Ysabella.

"Tara na akyat na tayo." Pag aaya ni Kyla at hinila na nila ako.

Pagkasakay namin sa elevator ay pinundot ko na ang tamang palapag kung saan ang condo nya at nang marating namin. Sinuotan nila ako ng blindfold.

"Hoy siraulo ano to?" Tanong ko habang kumakapa.

"Blindfold syempre hindi ka pa ba nakakakita ng binablindfold? Ano ba yan Dahlia." Sagot naman sakin ni Ysabella.

Pagkapasok namin sa condo ni Kylo ay tinanggal nila yung blindfold. Napakunot ako sa noo kasi nakapatay na ang ilaw. Imposible naman na brown out eh kanina may nagbukas ng unit may ilaw sila.

"Wala namang---" Sabi ko at nagulat ako nung bumukas yung ilaw.

"Happy Anniversary sainyo!" Sigaw nila Pen at nila Rome.

"Wow kompleto walang pinalampas." Natatawang sabi ko.

"Mami binlackmail kami ng jowa mo." Panunumbong ni Penny sakin.

"Asan na yung maharot na lalaki na yon?" Naiinis na sabi ko sakanya at natawa sila.

"Babe naman anniversary natin inaaway mo 'ko." Sabi ni Kylo na may hawak na flower.

Nilapitan ko sya agad kasabay ng pagyakap ko sakanya at siniksik ko agad ang mukha ko sa leeg nya habang hawak naman nya ang bewang ko.

"Jk lang love thank you dito kala ko nakalimutan mo maghahanap na sana ako ng iba. I love you!" Natatawang sabi ko sakanya.

"Diba sabi ko sayo ako lang hindi pwedeng iba kasi ako mahal mo. Happy Anniversary love. I love you!" Sweet nyang sabi at hinalikan ako sa noo.

"Syempre joke lang yung sayong sayo lang ako. Wala nang isip isip." Sagot ko agad sakanya.

"Ehem. Exit na ba kami?" Sarcastic na tanong ni Penny at tinaasan kami ng kilay.

"Sige na kumain ka na Pen gutom lang yan." Sabi naman ni Kylo at tuwang tuwa sila at nagpunta sila lahat ng kusina.

"Damn. Mukha silang mga pagkain pinagpalit nila ako sa pagkain." Nakangusong sabi ni Kylo.

"Love, di kita ipagpapalit." Natatawa kong sabi sakanya.

"Kahit sa pagkain?" Tanong nya sakin.

"Ibang usapan na yan syempre pagkain pa rin." Pambibiro kong sabi sakanya.

"Hoy mga panget kumain kayo puro kayo landi." Sabi nila Kyla.

"Atleast kami may label eh kayo?" Pang aasar ko sakanila.

"Pass sa commitment." Sabi nila sakin at natawa ako.

Kumain na kami at pagkatapos non ay umuwi na rin sila kasi kailangan daw nila ng beauty rest para bukas kasi graduation namin kailangan pretty sabi ni Kyla.

"Thank you dito love kala ko talaga makakalimutan mo magtatampo talaga ako sayo." Nakanguso kong sabi.

"Wag ka ngang ganyan hahalikan kita." Sabi nya sakin.

"Sige nga kung kaya mo." Paghahamon ko sakanya.

"Ayoko baka di mo na ko maiwan nyan." Confident nyang sabi kaya ako na humalik sakanya.

"Weak mo naman ako na gumawa." Natatawa kong sabi sakanya.

"Wait, hugas lang ako pinggan." Pagpapaalam nya kaya tumango ako.

Pumunta na sya sa kusina at naghugas nanood nalang ako ng netflix ng biglang tumunog ang cellphone nya kaya nacurious ako. Email from the school in France.

GLOBAL AVIATION SA

Good Day,
Mr. Kylo Adair

Congratulation for passing the entrance exam.This is truly a remarkable success for you and we are very proud of your accomplishment. All your hard work and sacrifices have really paid off and you absolutely deserve this one of a kind achievement.

Congratulations again and we can't wait to see you here with us!

Regards,
Astrid Analia

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon