Chapter 20

218 10 3
                                    

"Leigh" tawag nito gusto ko sanang kwestyonin kung paano siyang nakapunta dito.

"Tumawag saken ang school niyo -"

"Wala akong pakelam kung sinong tumawag sayo"

Hindi ko alam kung baket hindi man lang nagugulat ang ibang kaibangan kong bagong dating dating.

"Totoo ba? Totoo bang naging boyfriend mo to at nagpabunti-" isang malakas na sampal ang natanggap ko halos nagpantig ang tenga ko.

"Wala kang alam, wala kayong alam" sigaw nito saken.

"Paano mong ipapaliwanag saken na yung pinaka matinong babae sa pamilya namin disgrasyada? At worst nagpa buntis ka sa hindi mo nobyo?" Nakakalokong sabe ko.

Hinila ako ni ali para iharap sakaniya

"Leigh please" gusto kong maiyak sa paraang ng pagkakabanggit niya ng pangalan ko.

All this time I'm craving to your attention and now you calling me that way?

Halos hampasin ko ang kamay niya saka ko hinarap ang kapatid ko, katabi si Jac at Lorenz na may parehong nag aalalang tingin.

"Alam mo ba na napakahirap marinig sa araw araw kung buhay na salot ako sa pamilya naten? Yung marinig yyng paratang ng ibang tao na kesyo malandi ako" hindi kuna napigilan mapa hikbi hindi ko matanggap na nagawa yon ng kapatid ko.

"Mas masahol kapa sa lahat ng tinawag saken ng mga tao"

"Alam ko leigh, I was drunk that night kaya nangyare ang nangyare" nilingon ko si Ali.

Alam kong wala siyang kasalanan dito na niloko siya ng kapatid ko, parang gusto kung mahiya tuloy sa lahat ng kagagaang nagawa ko.

"Pero sana hindi ka nagpalaglag" sigaw ko sakaniya natigilan silang lahat.

"Mahal na mahal ko si Ali nuon leigh, hindi moko naiintindihan dahil hindi mupa nararanasan"

"Hindi talaga kita maiintindihan dahil hindi ako kasing sama mo"

Napuno lang ng iyakan sa lugar na yon sa loob ng ilang minuto, hindi ko alam kung maiinis ako sa sarili ko oh magagalit sa kapatid oh mahihiya kay Ali.

"Leigh"

Dinig kung tawag saken ni Lorenz alam kung kasunod ko sila ni Jac, hindi ko alam kung pati sila ay may nalalaman.

Hindi na ako lumabas ng gabing yon, gusto kunang umuwi pakiramdam ko sasabog ang utak ko. 

Ngayon naaalala ko na sa twing nasa bahay si Ali kaya pala nahuhuli ko siyang laging tumitingin sa kwarto ni Ate, yung pag iyak ni Ate at yung pag iwas niya saken.

Naiinis ako baket kapatid kupa?

Hindi kuna nagawang kumain sa umaga dahil hindi kinaya ang gumising bumangon lang ako ng pauwi na kami.

"Dinalan kitang pagkain" si Lorenz na katabi ko sa bus.

Hindi ako kumubi hanggang makarating kami ng bulacan, hinatid ako ni lorenz alam kong nag aaalala siya pero wala ako sa mood para makipag usap sa kahit sino.

Nagulat akong kompleto ang pamilya ko pag uwi ko, yayakapin sana ako ni Mommy pero agad akong umiwas hindi ko sila tinignan lahat nakita kung lumabas mula sa kusina si Ate.


Hindi ko alam kung nasan ang cellphone ko kaya halos mapatalon ako ng marinig ang telepono sa gilid ng kama ko na bihira ko namang gamitin. 

"Sino to?" Tamad na sabe ko. 

Pero hindi ako nakatanggap ng tugon.

"Hello"

"Hello" hindi parin sumagot.

"Leche"  binaba ko ang telepono at saka nahiga.

Hindi ko maimagine kung paanong nagawa ng kapatid ko yon? Nahihiya na akong humarap kay Ali. Nakakagalit ang ugali ni Reyna pero wala akong magagawa dahil tama siya wala siyang kadala dala kung sakaling pinatulan niya ako.

Hughhhhh gusto kong sabunutan ang sarili ko. Hindi ako pumasok ng araw ng lunes nag daan ang sabado at linggo na halos hindi ako bumaba ng kwarto ko, hinahatiran lang akong pagkai ni Manang.


"Leigh" nilingon ko si Jac nagulat ako dahil kasunod niya si Reyna.

"Oh" walang kwentang sabe ko.


"Leigh pwede ba tayong mag usap?"  Si Reyna.

"Busy ako marami akong gagawin" napabuntong hininga ako saka deretyong naglakad.

"Ms. Diamante totoo bang ma eexpelled ka?"  Si nurse joy

"Po?"

"Balita iyon daw ang desisyon ni Dean dahil sa nangyare sa tagaytay" gusto kung sumigaw agad sa galit pero tulala lang ako sa kaniya, nag aaalala lang ang tingin nito saken.


"Yung lalakeng yon gusto ka non" makahulugang sabe nito saka ako nilampasan.

Nakakarinig akong pinag tatawanan ako dahil hindi ako makaka graduate, karma ko daw. Sa unang pag kakataon wala akong lakas para ipag tanggol ang sarili ko.

Hindi ko ginawa kay Reyna yon wala akong ginawa. Pero pakiramdam ko walang makikinig saken.

"Ayos ka lang ba? Hahanap tayo ng ibedesnya kung sinong may gawa non kay Reyna hindi ikaw yon" kanina pa hindi mapakali si Jac.

"Wag na Jac nakakapagod, salamat"

"Gago kaba? Bat hahayaaan mo wala kang kasalanan"

"Walang makakapagpatunay para san pa at lagi naman akong masama"

"Siya nga pala si Ali"

"Si Ali"

"Ano?"

"Grabe pala yung nangyare sakaniya 2 years ago hindi ko ata kaya yon"

Nag iwas ako ng tingin ayoko maaalala ang lahat ng kagagahan ginawa ko.

I was Once EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon