Chapter 6

259 4 0
                                    

Nangigiti ko naman siyang tinignan at agad naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Nag aalala ka sakin?" Nakangiting sabe ko.

"Pinakiusapan lang ako ni lorenz wag kang mag imagine diyan" napanguso naman ako sa sinabe niya natawa naman si ateng nag lilinis ng sugat ko, napa hiyaw ako ng buhusan niya ng alcohol.

"Masakit po" reklamo ko.

Lumabas saglit ang nurse ang sabe nito ay hindi na ako papapasukin sa klase.

"Wala kang klase?" Tanong ko kay Ali, umiling lang ito.

"Anong year kana ba?" Naalala kung wala pala akong alam sakaniya bukod sa kamukha niya si Leonardo de carpio nuong kabataan nito ay wala na akong alam.

"Why do you wanna know?" Masungit na tanong niyo napairap naman ako.

"Pag si Reyna ang kausap mo napaka ayos pag ako ang ikli ikli kung kadalasan pa ay tanong din ang ibabalik" nakasibangot na sabe ko.

Biglang sumakit ang puson ko naalala kung meron nga pala ako ngayon at siguradong magkakapasa  ako sa ibang parte ng katawan ko dala ng pagkaka lamog kanina. Nangigiwi ako sa.

"Why?" Tanong nito ginala ko ang paningin ko Nakalimutan kong magdala ng napkin pampalit gusto ko sanang tanungin yung nurse kanina pero mukhang out of stock tulad ng nakalagay sa kit.

"Ano kase" nahihiyang sabe ko nangunot naman ang nuo ko.

"Masakit yung puson ko ano"

"Hot compress" walang ganang sabe nito.

"Ano kase"

"What?" Tanong nito para namang nauubusan agad ng pasensya.

"Ibili mokong napkin" napayuko ako sa nasabe ko nakakahiya.

"Seriously ako bibili?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Eh sige ako nalang" akma akong tatayo pero napangiwi aagad ako sa sakit ng tuhod ko, agad ko namang naramdaman ang kamay niya sa braso ko kaya nangingiti akong tinignan to masama naman ang tingin niya kaya gusto ko matawa.

"Ano?" Nakangusong tanong ko

"Anong brand ba?" Nakasimangot na tanong nito kaya hindi kuna mapigilan mapangiti.

"Whisper non wings" sabe ko akma siyang tatalikod na ng sigawan ko ulit.

"With Fries and Yumburger at lychee mogumogu" sabe ko agad naman ako niyong hinarap.

"Baket ganon ang mga babae ano kaba" naka ngusong sabe ko.

"Pinag ttripan mo ba ko?" Seryosong tanong nito kaya medyo kinabahan ako.

"Nagugutom ako Ali" Seryoso ring kunwaring sabe ko pasiring niyang inalis ang paningin saakin. Nakakatuwa talaga lahat ng reaksyon ng mukha niya napaka gwapo.

Hindi parin bumabalik ang nurse at si Ali ilang minuto rin akong nakatitig sa kisame habang naka higa kaya hindi ko namalawayang naka tulog ako.

"Leigh" napamulat ako sa nagsalita.

"Leigh kumain kana pinabibigay ni Ali" si reyna.

Bumangon ako pero hindi ko alam kung ilang oras akong tulog pero palagay ko ay Hapon na.

"Nasan daw siya?" Tanong ko bigla naman nag Seryoso ang mukha niya saka biglang ngumiti.

"Sa Girlfriend niya?" Patanong na sabe nito.

"Meron ba?" Tanong ko

Tumango naman siya may kung ano saakin ang nabigo pero ayoko namang ipalita sakaniya yon kaya nakangiti kung kinuha ang pagkaing hawak niya tatlong yumburger at dalawang mogumogu at yung Napkin gusto kung matawa dahil siya ang una beses na nakagawa saakin nito.

"Salamat rey" sabe ko ngumiti lang ito sakin.

"Mauuna nako leigh tawagan mo ang driver mo nagpasundo ka" bilin nito bago umalis.

Ngayon ko lang napapansin na ang dating nerd ma si Reyna ay natututo ng mag ayos napansin kong naka lipgloss na siya.

Kumain ako sandali sa kwarto dumating ang nurse kanina joyce pala ang pangalan ng babaitang ito.

"Nurse joyce" tawag ko nilingon naman ako nito mukhang nag aayos na ng mga gamit.

"Hindi ko mauubos to oh" sabe ko sabay lahad sakaniya ng isang mogumogu at yumbuger.

"Binili yan sayo ni pogie e" naka ngiting tanggi nito.

"Madami kasi siyang binili hindi ko naman manuubos" sabe ko at kinuha din naman niya.

"Bago mong biktima?" Natatawang sabe nito sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Nag bago nako no" tanggi ko

"Kung sakali bagay kayo" sabe nito.

"Bagay na bagay" natatawang sabe ko halos masamid naman siya kaya lalo akong natawa.

"Ewan ko sayong bata ka, pero mag iingat ka ngayon baka itumba ka ng karma" nag seryoso naman to sa huling sinabe.

"Lagi na lang may nagsasabe sakin niyan" nakangusong sabe ko.

"Dami mong pinaiyak e "

" wala e maganda" nakangiting pagmamayabang ko ngumiwi naman agad siya hahaha.

"Pamilyar sakin ang lalaking yon" bigla ay sabe nito.

"Po si Ali?" Tumango naman ito.

"Parang nakita kuna siya dati, ka batch ko kase ang ate mo" ako naman ang tumango sakniya maya maya lang ay may kumatok at bukas ang driver ko.

"Ma'am Leigh tara na ho baka mapagalitan ka ng Mommy mo" sabe nito tinulungan naman ako ni Nurse joyce na tumayo iika ika akong nag lakad, wala ng masyadong studyante ng lumabas ako kaya hindi ako nag aalinlanagan mag lakad dahil kung meron man pagtatawanan ako sigurado, ganon sila ka inggitera na halos abangan ang mga mali kung gagawin.

"Ano nangyari diyan?" Nagulat naman ako sa katarayan ng ate ko na mukhang bago sakin.

"Obviously na tanga" walang kwentang sabe ko.

"Maupo kana diyan mag aahin ako"

Agad ko namang binalibag ang bag ko sa sofa saka naupo sa dining alas sais na ng hapon syempre gagabihin nanaman ang mag magulang ko, halos hindi na kami mag pang abot lahat sa araw araw. Palaging si ate ang naabutan ko kadalasan pa ay wala.

"Kamusta sa School?" Tanong ni ate.

"Okay lang wala pa namang masyadong ginagawa" sagot ko

"May lumalapit ba sayong mga lalaki ulit?" Tanong nito tinaasan ko naman ng kilay.

"May bago paba don ate?" Tanong ko.

"Umiwas kana Leigh ann, college kana sa susunod hindi na pwede ang ganiyan" umirap naman ako.

"Matitikman mo kung makaganiyan kapa sa kolehiyo ni hindi mo magagwang gumala dahil mas gugustuhin mong magpahinga"

"Hindi naman kase ako kasing OA niyo mag aral" inis na sabe ko

"Sa kagaganiyan mo wala kang mararating" hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis niya sakin ngayon.

"Hindi laging magagamit sa buhay ang ganda at yang mga pinag gagawa mo" dagdag niya

"Pwede ba kumakain ako" singhal ko sakaniya at mukhang natigilan siya.

"Hindi grado ang mag didikta kung anong magiging buhay ko" inis na sabe ko saka uminom ng tubig at patabog na nilagay ang pinggan sa sink saka ako umakyat sa kwarto, aayain kang kumain tas sesesrmunan ka naman napaka OA. Porket hindi ako katulad niyang matalino.

I was Once EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon