Chapter 19

191 6 0
                                    

Hindi ako lumabas sa villa na yon ng tawagin ang lahat sa pagkain, hindi ako iniwan ni Jac kahit pinapasama kuna siya kila Max.

Hinatiran akong pagkain ni Lorenz pero tubig lang ang ginawa ko, hindi ako kailan man umiyak ng ganito kasama ang loob pero sobra naman ata na wala pang ebidensya ay ako na ang sinisisi nila.

"Leigh" nilingon ko si Lorenz

"Hindi ako kakain" inis na sabe ko dito, bawal ang pumasok ang lalake sa room namin pero heto siya at inaaya akong lumabas.

"Naniniwala kami sa okay hindi mo magagawa yon"

"Kailangan nating ituloy ang session mababaleawa ang pag punta naten dito kung hindi ka sasama sa confession hall" mahabang sabe nito.

Inakay niya ako hanggang makarating kaming hagdan, pag pasok ng pinto ay naglingunan ang lahat saken.

"Take your seat" sabe ng preacher.

Napabuntong hininga lang ako naririnig ko ang mga bulong bulungan kahit ayokong pakinggan ay naririnig ko padin.

"Ngayon lang ata naka hanap ng katapat"

"Baka akala niya lahat ng lalake magugustuhan siya mygad bobita"

Umikot naman agad ang mata, gusto kung upakan si Lorenz dahil napaka boring ng ginagawa namin at talagang inaantok ako.

"Sir mag CR lang po" paalam ko dito tumango naman ito.

Naglakad ako sa likod dahil don ang nakalagay na sign Papuntang CR.

Agad akong nag sisi kung gaano ka  creepy ang Cr.

"Jusko" sabe ko

Ayoko mang tumuloy ay naiihi na ako baka maiihi ako sa pants ko pag hindi ako tumuloy nakakahiya.

Kakaasar naman

Pag bukas ko ng pinto sumalubong saakin ang mabangong amoy ng CR ano kayang albatros ang gamit ng mga to?  Natawa pako sa naisip ko. Agad din nawala ang ngiti sa labi ko ng biglang mamatay ang ilaw halos mapasigaw ako sa gulat.

"Sino yan?" Kabadong tanong ko, narinig kong bumukas ang gripo sa sink, baka may tao.

"Sino yan" tanong ko pero wala akong narinig na sagot.

Dumagdag sa kaba ko ang malakas na pag sarado ng pinto, nagmadali akong tapusin ang ginagaw ako.

Madalim halos wala akong makita liwanag lang sa butas na yero na meron dito. Kabado kung binuksan ang ilaw saka lumapit sa pinto.

Halos mapamura ako ng naka lock sa labas hindi ko mapiit.

"May tao ba diyan?" Tanong ko.

"Tulong" sigaw ko hindi ko alam kung paano nila ako maririnig hindi pa tapos ang session.

Halos mawalan na ako ng boses kakasigaw pero ni isang tao ay wala akong nakikita man lang, naiiyak nako sa inis sa dami ng nangyare ngayon araw parang ayoko ng bumalik pa dito. 

Napagod nako kakahingi ng tulong at kakaisip kung sinong nag lock saken dito, hindi kupa dala ang cellphone ko paano nako dito.

Nakarinig ako ng kaluskos sa labas kaya dali dali akong sumilip sa siwang at nakita ko si Ali at Reyna sa malapit.

"Ayos kana ba?" Si Ali

"Maayos na nakakainis ang sakit, nakakainis talaga yang si Leigh alam mo bang hindi lang to unang beses na nakipag away yan dahil sa lala-"

I was Once EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon