CHAPTER 6
Nagising ako kinaumagahan dahil naramdaman kong may umupo sa aking kama.
Dahan-dahan kong inimulat ang akin mga mata.
"I'm sorry did I wake you up?" tanong ni Jupiter sa akin.
He looked like katatapos niya lang mag shower.
"Iwan ko na muna kayo," I heard my Mom said saka lalabas na sana ng kuwarto pero may sinabi si Jupiter.
"Leave the door open Tita, please." he said.
Nang naka-alis na si Mom, tumingin siya sa akin.
Kinuha niya ang thermometer sa armpit ko, nagulat pa nga ako dahil may thermometer doon.
"Normal na, pero wag kang magpapabinat." bilin niya.
Tumango lang ako sa kanya saka umupo sa kama. I saw some paper bags beside him.
"Oh here, fruits." sabi niya saka binigay sa akin.
May mga prutas nga doon. Namangha ako.
"Anong tingin mo sa akin? Nasa hospital?" I chuckled.
"Shouldn't I give my 1st patient all that she needs." ani niya saka may kinuha sa wallet niya.
He handed me a flashdrive.
"Powerpoint mo nandiyan. I don't think I have to teach you what our lesson is yesterday. You're a math genius." he rolled his eyes.
"Hoy! Wag ka ngang ganyan! Turuan mo ako." I pouted.
"Alright! How could I resist a cute tarsier?" he said teasing me.
Kinuha ko ang apple sa paperbag na iyon saka kumagat dito.
"Lagi na siguro akong kakain ng apple, hmmm..." I murmured.
"And why is that?" he asked. Naka-kunot pa ang noo.
"There goes this phrase," I started.
Mas kumunot ang noo niya pero pinigilan ko ang sarili kong matawa.
"An apple a day, keeps the doctor away." I said proudly. Na para bang na defeat ko siya ng 1v1 sa ML.
"Well, breaking news! I'm not yet a doctor." he grinned.
"News flash! I'm your first patient doc," ngumiti ako sa kanya.
"Eat up. I will teach you the lesson yesterday after breakfast," ani niya.
Luh? Napikon?
"Jupiter Phillip Sullivan... Napikon?" I announced it like a reporter to tease him more.
Walang siyang sinabi at lumabas na siya ng kuwarto ko kaya napatawa ako ng malakas.
I brushed my teeth and go downstairs.
I saw Jupiter talking to Dad on our dining table.
"Oh she's really good Tito," dinig kong sabi ni Jupiter.
"Good to hear," ani ni Dad saka napatingin siya sa akin.
"You're awake! How are you feeling?" tanong ni Dad sa akin.
"Good," I said saka hinalikan ko ang pisngi niya.
Umupo ako sa tabi ni Jupiter saka kumain na rin. He only have coffee with him.
"Hindi ka kakain?" I asked him.
"Tapos na ako," he answered saka nakipag-chismisan ulit kay Dad.
YOU ARE READING
Collided
RomanceLux Series lll What if two planets colide? What if Saturn meets Jupiter?