KABANATA 7DAHIL sa may kaya si Luciano ay madali lang nitong naisaayos ang mga papeles para sa kanilang kasal. Tatlong araw mula ngayon ay ikakasal na sila
Hindi maitatanggi ni Consoncia na kinakabahan siya lalo na't hindi niya pa nararanasang maglakad sa pasilyo na tinitingnan at sinusundan ng tingin ng maraming tao. Nagsilang na lang siya kina Amara at Maya ay hindi sila ikinasal ni Dominador
Hindi naman sa hindi nila gusto. Sadyang wala lang talaga silang pera na panggastos para sa nakalaang kasal
"Luciano kinakabahan ako." Wika niya sa kanyang mapapangasawa
"Ba't ka naman kinakabahan Consoncia?" Tanong nito sa kanyaTiningnan naman ni Luciano si Consoncia na bakas sa mukha ang pagkabalisa at pagkaproblemado, ilang araw na din siyang hindi nakakatulog sa gabi dahil sa isiping magiging Mrs Guevara na siya
"Alam ko ang klaseng tingin na iyan Consoncia, kung ako sa'yo ay dapat maging confident ka dahil ako ang magiging mapangasawa mo. Sabihin na lang natin na para lang itong pagpapabinyag sa dalawa mong—nating anak. Ganoon lang! Naiintindihan naman kita, alam kong wala ka pang karanasan sa pagpapakasal tama ba ako?" Pagpapagaan nito ng loob sa kanya
Tumango naman si Consoncia bilang sagot
"Normal lang na kabahan kayong mga babae, ganoon din kami. Kasi mas naiisip namin na baka hindi kami sisiputin ng magiging misis namin. May iba pa nga na namamawis ng malamig habang hindi makapaghintay na makita ang kanyang soon to be wife na pumasok sa pintuan ng simbahan" litanya nito
Napalunok siya
Masaya na may halong kaba na ewan ang nararamdaman niya. Pero ang tanong, ano kaya ang magiging kinabukasan niya at ng kanyang mga anak kung matali na nga siya ng tuluyan kay Luciano
Oo nga't mabibigay nito ang lahat lahat kung ano ang kanyang gusto pero paano naman ang oras na kailangan niya ito. Iniisip niya pa lang ay parang nawawalan na siya ng lakas kapag nangyari iyon
"Okay ka lang? Ba't natahimik kang bigla?" Nag-aalalang tanong ni Luciano
"Ah, wala naisip ko lang na kapag nagiging Mrs Luciano Guevara na ako ay tiyak kong maging iba na ako sa paningin ng ibang tao. Alam mo na, malaya na akong makalabas labas sa mansiyon mo tapos makakapasyal na ako sa kung saan ko man gusto kasama ka at ng anak natin." Pagsisinungaling niyaLahat ng lumalabas sa kanyang bibig ay puro kasinungalingan. Hindi siya sigurado kong magiging ligtas ba siya sa piling ni Luciano, lalo na't hindi niya makakalimutan ang pinag-uusapan ng babaeng nagngangalang Victoria at ng dalawang sundalong yumukod sa harap niya
Hindi niya pa lubusang kilala si Luciano. Madalang lang itong magkuwento at magbahagi ng tungkol sa kanyang buhay—may kutob siyang may sekreto itong ayaw niyang malaman hanggang mamatay siya
"Ganoon ba? Ganyan din ang iniisip ko sa ngayon," ganting sagot din nito
Nginitian niya na lamang si Luciano at itinuon ang atensiyon sa isang palabas na nakikita niya sa teatroHINDI lumabas si Consoncia sa kwarto gaya nga ng kanyang kinagisnan, mula ng nagka-anak siya ay naniniwala siya sa mga kasabihan ng mga nakakatanda.
Kapag daw ikakasal ka na ay bawal kayong magkita ng iyong mapapangasawa dahil malas daw iyon, bawal daw magsukat ng damit na isusuot sa kasal maski hawakan 'yun ay hindi din pwede—pero ibahin niyo si Luciano
Matigas ito at ayaw maniwala sa mga sabi sabi ng mga matatanda kesyo daw ay paniniwala ng mga ignoranteng tao, gusto niya lang naman na mapabuti ang kanilang kasal at walang masamang mangyari na sana ay kapag nasa harap na siya ng altar kasama si Luciano ay walang tututol sa kanila at magsabing itigil ang kasal!
"Consoncia?" Tawag ni Luciano sa kanya mula sa labas ng pintuan
"Ano 'yun Luciano?" Sagot naman niya na hindi man lang pinagbuksan ang kanyang mapapangasawaKung hindi niya mapapaki-usapan si Luciano tungkol do'n ay mas mabuting ito ang kanyang gagawin
"Buksan mo ang pinto," saad nito at pinihit ang siradura pero hindi ito nakapasok dahil isinarado niya ang pinto
Patuloy ito sa pagpihit hanggang sa mapagod ito
"Consoncia, buksan mo ang pinto." Pag-uulit nito
"Hindi pwede Luciano. Kung hindi kita mapapapayag sa gusto ko mas mabuting ganito na lang ang aking gagawing hakbang, panandalian lang naman ito. Bukas na bukas din ay magkikita na tayo sa simbahan." Prangkang sagot naman niyaHindi niya gustong magalit si Luciano, pero kung magalit nga ito sa kanya ngayon ay wala na siyang magagawa do'n siya na ang gumawa para panatilihin ang nakagisnang tradisyon
Hindi sumagot si Luciano sa kanyang asik sa halip ay pinapakiramdam niya lang ito. Ilang minuto din ay umalis na si Luciano na hindi man lang nagsabi ng kung ano sa kanya
Napabuntong hininga siya at kinumutan ang kanyang dalawang anak na ngayon ay natutulog na ng mahimbing
Humiga siya sa tabi ng mga ito at kinantahan ng isang oyayi para mas makatulog pa ito ng mahimbing, siniguro muna ni Consoncia na hindi ang mga ito magigising bago siya umidlip
NAKAHAWAK sa haligi ng king size bed si Consoncia habang inaayosan siya ng mga tatlong kakabaihan para sa kanyang kasal ngayong araw
May paminsan minsan na napapangiwi siya dahil sa higpit ng pagkakatali ng laso sa likod ng kanyang bewang
"Ma-manang, hindi na p-po ako ma-makahinga." Pagsisikap na pagsasalita ni Consoncia at hinawakan ang sariling tiyan
Tiningnan naman siya ng taga ayos mula ulo hanggang paa saka siya nginitian
"Iha, hindi natin pwedeng luwagan ang lasong nakatali sa iyong likuran. Medyo malaki kasi ang togang nabili ni Luciano para sa'yo," opinyon nito at ipinatong ang dalawang daliri sa baba at umikot pa sa kanyang likuran para makita ang kanyang kabuuan
"P-pero manang?" Sagot naman niya at huminga ng sobrang lalim
Kung nagpatahi na lang sana siya ay mas mabuti pa iyon. Pero ayaw na naman ni LucianoGusto nito na kung ano ang kanyang desisyon, 'yun ang masusunod. Medyo may pagka hari din kasi itong si Luciano kaya nagdadalawang isip siyang magpasiya sa kung ano din ang kanyang gusto
"Mukhang ayos na naman ang lahat. Pwede ka ng lumabas—" wika nito ng matapos siyang suriin
Tumango na lamang si Consoncia at hinawakan ang kanyang may kabigatang toga at dahan-dahang naglakad palabas ng kanyang kwartoNgayong araw ay hindi man lang niya makikita ang dalawang anak dahil nasa pangangalaga ito ni Maggy na ngayon ay nasa simbahan na kapwa hinihintay siya sa pagdating
Muli, ay huminga na naman siya ng sobrang lalim kesa sa kanina
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tanong ng kutsero na kasalukuyang magmamaneho ng sasakyan na hahatid sa kanya sa simbahan
"A-ah, oo—oo okay lang a-ako." Sagot niya at hindi pinahalatang kinakabahan siya
Tiningnan naman siya ng kutsero sa rearview mirror ng sasakyan at bahagya siyang nginitian
"Ayos lang 'yan ma'am. Ganyan naman po talaga ang mga babaeng ikakasal na pinagmamaneho ko, halatang halata sa mukha ang kaba at pagka excite" pagka-usap sa kanya ng kutsero
Kahit sa ganitong pamamaraan ay naibsan ang kabang nararamdaman niya at natutuwa siyang si Mang Ben ang kutserong hahatid sa kanya sa simbahan
Nang hindi na sila nag-usap ay tumingin siya sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga kahoy na nadadaanan nila, papalabas palang sila sa nayon na tinitirahan ni Luciano ay walang tigil ang bilis ng pagpintig ng kanyang puso
Sana bukas ay hindi na siya maninibago na kasama na niya si Luciano sa iisang kwarto. At sana, bukas ay magagampanan niya ang pagiging mabuting asawa para dito
BINABASA MO ANG
The Lost Goddess (Completed)
FantasySi Amara isang hindi ordinayong babae, pinagkalooban siya ng Diyos ng isang malagintong kulay na buhok na nagsisilbi at nangangahulugan sa kanyang pagkatao. Limang taon na gulang pa lamang siya ay ulila na siya at inampon siya ng babaeng kasalukuyan...