Kabanata 15

643 17 0
                                    


KABANATA 15

NAPAHAWAK sa sariling tiyan si Consoncia ng bigla na lang itong sumakit. Siya lang mag-isa sa mansiyon ni Luciano dahil pinagbakasyon muna ng kanyang asawa ang mga ito

Gusto niya sanang huwag munang pagtrabahuhin si Maggy pero nahihiya siyang ipagpaalam ito kay Luciano

"A-aray?" Nakikiramdam na asik ni Consoncia at humawak na sa gilid ng lababo

Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili at bigla na lang parang may tubig na dumaloy pababa sa kanyang hita. Iyon pala ay senyales na manganganak na siya

"Tu-tulong! Manganganak na ako," pagsisigaw niya
"Mama? Anong nangyayari?" Biglang bumaba si Amara galing sa taas na hindi pa natatapos sa pagtetrentas ng hanggang bewang na nitong buhok

"Anak. Amara, manganganak na ako." Mahina niyang pagkakasabi at hinawakan ito sa balikat para doon kumuha ng lakas

"Maya! Manganganak na si Mama. Tulungan natin siya!" Sigaw nito na ikinababa din ng kanyang anak na hindi pa nakakasuklay ng buhok

Limang taon na gulang na silang dalawa pero ang galing na ng mga ito kung magsalita. Matalino pa nga ang mga ito sa kanya at iyon ang ikinatutuwa niya sa mga ito taas nuo niyang pinagmamalaki si Amara at Maya sa mundong ito

"Maggy, ang Mama ko! She's now giving birth to our younger brother baby Rafael." Paglilitanya ni Maya at hinawakan ang kamay ni Maggy

"Teyka lang, sige. Pumunta ka sa labas—humingi ka ng tulong sa kasambahay ng Papa Luciano mo." Utos nito na kaagad sinunod ng kanyang anak

"Amara, mag impake ka ng mga gamit ng Mama mo. Bilis at hihintayin ka namin sa labas." Utos din nito kay Amara na kaagad naman nitong sinunod

"Maggy, ang anak ko—" nanghihinang bulalas naman ni Consoncia at hinawakan ang kanyang tiyan para iangat ito kunting kunti na lang ay lalabas na ang kanyang anak

MAHIGIT limang minutong naghintay si Maggy sa labas habang paulit-ulit na inikot ikot ang kinatatayuan sa harap ng pintuan

Hindi siya mapakali ng matagumpay niyang naidala si Consoncia sa paanakan. Inutusan pa naman siya ni Luciano na kunin ang naiwang dokumento sa opisina nito pero mukhang hindi na niya ito maihahabol sa pagpupulong ng mga kliyente nito dahil nanganak ang asawa nito

Napapitlag sa gulat si Maggy ng biglang mag-ingay ang kanyang telepono na nakatago sa kanyang cardigan

"Hello Sir?"
"Where the fuck are you Maggy?! Nasaan na ang dokumentong pinapautos ko sa'yo. I need it now!" Bungad nito sa kanya ng masagot na niya ang tawag nito

"Sorry Sir Luciano, your wife. Ma'am Consoncia is now giving birth to your son Rafael." Pang-iimporma niya na ikinatahimik nito sa kabilang linya

Alam niyang hindi ito ang tamang oras para sabihin ito sa kanyang amo. Pero ano bang magagawa niya asawa ni Luciano ang pinag-uusapan dito

"Totoo ba 'yan Maggy. Sige, pupunta ako diyan sa paanakan ngayon—I'm going to cancel my meeting right now." Tila nagmamadaling sagot naman nito at binabaan siya ng telepono

Napatingin si Maggy sa batang kumalabit sa kanya at hinila hila ang kanyang medyo may kaiksiang saya

"Maggy, ayos lang ba ang Mama ko? Ligtas na ba siya?" Pagtatanong ni Amara sa kanya habang ang ulo nito ay nakabalot ng makapal na tela

Lumuhod naman si Maggy at pinantayan si Amara

"Ayos lang ang Mama mo Amara, nandiyan lang siya sa loob. Hinihintay na lumabas ang kapatid mong si Rafael." Pagsasabi niya ng totoo

Kung magsisinungaling siya dito ay hindi niya magawa. Bata pa ito at marunong ng bumasa ng isip ng tao

"Talaga ba Maggy, sana ligtas ang Mama ko at si Rafael." Malungkot na saad naman nito na ikinailaw ng kanyang malagintong buhok

Hindi niya kailangang mataranta dahil may balabal naman ito sa ulo. Umiilaw pa din iyon pero hindi kagaya ng dati na para ka talagang masisilaw dahil sa taglay ng sinag nito

"Maggy! Nasaan si Consoncia?" Naliligo sa sariling pawis na tinanong siya ni Luciano

"Nasa loob pa po Sir." Agarang sagot naman niya at tumabi sa pagkakaharang sa pinto

Hindi sumagot si Luciano sa halip ay dali-dali itong pumasok sa loob ng paanakan kahit hindi pwede

NANGANGATOG ang mga tuhod na iniangat ni Consoncia ang kanyang ulo para masilip ang kanyang anak na nasa mga kamay ng kumadruna

Nagtaka siya na bakit medyo natagalan ito sa pag-alis sa kanyang harapan at bakit wala siyang marinig na iyak ng bata

"Ang a-anak ko?" Tanong niya sa kumadruna na halos hindi na makakilos dahil sa sobrang pagod

Nagkatinginan naman ang kumadruna at kasamahan nitong nagpaanak sa kanya at parang nag-uusap gamit ang mga tingin

"Mga Binibini, nasaan na ang anak ko. Gusto ko siyang makita—" paki-usap niya sa mga ito

"Consoncia? Nasaan na anak natin, si Rafael? Kumusta siya?" Biglaang pagpasok ni Luciano sa kanyang inaanakang kwarto

Tumayo ng tuwid ang dalawa at ibinigay sa katiwalang kasamahan nila ang kanilang anak na si Rafael

"Ginoo, maaari ba kayong maka-usap? Sandali lang naman." Hinging pahintulot ng kumadruna sa kanyang asawa na si Luciano

Tumango lang ito at pumasok sa isa pang kwarto katabi ng mesa nito na napagkamalan niyang opisina ng kumadruna

Matapos ang ilang minutong paghihintay na nakahiga pa din sa kama ay lumabas na si Luciano sa opisina ng kumadruna

"Luciano—"

Napatingin si Luciano sa kanya ng walang kaemo-emosyon, nagsalubong ang kanyang dalawang kilay sa inakto nitong pagiging seryoso

"Anong problema Luciano? Hindi na ako makapaghintay na makita ang anak nating si Rafael." Puno ng kasiyahang naiusal niya

"Anong problema ko Consoncia? Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Biglaang sigaw nito na ikinapitlag niya sa sobrang gulat
"Luciano?"

"Huwag mo akong ma Luciano, Luciano! Walang puso Consoncia, pinatay mo ang anak ko." Nanggigigil na sumbat nito sa kanya

Bakit, ano ba ang ginawa niya? Sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang ginawang mali

"Wala na ang anak natin Consoncia, wala na si Rafael. Namatay siya sa sinapupunan mo; ng dahil sa kapabayaan mo namatay ang anak natin!" Sigaw na naman nito sa kanya

"H-hindi ko maintindihan,"

"Hindi mo talaga maiintindihan! Dahil wala kang kwentang ina. Wala kang awa: sarili mo lang ang iniisip mo babae ka! You're a selfish whore!" Pagdidiin nito sa bawat salita na ibinabato sa kanya

"Papa, tama na!" Singit ni Maya at patakbong niyakap si Luciano sa kanyang bewang
"Bitawan mo nga ako!" Piksi ni Luciano sa kamay ng kanyang ordinaryong anak na ikinaatras nito

"Huwag mo akong matawag tawag na Papa, hindi kita tunay na anak!" Nanginginig ang hintuturong tinuro niya si Maya

Umiyak naman si Maya sa kanilang harapan at napatakip na lang silang dalawa ni Luciano sa kanilang mga tenga ng biglang dumagundong ang malakas at matinis na boses ni Maya

Ang mga kagamitan sa loob ng paanakan ay nagkabasag basag. Hindi niya malaman kung ano ang dahilan ng mga pagkawasak niyon

"Maya, tama na!" Sigaw niya sa kanyang anak na ikinabalik nito sa tamang huwesiyo

Umiiyak pa din ito pero hindi na kagaya ng kanina

"Mama!" Patakbo itong lumapit sa kanya at niyakap siya na parang pinoproteksiyonan siya nito laban kay Luciano

Nagtataka man ay lumabas si Luciano sa delivery room at hindi na bumalik pa—

The Lost Goddess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon