Kabanata 26

514 14 0
                                    


KABANATA 26

"HINDI ka namin tunay na anak—" parang nabingi si Amberly sa narinig ng sabihin ito ng kanyang ina sa kanya ng harap harapan. Paanong, bakit ang daling sabihin nito sa kanya na hindi siya nito tunay na anak

Hindi ba sila nakakaramdam na unti unti na siyang nasasaktan?

"Nagbibiro ka lang naman 'di ba?" At nagawa pa niyang tumawa sa sinabi nitong nagpadurog sa kanyang puso

Ngumiti ng nakakalungkot sina Arthur at Lorie pagkatapos ay sabay pa itong umiling iling. Naihilamos niya na lang ang dalawang kamay sa kanyang mukha at hindi mapigilang pagtawanan ang mga ito

"Paanong? Hindi, imposible ang sinasabi niyong 'yan. Siguro binibiro niyo lang ako 'no?" Sana nga ay nagbibiro lang ang mga ito

Umayos ng upo si Lorie at hinawakan ang kanyang dalawang kamay

"Amberly listen, hindi ka nanggaling sa amin. The truth is you are adopted kasi hindi ko kayang magbuntis" sagot naman nito

Grabe ang sakit, ilang taon ba ng mga itong itinago sa kanya ang katotohanang hindi siya nito tunay na anak. Hindi niya matanggap tanggap

"Then who are my true parents? Bakit nila ako hinayaang mawala sa kanila o hindi kaya ay bakit nila ako nagawang ipaampon!" Hindi niya mapigilang mapasigaw sa harapan ng mga ito

"Amberly, sorry—"
"No! Both of you are not sorry! Hindi niyo magawang ibalik sa dati ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng paghingi niyo ng tawad sa'kin. Mom, Dad! Bakit hindi niyo sinabi sa'kin no'ng una pa lang, bakit?" Hindi niya mapigilang sumbatan ang mga ito

Gusto niyang malaman kung saan siya nanggaling at kung sino ang mga tunay niyang mga magulang, she wants to know the whole story

"Hindi namin alam kung sino ang iyong tunay na mga magulang, basta nakita ka na lang namin sa bahay ampunan na nag-iisa at walang kaibigan kaya kinuha ka na namin." Ang kanyang kinalakihang ama naman ang nagsalita

"Kung hindi niyo alam kung sino ang mga magulang ko, mind telling me what's my real name." Tanong niyang muli

"Maya, Maya ang tunay mong pangalan bago namin pinalitang Amberly" kaagad na sagot nito na ikinabalik niya sa nakaraan

Umaga, nagising ng madaling araw si Amberly dahil sa hindi siya nakatulog ng maayos ng malaman niyang ampon lang siya ng Hari at Reyna. Maya daw ang kanyang tunay na pangalan pero hindi pa din iyon sapat sa kanya para mahanap ang kanyang tunay na mga magulang

"Pasensiya na," hinging paumanhin ni Amberly ng may nakabangga siyang isang babae

Hindi niya kasi ito napansin ng naglalakad patungo sa loob ng palasyo, epekto siguro iyon sa mga iniisip niya

"Ayos lang mahal na Reyna." Sagot naman ng babae na ikinalingon niya dito

Tama, ito iyong babaeng kinukutya kutya niya dati. Ito 'yung nagsisilbi sa kanya na hindi man lang niya sinusuklian ng kabutihang loob

Nang akmang aalis na ito ay tinawag niya ito upang ito ay huminto sa paglalakad

"Ah, Ginang?" Tawag niya
"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa mga ginawa ko sa'yo ng mga araw na pinagsilbihan mo ako, at salamat na din dahil tiniis mong maglingkod pa din sa akin kahit pinagsasalitaan kita ng hindi maganda—" diretsong humingi siya ng tawad dito

Nagbago na siya, hindi na siya magiging masama.

"Ayos lang 'yun mahal na Reyna." Sagot naman nito at tumingin sa kanya

Nang magtama ang kanilang mga mata ay parang nakaramdam siya ng hindi pamilyar na emosyon. Kilala niya ang mga matang ito, parang ito ang kanyang tunay na—ina.

The Lost Goddess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon