Kabanata 18

642 18 0
                                    


KABANATA 18

NAPALINGON si Amatria ng tawagin siya ng ginang at pinalapit sa gawi nito, abala siya sa pagbabasa ng mga kasaysayang libro dahil iyon ang hilig niya, gusto niyang malaman kung ano ang tinatago ng kanilang lugar dito sa Fotheringhay

"Opo nay," tugon niya at tumayo na nasa libro pa din ang atensiyon
"Ano po 'yun?" Tanong ni Amatria ng makalapit na siya ng tuluyan

"Pakikuha nga no'ng palanggana sa kusina." Utos nito sa kanya na kaagad niyang tinalima

Dala-dala pa din niya ang libro, hindi siya tumitingin sa dinadaanan at panay ang pagbabasa niya tungkol sa kanilang lugar. Dahil sa mahilig siyang magbasa ay natututo na din siyang magsalita ng lengguwaheng Ingles, Aleman, Pranses at iba

Ang kanyang ina-inahan ay manghang mangha sa kanya na hindi makapaniwala kung saan niya nakuha ang ubod ng katalinuhan. Hindi din niya iyon alam—

Wala siyang maalala sa kanyang nakaraan, hindi niya nga alam kung may nanay at tatay ba siya, may kapatid ba siya o kung sino man ang mga tunay niyang pamilya

Napaatras si Amatria ng biglang natapon ang tubig sa kanyang walang saping paa, hindi niya kasi napansin na may tubig pala ang palangganang ipinapakuha sa kanya ng ina

Nabitawan niya ang libro at napahawak sa kanyang ulo ng uminit iyon, natataranta siyang hinanap ang salamin na baka may kung ano sa kanyang ulo

Napatili siya ng malakas ng makita niyang bahagyang umilaw ang kanyang malagintong kulay na buhok

"Amatria, anong nangyayari? Ba't ka sumisigaw? May nangyari ba sa'yo?!" Biglang pasok ng kanyang kinilalang ina na may dala pang punit na damit

"Na-nay!" Napatingin siya sa ginang na hawak hawak pa din ang salamin

Ang kaninang nag-aalalang mukha ng ginang ay napalitan ng pagkakataranta ng makita nitong may hawak siyang isang maliit na salamin

"Akin na 'yan." Agarang bawi nito sa maliit na salamin at itinapon sa labas ng bahay
"Nay?"

Agad din niyang ipinatong ang makapal na balabal sa ulo nito at niyakap ito saka nagpalingon lingon sa paligid. Mahirap na, baka may makakita pang iba at ipagkalat na hindi tao itong si Amatria

"Nay? Ano ba ang nangyayari sa'kin? May sakit ba ako?" Sunod sunod na tanong nito na nanginginig pa ang katawan

"Kalma ka lang anak ko. Wala kang sakit—" sagot naman niya at hinawakan ang dalawang balikat nito

Nag-angat ito ng tingin sa kanya

"Inuulit ko, wala kang sakit. Natural lang na ganyan ang nagiging reaksiyon mo kapag nagulat ka, o ano pa man ang nakakapagpakaba sa iyo." Paliwanag niya dito

"Matagal ko na din pong naiisip na bakit hindi ako katulad ninyo, na bakit ganito ang buhok ko. Bakit mapili ako pagdating sa pagkain at bakit parang may kulang sa'kin?" Naguguluhang asik nito at lumayo sa kanya

Napabuntong hininga naman ang ginang at tiningnan si Amatria

Kahit siya ay naguguluhan din, nagulat siya kanina na bakit umiilaw ang buhok nito kanina. Pero hindi niya pinahalata dito na nagulat siya sa halip ay pinaniwala niya itong natural lang iyon at wala ng dapat ipag-alala pa

"Nay?" Naluluha nitong tanong sa kanya
"Huwag kang mag-alala Amatria, walang mangyayari sa iyong masama nandito lang ako at ng kapatid mo para alagaan at bantayan ka" tugon niya dito

NAKAUPO sa sofa, kaharap ang sampung nagkakapalang libro na inisa-isang inaral ni Amberly ang lengguwaheng Aleman—nahihirapan siya at pagod na pagod na siyang tingnan ang mga librong nagkalat sa mesa

The Lost Goddess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon