Chapter 3: Third time

30 7 8
                                    

"Friendship must never be buried under the weight of misunderstanding."
– Sri Chinmoy

~~~~~~~~~~~~~~~~~

NAKATINGIN lng ako dun sa grupo ng magkakaibigan habang nakikinig sa usapan nila Ellabi at Nathan, I used to call Nathan, Bangag which di ko na nagagawa ngayon, di ko na magawa.

"Abril, tara na?" tawag sakin ni Ellabi na ngayon ay nakangiti na pero hindi man lng umabot sa mata.
Tumango ako at nginitian na din siya.

"Asaan si Jam?" tanong ko kay Ellabi habang naglalakad kami pabalik ng class room para kuhain ang mga bag namin.

"Umalis na din sya nung pagka alis mo, walang sabi sabi, walang lingon lingon." saad niya at bahagyang ngumiti.

"Anong problema ni Jam, Nathan?" tanong ko at saka lumingon sa kaniya. Pero umiling lng siya.

"Wala ako sa pwesto para sabihin yun." sagot niya kaya tumango na lng ako.

"Punta tayo kila Jam, alam kong alam mo kung saan ang bahay niya, puntahan natin siya." sabi ko na ikinabuntong hininga na lng niya.

....

@Jamaica's House

"Eto na?" tanong ko pa na ikinatango ni Nath.
Tatawag na sana ako kay Jam ng may narinig akong nagsisigawan ang mga nabasag na gamit mula sa loob ng bahay kaya naman sinigaw ko na ng malakas ang pangalan ni Jam ganun din ang ginawa nilang dalawa, di na ko nakatiis at nang himasok na ko.

"Abril!" suway sakin ni Nathan pero di ko siya pinansin at nagtuloy tuloy pumasok at nanlamig ako sa nakita ko.
Si Jam na sinasabunutan ng ama habang ang damit pang itaas ay punit na, madami din siyang pasa sa katawan at mga sugat.

"Jam!!! Anong ginagawa ninyo !" saad ko at itinulak papalayo yung ama niya mula sa kaniya.

"Abril." nagulat na saad ni Jam.

"At sino ka naman!" sigaw ng ama niya.

"Tatawag akong pulis." banta ko sa kaniya na ikinangisi lng niya.

"Abril wag na." sabi sakin ni Jam habang hawak ang kamay ko, inilingan ko lng siya.

"Hwag kanng mangengelam dito ha, baka gusto mo sayo ko ibunton lahat ng galit ko." saad ng tatay niya sabay tingin sakin pababa.

"Tutal, mukang masarap ka naman, pede ka narin." dugtong pa niya na pinandirihan ko, unti unti siya lumapit pero di ako natinag.

"Subukan mong lumapit tatawag akong pulis." banta ko sa kaniya pero lumapit lang siya kaya agad ko namang hinanap ang cellphone ko sa bag, pero huli na ng sampalin niya ko, naramdaman ko pa yung mainit na likido na tumulo sa labi ko.

"Abril." naiyak na saad ni Jam.

"Sabi ko naman kasi sayo wag ka ng makisali." saad pa nung ama niya at sinabunutan ako kaya naman agad akong napaluhod at napaluha sa sakit ng anit ko.

Kinaladkad niya pa ko at saka inihagis sa pader kaya naman napaubo ako at masama ko siyang tinignan.

"Demonyo ka!" galit na saad ko, kasabay naman nun ay yung sirena ng mga pulis at yung pagpasok nila Ellabi at Nathan.

Given Time (A Novelette)Where stories live. Discover now