"My father always used to say that when you die, if you’ve got five real friends, then you’ve had a great life."
– Lee Iacocca –~~~~~~~~~~~~~~~~
Micah Ella's Point of View
INALALAYAN ko si Abril tumayo dahil uuwi na kami, nalulungkot akong nakatingin sa kaniya, tahimik lng siya at malungkot ang mga mata.
"Tara na." yaya ko sa kaniya na nginitian niya lng ng bahagya saka tumango.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.@Abril's Dorm
"Ayos ka na ba talaga?" tanong ko pa sa kaniya pagkapasok nya ng dorm.
Lumingon siya at ngumiti, ngiti na may assurance."Okay na ko, pwede ka ng umuwi anong oras na, ingat." saad niya sabay kaway sakin, nag alinlangan pa akong kumaway saka niya sinara ang pinto, pero di pa ko umalis don at pinakinggan ko siya mula sa loob.
Mula so loob naririnig ko yung mga iyak niya, Salamat sa lahat Abril.
.
.
.
.
.
.
.
.Kinabukasan
"Ellabi!" masiglang bati sakin ni Abril na ikinangiti ko, kahit nakangiti siya kita ko ang pagod sa mga mata niya, isa yon sa nagpapalakas ng loob ko, dahil kahit pagod na siya lumalaban padin siya, kahit na may problema siya hindi niya magawang makisabay sa lungkot kundi mas ngumingiti pa siya para samin.
"Tara na?" tanong niya habang nakangiti sakin, nginitian ko siya tsaka tinanguan.
Habang naglalakad kami di ko maiwasang hindi mag alala sa kaniya dahil halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya, isa kasi siya sa pinaka active student dito sa school kaya kilala din siya.
"Wag kang mag alala sakin ayos lng ako." saad niya habang deretsong nakatingin sa dinadaanan namin, kaya naman tumango na lng ako kahit di siya nakatingin sakin.
Sana maging ayos na ang lahat.
Nathan's Point of View
"SIGURADO ka bang si Abril ang nag post nun?" tanong ko sa kaniya, nandito kami sa rooftop pinaguusapan ang nangyare kahapon.
"H- hindi." sagot niya sabay yuko.
"P-pero, diba sabi mo inis siya sakin? Ikaw nagsabi non, tsaka isa pa pangalan niya yon, andon din mga pic niya." dugtong pa niya."Di mo ba kilala si Abril?" tanong ko sa kaniya na ikinatikom ng bibig niya.
"Di ko na sure, since nalaman ko na may inis siyang nararamdaman sakin, di ko na sure kung kilala ko pa sya." sagot niya habanh nakayuko.
"Steph, si Abril ang tipo ng tao na tinatago niya nararamdaman niya para walang gulo, kung di man niya mapigilan bigla bigla ka niyang paprangkahin, hindi siya mag kakalat ng personal na problema sa social media." paliwanag ko na mas lalong ikinayuko niya.
"Ano bang dapat kong gawin?" tanong niya pa sa nag aalalang tono.
"Nasaktan ko siya." dugtong niya pa."Hindi lng ikaw ang nakasakit sa kaniya, kundi tayong lahat." saad ko pa na ikinatingala niya.
YOU ARE READING
Given Time (A Novelette)
Short Story[COMPLETED] They say break up could shatter your whole life But For me, Watching my friends grow apart with each other already breaks my heart. Friend ship over is more heart breaking than break up. If ever If ever I don't want to know them if ever...