Chapter 8: Eight Time

16 4 9
                                    

Aprielle's Point of View

Pabalik na kami ni Yuri ng magtext sakin ni Ellabi.

"Yuri visit daw tayo kay Blezy." saad ko sa kaniya.

"Pass bawi na lng ako sa susunod, may importante lng akong pupuntahan." paliwanag niya saka nag paalam.

Tinext ko siya pabalik na hihintayin ko sila sa gate ng school.

"Aprielle! san ka galing?" tanong na bungad sakin ni Ate Quiin.

"Ahh, dyan lng sa tabi tabi, si Yuri pala may pupuntahang iba importante daw." sagot ko sa kanila saka umuna ng maglakad sa kanila.

"Ano pang ginagawa niyo dan? Tara na!" aya ko sa kanila kaya naman sumunod na din sila sakin.

Blezy's Columbarium

"Ann?" dinig kong saad ni Steph kaya naman napatingin agad ako dun sa taong tinawag niya, si Ann nga.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ken sa kaniya pero umiwas lng siya tingin samin.

"Wala." saad niya saka kami tinalikuran at nag lakad palayo, bakit siya umiyak? Halatang umiyak siya.

Pinabayaan na lng namin siya at saka pumasok sa loob papuntang columbarium ni Blez ng may maaninag akong dalawa tao sa loob.

"Is that Hannah and Ate Mary Jane?" takang saad ni Jam habang nangliliit ang matang nakatingin sa loob.

"Hindi ba halata?" sungit na singit ni Kuys Mark kaya naman napasimangot ako sa asta niya, minsan na nga lng makisingit sa usapan sungit sungit pa.

Dumeretso na kami papasok at binati si Ate Mary Jane pati si Hannah na ikinagulat niya.

"Buti napa bisita kayo." salubong samin ni ate Mary Jane

"Ah– ate una na ako." paalam ni Hannah kaya sinubukan ko siyang pigilan pero hinawakan ako ni ate Quiin sa braso.

"Let her be" saad ni Ate Quiin kaya tinanguan ko na lng siya.

Message¹

Meet me 6:00 pm at the cafe.

Basa ko sa text ni Ann, medyo nagtaka ako at napakunot noo, ano kayang sasabihin niya?

Nung nakapagpasya na kaming umuwi ay nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan lng.

"San naman?" tanong sakin ni Ellabi kaya nginitian ko siya.

"Basta, importante lng." tugon ko sa kaniya saka na nagpaalam at umalis.

Cafe

"Ann." banggit ko sa pangalan niya ng makalapit ako sa pwesto niya agad siyang napalingon sakin at alanganing ngumiti.

"Anong sasabihin mo at pinapunta mo ko dito?" tanong ko sa kaniya.

Ann's Point of View

Tumingin lng ako sa kaniya at saka kinagat ang pang ibabang labi, I hate being in this kind of situation, para akonh naiipit kung ano ba dapat ang desisyon.

"Ann?" tawag ulit sakin ni April.

Parang lahat bumabalik sakin kung anong nangyare isang bwan ang nakakaraan.

Given Time (A Novelette)Where stories live. Discover now