Chapter 7: Seventh Time

23 3 26
                                    

"I'm wondering are you my best friend?, feels like a river rushing through my mind, I wanna ask you if this is all just in my head, my heart?"
-Kim Taehyung (Sweet Night)
~~~~~~~~~~

Ann's Point of View

PINANOOD kong umalis sila Aprielle at Yuri don sa may parking lot saka ako sumunod kila Hannah.

"Hannah wait." tawag ko sa kaniya na ikinalingon niya.

"Pupunta ka ba kay Blez?" tanong ko sa kaniya kaya tumango naman niya.

"Sama ako, pwede?" tanong ko sa kaniya na alanganing lumingon kay ate Mary Jane, ate ni Blez.

"Okay lng, tara na?" saad ni Ate Mary Jane kaya naman nagtuloy na kami ng lakad.

"Anong nangyare?" tanong ni Hannah sakin.

"Anong, anong nangyare? " patay malisya ko sa tanong niya.

"Ann, alam mo kung anong sinasabi ko—"
"Walang nangyare." putol ko sa sasabihin niya at saka binilisan ang lakad para makasabay kay ate Mary Jane.

Maski ako di ko alam ang nangyare. Basta ang alam ko lng nagising akong, wala na.

Columbarium.

Pinatong ko na yung bulaklak na binili ko sa flower shop sa ibabaw ng thomb ni Blez.

'Hi, Blez, sorry if di ko nagawa yung promise ko. I'm so sorry.' saad ko sa isip ko.

" Hi Blez." rinig kong banggit ni Hannah kaya napalingon ako sa kaniya, malungkot siyang nakatingin kay Blez.

"Sorry, di ko natupad pangako ko sayo." saad niya habang nagpipigil ng hikbi.

Napaiwas tingin naman ako at saka kinagat ang pang ibabang labi, pareho lng kami ng nararamdaman.

Tumalikod na ako at maglalakad na sana palabas ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Masaya bang magpatay malisya? Na para bang walang nangyare? Na para bang walang nawala?, Na para bang wala kang kasalanan kay Blez?" saad niya na nakapag pabalik sakin sa nakaraan.

*Flashback

"Wag mo kong talikuran, Ann." saad sakin ni Blez habang hawak hawak ang braso ko, pinipigilan akong umalis.

"Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan ka?" tanong ko sa kaniya.

"Yan ang isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa inyo ehh, ramdam kong may mali sakin." saad niya pa kaya napa palatak ako ng dila.

"Karapatan nilang malaman, kaibigan ka namin, natural lng na mag alala kami." naiinis kong saad sa kaniya.

"Please, Ann nagmamakaawa ako, wag mong sasabihin sa kanila, sawa na akong makarinig ng mga comfort words, yung sasabihin na magiging okay lng ang lahat, kaya mo yan, sawa na ako Ann." saad niya pa kaya napa kamot ako sa baba ko.

"Sige go hinahayaan kita, patayin mo sarili mo, labas na ko dan." saad ko sa kaniya saka naglakad paalis.

"Ann wag ka naman ganiyan." saad niya pero di ko siya pinansin.

Given Time (A Novelette)Where stories live. Discover now