Chapter 6Off guard
Hilong hilo akong bumangon sa kama ko kaya umupo lang muna ako. Wait kama? Paano ako nakapunta rito?
May naaamoy din akong mabango niluluto.
Naalala ko bigla yung kagabi. Si Ares at yung haliparot na linta. Bumukas ang pinto kaya nagulat ako. Pumasok si Ares dala ang isang tray na may pagkain. Kinunot ko ang noo ko para mag mukha akong galit.
Ang sakit ng ulo ko ay nawawala dahil sa amoy ng pagkaing niluto niya.
"Good morning baby." Maligayang bati niya at nilapag ang pagkain sa maliit kong table sa gilid.
"Anong good sa morning?" Matabang kong sabi. Tumayo ako at pumuntang cr para maghilamos at magtoothbrush.
Pag labas ko ay kitang kita ko ang hindi ko pa naliligpit na mga design sa mga pader ko na para sana kagabi hayyst mamaya nalang. Nahagip ng mga Mata ko si Ares na naka tingin lang saakin ng deretsyo at seryoso.
Umupo nalang ako sa may table at nilantakan ang kanyang niluto. Homemade beef tosino. At hangover soup. Hindi ko man siya nakikita alam ko at ramdam ko ang kanyang paninitig.
"Baby I'm sorry. I didn't want i-"
"How's you party. Did you enjoy?" Tumingin ako ng blanko. Keep that up Vlaire. Kaya mo yan.
"Baby naman. Hindi ko nagustuhan ang party kase wala kapa doon. And I swear I don't like that."
"I know."
"Can you forgive me?"
"Wala ka naman kasalanan kaya Paano kita papatawarin. I'm okay. Aryt. Masakit lang ang ulo ko."tamad kong sabi. Ayoko lang din ng away ng away. Gusto ko lang na magbati kami kahit anong nangyari.I just love him so much. Tumayo siya at kinuha ang kanyang upuan at umupo sa likuran ko saka inakap ako.
"Sorry baby. Si Lola ang nagpadala doon sa babaeng yun. Alam mo naman si Lola. Pero wag kang mag alala sayo lang ako." Halik niya sa baba ng tenga ko. His simple gesture is bone chilling.
That's why I like him. He always assure me that everything will be fine even if it is not a word but a simple gesture.
"I love you." Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang braso na nakapulupot sa bewang ko.
"Sabi mo kahapon hate mo ako?" Nanunuya niyang sabi.
"Edi I hate you." Pagpapatuloy ko sa pagkain. "Kumain kana ba?"
"Tsk. Tong baby ko talaga.Oo nakakain na ako. Kung gusto mo isunod kita." Halik niya sa leeg ko. Nakakakiliti.
"Hoy tumigil kanga. Ikaw kainin ko jan ehh. Gusto mo malechon?" Itinutok ko sakanya ang tinidor na hawak ko.
"Ikaw naman hindi mabiro." Kagat niya sa tenga ko. Gutom ba to parang anomang oras kakainin na niya ako ng buhay.
"Gutom ka naman ata. Ito ohh. Ahh..." Humarap ako para subuan siya.
"Ayaw ko na gusto ko ikaw." Lumayo siya saakin.
"Okay akin nalang." Subo ko. "Diba ngayon yung salo salo ninyo?" Higop ko sa soup. Ang sarap.
"Oo may susuotin ka na ba baby?" Huh ako.
"Anong sinasabi mo?"
"Isasama kita baby. Ipapakilala kita sa buong pamilya ko. Wag kang mag alala alam na nila mom and dad. Si Lola nalang ang hindi. Basta baby kahit anong mangyari sa tabi lang kita ako bahala. Darating din ata ang mga pinsan ng mommy at daddy ko kasama din ang mga anak nila ata. Wag kang matakot." Parang natatakot nga talaga ako. Katakot talaga ang Lola niya. Baka ayawan niya ako lalong lalo na at wala akong dugong Chinese.
YOU ARE READING
Until we meet again
Short StoryVlaire Axiesses Zaldariga ay isang maganda at matalinong babaeng nag mahal ng taong hindi pwedeng mapasakanya. She might love him so much yet she choose to leave him for the sake of him and his family. Her world always crumble down and being restore...