Dedicated to my lovely bestfriend CloverLoverZz. Thank you for supporting my story. Loveyou *muuaaahh* haha
--------
(Laurine's POV)
"IKAW NA NAMAN?"
"IKAW NA NAMAN?"
Sabay na sabi namin.
Oh shoot! Bakit sa dinami-dami ng mababato ko ng notebook eh...yung nagnakaw pa ng first kiss ko at yung pinaka-ayaw kong makita?
Pero pwede na rin na siya ang natamaan ko ng notebook. Gulo ko ba? Tss. Like you care..
"Tss" yun lang ang nasabi ko. Alangan naman na magsorry ako. Siya naman ang may kasalanan, sumulpot kasi bigla bigla na parang kabute lang. Infairness, tumi-ming siya.
"Hindi ka ba magso-sorry?" Sabi niya ng kalmado. Halata naman na nagpipigil ng galit. Tss. Care ko ba sa kanya?
"Why would I?" Bored kong tanong sa kanya. Naglakad na ako papunta sa room. Walang mangyayari kong makikipagtalo ako sa lalaking kinaiinisan ko.
Narinig ko pang nagsalita siya "asdfghjk" pero hindi ko naintindihan.
Naglakad na ako sa papunta sa classroom at umupo sa upuan ko. Sinalpak ko ang earphones sa tenga ko at nagpatugtug ng kanta, not to mention
****
Hindi ko namalayan na natapos na ang klase namin. Inayos ko na ang gamit ko at akmang tatayo ng tawagin ang ni Tiff.
Tumayo muna ako sa upuan bago ako lumingon sa kanya. "Bakit?" Bored kong tanong sa kanya. Naglakad na kami at lumabas ng classroom.
"Punta tayo ng Mall! Hihi" excite na excite na sabi niya. Tsss. Bibili na naman siya ng mga kaartehang gamit niya. Hindi na ako umimik at naglakad na na lang. Sumakay kami sa kotse ko at ako ang nagdrive.
~after 10 minutes~
Pinark ko ang kotse ko sa parking area at bumaba. Naglakad kami papunta sa mga boutiques. Si Tiffany ang may ari ng isa sa mga magagandang boutiques dito sa Pinas.
Tumingin tingin din ako. Kumuha lang ako ng kumuha ng damit. Di ko na titingnan kung anong magkano. Hindi ko na rin sinukat kasi alam ko naman ang size ko.
"Riney, nakapili ka na? Tara bayaran na natin." Ilan beses ba 'to inire ni Tita? Ang kulit kasi. Sabi ng ayokong tinatawag ako ng Riney ehh.
"Don't you dare call me again 'Riney' its gross."
"Bakit ayaw mong tinatawag ka ng Riney? Yun nga ang tawag namin sayo ni Harry nung mga bata pa tayo." Processing..........Sino si harry? Hindi ko naman kababata si Tiffany. Nagkakilala lang kami ni Tiffany sa L.A. God, sumasakit ulo ko.
Napahawak na lang ako sa ulo ko. Sumasakit kapag pinipilit kong alalahanin. Hindi k-kaya........nagka-amnesia ako? Malabo naman yun.
"Bakit ayaw mong tinatawag ka ng Riney? Yun nga ang tawag namin sayo ni Harry nung mga bata pa tayo."
"Bakit ayaw mong tinatawag ka ng Riney? Yun nga ang tawag namin sayo ni Harry nung mga bata pa tayo."
"Bakit ayaw mong tinatawag ka ng Riney? Yun nga ang tawag namin sayo ni Harry nung mga bata pa tayo."
"Bakit ayaw mong tinatawag ka ng Riney? Yun nga ang tawag namin sayo ni Harry nung mga bata pa tayo."
Lalong sumakit ang ulo. Nag eco pa yung sinabi ni Tiffany sa akin. Ugh.
"Who's Harry?" Tanong ko ng nagtataka. Gusto ko lang itanong sa kanya. Sino si Harry? Matagal na nila akong tinatawag na Riney? Paano nangyari yun? Tanong ng kabilang isip ko.
"Aahhh.....eehh. bayaran na natin 'to" sabi niya at naglakad na papunta sa counter para bayaran. Aba't hindi pinansin ang tanong ko? Ugh. Hindi ako makakatulog nito eh.
Pagkatapos bayaran lumabas na kami. "Kain muna tayo sa MCDO." Sabi niya habang naglalakad kami. Tumango na lang ako sa kanya. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Tiffany.
Siguro gutom lang ako. Nagorder kami ng 2 spag, 2 large fries, 2 burger, 2 sundae, 2 large coke. Si Tiffany na ang nagbayad. Umupo kami sa pinakadulo.
"Tiffany...." tawag ko sa kanya habang kumakain ako ng spag. Tumingin siya saakin habang kumakain ng fries. "bakit?" Tanong niya at sumubo na naman ng fries.
Uminom muna ako ng coke bago ako nagtanong sa kanya. "Who's Harry?" Tanong ko. Matagal muna siya hindi nagsalita. Pinatong niya ang kamay niya sa baba niya.
"Hindi mo maalala? Ang tanda mo na tsk." sabi niya sabay subo ng spag. Ako ba niloloko nito? Tinaasan ko siya ng kilay.
"Woah....paano ka natuto magtaas na kilay saakin, aber?" Tinaasan niya din ako ng kilay. Hindi talaga nagpapatalo
"5 seconds ago" Bored na sabi ko sa kaniya at sumubo ng fries. Naubos na ang spag ko kaya fries naman. Tahimik siyang kumakain ng spag. Kaya nagsalita ako
"Sagutin mo na ang tanong ko" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Hindi siya sumagot kaya tumingin ako sa kanya. Kumakain pa rin siya ng spag.
Tiningnan ko siya ng masama. "Sasagutin mo ba o sasagutin?" Napatingin naman siya sa akin ng nagtataka. "Ako ba?"
Stupid.
"Ayy hindi, yung french fries yung tinatanong ko, yung french fries. Tsss. Stupid." Sabi ko at binaling sa fries ang tingin ko. "Yeah, yeah. Whatever." Sabay roll eyes. Tsk.
"Ano ba kasi tanong mo?" bingi ba siya? Kakasabi ko lang kanina dba? Sagot agad.
"Bingi ka ba o sadyang ulyanin lang?" Balik na tanong ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya. "Sa ganda kong 'to sasabihan mo ako ng bingi at ulyanin?" Tsss.
"Ikaw nagsabi niyan, tinanong ko lang naman yun. Tsk." Sabi ko sabay roll eyes. "Grrrr" Tiffany.
"Ang sabi ko, sino si Harry?" Tumingin siya sa ibang direksyon. Umiiwas ba siya sa tanong? "Uwi na tayo, inaantok na ako eh"
"Wait, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Who the heck is Harry?" Inis na tanong ko. Napapaenglish tuloy ako. Sabi kasi ni Saleh, magtagalog daw ako kapag nandito na ako sa Pinas pero hindi ko ginagawa.
"Tanungin mo na lang ako sa susunod na araw. Wala ako sa mood." Bored na sabi niya. Tsk. Sasabog ang ulo ko nito eh. Sino ba kasing Harry yan?
*sigh* "okay" sabi ko at nagsimula na ako maglakad papunta sa parking lot. Naramdaman kong nakasunod lang siya sa akin.
Sumakay na kami sa kotse ko. Pinaandar ko na yun at pumunta sa mansion ni Tiffany. Walang nagsasalita sa amin ni Tiffany. Naninibago tuloy ako, ngayon lang kasi tumahimik si Tiffany.
Nakarating na kami sa mansion nila at nagpaalam na saakin si tiffany. Nagdrive ako papunta sa mansion namin. Nang makarating ako doon umakyat kaagad ako sa kwarto ko. Naligo muna ako bago ako nahiga sa kama. Nagsuot ako ng comfortable na damit at nahiga
Sigh. Napaisip ako.
"Who the heck is Harry?"
Pagkasabi ko nun. Dinalaw na ako ng antok. GOOD NIGHT.
-------
Sorry po sa wrong grammars at spellings. Huhu. Intindihin niyo na lang po.
Next time po ulit ^.^
Vote and Comment please!
BINABASA MO ANG
Famous meets the Ice Princess (ON-HOLD)
Teen Fiction"Betrayal never comes from enemy..."