Dedicated to Tamira_Erin
------
"Princess, were here"
(Laurine's POV)
Philippines Time 10:16 am
Minulat ko ang mata ko nung narinig ko ang nagsalita. Tiningnan ko kung sino, si Jake lang pala. Nagayos muna ako bago kami bumaba ng eroplano. Naglakad na kami papunta sa waiting area kung saan makikita namin si Butler Kim.
Nakarating na kami sa waiting area. May isang lalaking lumapit saamin, nasa mid 30's na. May itsura naman siya. May kaputian, maayos ang pagkakaayos ng buhok at bumagay sa kanya ang suot niyang corporate attire. I think this is Butler Kim
"Welcome to the Philippines
Lady Laurine, kinagagalak kitang makita." sabi nito at yumuko ng konti. Ngumiti ito sa akin pero tiningnan ko lang siya. Napansin kong palinga linga siya, parang hindi mapakali. What's with him?"Lets go?" Tanong ko gamit ang malamig na tono. Napatingin siya saakin at ngumiti.
"Yes, young lady " B.K. nagsimula na kaming maglakad papunta sa parking area. Napatingin naman ako kay Jake, nakalimutan ko pala siya ipakilala.
"Btw, this is Jake. Friend of Sahlee." Maikling pakilala ko kay jake. Tumingin naman saakin si Butler Kim at napatingin din siya kay Jake at ngumiti dito
"Master Jake, sana masayahan po kayo sa pagtira dito" sabi nito habang nakangiti
"Thanks" Jake
Nakarating na kami sa parking area, lumakad si Butler Kim kung saan nakapark ang itim na Limo. Sumunod naman kami sa kanya. Pinagbuksan kami ni B.K ng pinto. Pumasok na rin si Butler at sinimulan ang pagd-drive ng kotse
~After 30 minutes~
Nandito na kami sa mansion. Pinagbuksan ako ng pinto ni Butler Kim. Pumasok na kami sa main door. Sinalubong kami ng mga maids at yumuko ng konti
"Welcome Home, Lady Laurine and Master Jake" sabi ng mga butlers/maids. Nginitian naman sil a ni Jake. Ako? Ano pa ba, pinakita ko sa kanila ang expressionless kong mukha.
Tinanong ko sila kung saan ang kwarto ko. Dumiretso ako sa taas at pumasok sa dulong kwarto
Malaki ang kwarto. Black and pink ang motif. May 2 pinto dito. Binuksan ko ang isang pinto na puro libro ang laman, parang library may study table din. Yung pangalawa naman, banyo may malaking bathtub at completo na sa gamit. Malinis at maayos. May nakadisplay na mga teddy bears. May walk in closet na rin. Queen size na kama.
Tinext ko si Tiffany at sinabing nandito na ako sa Pilipinas. *yaaaawwwnn*
Napahiga ako sa malambot na kama. Nakatulog na ako dahil sa jetlag. Nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko.
(BZZZZT BZZZT)
3:00 pm
From: TiffanyLaurine! Im here at your mansion! Lets shopping >3< hihihi. Hintayin kita dito sa salas niyo. Bilisan mo. Hindi pwedeng pabagal bagal.
-Dyosang Tiffany ^.^
~End~
Tsk. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Nagbihis ako sa walk in closet. Pagkatapos kong magayos, Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso pababa ng hagdan. Nakita ko si Tiffany na nakaupo sa sofa habang hawak ang cellphone niya. Napatingin siya sa gawi ko nung naramdaman niya ang presence ko
BINABASA MO ANG
Famous meets the Ice Princess (ON-HOLD)
Teen Fiction"Betrayal never comes from enemy..."