simula.

1 0 0
                                    


"Humayo kayo, mga mandirigmang aking napili. Panatilihing ligtas ang kontenenteng inyong tahanan. Maging matapang at huwag sumuko. Sa itinakdang oras kayo'y hihirangin, bilang isang magiting na mandirigma, kayo'y titingalain. Humayo kayo't magpakalayo, ngunit bago ito'y pakinggang aking propesiya, sa pagdating ng panahon sa mga anak ng apat na mandirigma aahon ang walong magigiting na mandirigma upang ililigtas ang sino mang nabubuhay sa mundong ito. Sila'y inyong makikilala. Humayo kayo Marivella."

Ang panaginip na ito na naman. Ito ang sinabi samin ng pinuno ng oras na napili kaming apat bilang mga mandirigma ng Asya. Sa higit apat na digadang pagbabantay namin sa Asya'y napanatili namin itong ligtas.

Ako nga pala si Marevella Canberra-Salvador, Eagle. Isa ako sa apat na mandirigma ng Asya. Isa sa napili, asawa ni Vielle Salvador, Vulture.– mandirigma rin katulad ko. Oo, tama. Sa apat na mandirigma ng Asya, dalawa rito ang nagmahalan. Kami ito ng aking mahal.

"Maaa! Si Ate Zyen, inaway na naman si Ate Mixhan!" Sigaw ng bunso kong anak na si Callejo.

"H'wag nyong istorbohin ang inyong ina. Mahal, Kanina ka pa nakatunganga dyan. Ano na naman ang iniisip mo?" Bumulong sa tenga ko ang aking mister habang nakayakap sa aking baywang.

"Wala, mahal. Ang mga batang ito talaga, hindi ko alam kung saan nagmana. Mga sutil! Lalo na itong si Zyen. Mamatay ako sa kasutilan ng mga anak mo Vielle!" Pangangaral ko sa asawa kong isa ring sutil.

"Hahaha. Hayaan mo na lamang, kakatapos pa lamang ng kanilang pageensayo. Siyasya , magluluto muna ako ng kakainin natin. Hayy, ano na lang ang gagawin nyo kung wala ako. Hahaha" Hinalikan muna nito ang aking sentido bago umalis upang magluto ng hapunan.

"Maaaaa! Si Ate Zyen at Ate Callea, pinagkakampihan ako!" Lumapit sakin ang pangatlo kong anak, bunso sa mga babae. Iyak ng iyak dahil inaway raw ng mga Ate niya.

"Mixhan, tahan na. Papaluin ko na lamang ang mga ate mo mamaya. Hayo na, tulungan mo ang iyong ama sa kusina. Callea! Zyen! Pumarito nga kayo!" Pagpapatahan ko sa anak kong si Mixhan bago tawagin ang dalawang babae na puno't dulo ng ingay sa bahay.

Nakayuko itong lumapit sakin, handang saluhin ang mga sasabihin ko. Kunsumesyon talaga!

"Ba't inaway nyo na naman si Mixhan ha? Jusko namang mga bata to! Zyen, ilang beses ko bang sasabihin na pabayaan mo na lamang si Mixhan, bata pa ito hindi ba? At ikaw naman Callea, imbis na pagsabihan mo itong si Zyen ay kinampihan mo pa!"

Wings.Where stories live. Discover now