pangatlo.

0 0 0
                                    

Salvador–Alvarez–Sebastian

Malapit na ang mga Salvador sa kaMaynilaan. Kitang-kita ang unti-unting pagdami ng mga gusali sa baba. Makikita sa mata ni Callejo ang pagkahanga sa mga nakikita nya.

"Look! Abot kamay ko na lang yung building ate!" Parang batang paslit na tinuro ni Callejo ang napakataas na building.

Ginantihan naman ng panganay ang bunso ng ngiti, maski siya ay humanga sa mga gusaling nakikita.

"Nasaan na kaya sila Jaffar? Nakarating na kaya sila sa burol na sinasabi nila Mama? Tsaka, may borul ba sa kamaynilaan?" Nagtatanong na wika ni Zyen.

Hindi sumagot ang panganay at bunso kaya't si Mixhan ang nagsalita, as expected.

"May telepeno nga tayo bawal naman dalhin. Sabihin niyo nga sakin, bakit pa natin hiningi yung number ni Kuya Jaffar? Display? Tsaka, parte ng Earth ang Manila, syempre naman may burol ron kahit papaano." Umaaktong parang galit si Mixhan habang pumapadyak sa hangin.

"Nasa likod lamang natin sila Jaffar, Ate Mixhan. Kanina pa po sila sa pagsabay sa atin, Mula sa parteng Quezon. Magiilang oras na simula ng sumabay sila sa atin." Ito ang sinabi ng bunso na ikinatigalgal ng magkapatid na sina Mixhan at Zyen.

Nasa likod? WTF?, nawika na lamang ito ni Zyen ng masulyapan ang magkapatid na Alvarez sa likod kasama ni Callejo.

"Yes, nasa likod natin sila kanina pa. Masyado kayong madada kaya hindi niyo na napansin. Aaand yes again, What the fuck." Parang nang-aasar itong sinabi ng panganay na Salvador kay Zyen.

Namumulang nauna sa paglipad si Zyen, sumabay naman sa likod si Mixhan.

"Kuya Jaffaaaar! Lilyyy! Nandito na pala kayo!" Umiikot sa himpapawid itong winika ni Mixhan, halatang halata ang tuwa na makita ang magkapatid na Alvarez.

"Ateee Mixhaaaan! Namiss ko po kayo agaddd!" Umikot rin sa hangin si Sefrina para gantihan ang pagiging excited ng pangatlong Salvadora.

Napuno ng hagikhikan ni Sefrina at Mixhan ang himpapawid.

Nakatangin naman si Jaffar sa pangalawang Salvador na hanggang ngayon ay halata ang pagkakapahiya kanina.

Hindi naiwasan ni Jaffar ang tumawa dahilan kung bakit maski ang seryosong bunso ng mga Salvador ay napatingin sakanya, maliban sa panganay na tila walang paki-alam sa mundo.

Tumikhim na lamang si Jaffar na ikinangisi naman ni Callea.

Makamandag na Salvador, Mapride na Alvarez. Ibang klaseng kombinasyon. Ito ang iwinika ng panganay sa  isip habang umiiling-iling.

Pinaningkitan ng bunsong Salvador ang kilos na ito ng kanyang ate. Nakita ni Callea ang tingin ng bunso kaya't nagsalita na ito bago pa man ito mag-isip ng kung ano.

"Wala lang ito, Callejo. Mabutihin mo na lang na maghanda, malapit na tayong bumaba." Paganyaya nito sa bunso kung kaya't naiwasan niya ang libo-libong tanong na pwedeng ibato sakanya ni Callejo.

"Ilang metro nalamang ay bababa na tayo." Pagiimporma ng panganay na Alvarez sa mga Salvador.

Mas binilisan ng mga ito ang paglipad, maliban sa panganay na Salvador na chill na chill habang lumilipad. Para itong nagpapahangin lamang.

Inirolyo ni Jaffar ang mata dahil sa nakita. Saksakan ng tamad, iyon ang nasa isip ng binata.

Dahil sanay na ang mga Salvador sa katamaran ng kanilang nakatatandang kapatid ay hinayaan nila ito. Nalilito man si Sefrina sa kilos nila'y sumabay ito sa paglipad ng kanyang kuya.

Wings.Where stories live. Discover now