una.

1 0 0
                                    

Kinabukasan, latang-lata bumangon ang magkakapatid. Kahit na ang bibo at malikot na si Callejo ay hinang-hina.

"Maaaa! Pabuhaaaat!" Parang pagod na pagod nitong sigaw kahit na bagong gising pa lamang.

Bilang nakatatanda, binuhat ng panganay na si Callea ang bunso kahit hinang hina rin ito. Ayaw nitong abalahin pa ang ina sa kusina.

Magkakasama sa iisang kwarto ang apat, kaya't siya na lamang ang nagbuhat sa kapatid. Sabay sabay na lumabas sa kwarto ang magkakapatid, sinalunong sila ng ama na para bang inaasahan na ang sitwasyon nila.

"Paaaa!" Tumakbo si Mixhan payakap sa kanyang ama. Inalalayan naman ito ni Vielle.

"Nakoo, ang bata nagpapacute. Halina kayo sa baba, nagluto ang mama niyo ng hotdog at ham. Paborito niyo ito diba?" Pagaaya ng kanilang ama sa apat, parang nabigyan ng isang baldeng enerhiya ang bunso at pangatlo na nagkukumahog na bumaba sa hagdan para mag-almusal.

Para lamang silang normal na tao sa bundok, maliban sa may pakpak ang mga nakatira rito.

Pinilit na kumilos ng dalawang nakatatanda, hanggang sa may mapansin si Callea sa kanyang kapatid.

"Zyen, sa iyong balikat. May simbolo ni Papa..." hindi na nito ipinagpatuloy ang sasabihin.

"Ginawa na nila?" Nagwiwikang sabi ni Zyen habang sinisipat ang simbolong tattoo sa kanyang balikat.

"Siguro, malaking enerhiya at kapangyarihan ang naipasa sa atin. Ito ata ang rason kung bakit hinang hina tayo." Tumatango-tangong wika ng panganay at iniwan ang pangalawa na pilit tinitingan ang tattoo nya sa balikat.

Nakompleto na ang pamilya sa hapagkainan. Nagdasal sila't kumain.

Habang kumakain ay nagtanong ang panganay.

"Ma, Pa. Kagabi, ginawa niyo na hindi ba?" Sabi nito habang nakatingin sa kamay ni Mixhan kung saan ipinapakita ang simbolo ng kanyang ina– ang phoenix.

"Oo, Callea" Nagwika ang kanilang ina habang nakangiti sakanya.

"Ate! Ate! May tattoo din ako, pero sakin half-half! Yung kalahati kay Mama tapos yung kabila kay Papa! Ang panget! Bweh!" Sabi ng bunso habang nakataas ang damit, pilit ipinapakita ang tattoo sa gilid ng kanyang tyan.

"Callejo.." babala ng kanyang ama sa kadaldalan ng bunso.

"Panget? Ang ganda kaya." Pagsasalungat ng pangalawa sa bunso.

"Talaga? Hmm, sige na nga!" Sumangayon na din ang bunso.

"Ma, ibig ba nitong sabihin.." Nagdadalawang isip ang panganay sa pagtatanong.

"Oo, nalalapit na ang pagpupulong ng walong napili." Seryosong winika ito ng dating mandirigma.

"Hmm, so makikilala namin silang apat ma? Jusq, sana mababait at baka, nakoooo!" Umaakto pang may sinasakal si Zyen.

"Walang ibang alam kundi manakit, Ate Zyen." Nangaasar na winika ito ni Mixha kung kaya't tinignan ito ng masama ni Zyen.

"Sapak gusto mo?" Nakataas kamao nitong sagot kay Mixha.

Tila natakot naman ito at pinili na lamang na manahimik habang nakahawak sa bunso.

"Ayusin nyo na ang mesa't maghugas na kayo. Maguusap tayo sa labas." Tumayo ang kailang ina. Naramdaman ng apat ang pagiging seryoso nito. Kumilos sila at mabilis na pumunta sa balkonahe pagkatapos.

Tanaw na tanaw mula sa kanilang bayan rito sa bundok Isarog ang buong bayan sa baba.

"Mga anak, alam niyo naman kung para saan ang mga simbolo hindi ba?" Nagtanong ang kanilang ina bago pumihit paharap sa mga ito.

Wings.Where stories live. Discover now