pangalawa.

0 0 0
                                    


Salvador–Alvarez


Nakatitig pa rin ang panganay na Alvarez sa mga Salvador. Nagtataka ito, hindi siya sanay na nagiging komportable sakanya ang kanilang mga ka-uri.

Kilala siya bilang simbolo ng kamatayan, dahil na rin sa kulay ng kanyang pakpak at breed na nakuha niya mula sa kanyang ina.

CrowDove Breed ang kaniyang Ina. EagleBreed naman ang kaniyang Ama. Tila Agila ang bilis at lakas nya, halos nagkakaparehas din ang itsura ng pakpak niya sa pakpak ng isang EagleBreed ngunit itim na itim ang kaniyang pakpak. Itim at makintab.

Kulay ng isang uwak.

"Kuya, what are you looking at? May type ka ba sa mga Salvador?" Tinanong ito ng kanyang bunsong kapatid.

"Shut up, Serfina. Don't talk to me. Why don't you introduce yourself to them?." Tanong ni Jaffar sakanyang bunsong kapatid.

"I'm shy kuya. They look so intimidating po." Yumuko ito at isinukbit ang kamay sa braso ni Jaffar.

"Intimidating or not, they'll be our friends soon. You need to talk to them." Paganyaya ni Jaffar sa kapatid niyang si Serfina. Nagkibit balikat lamang ang bunsong Alvarez.

Binalik nalamang ng panganay na Alvarez ang tingin sa apat na Salvador na ngayo'y tuwang tuwa sa paliligo sa pool.

Kasama naman ng mag-asawang Alvarez ang mag-asawang Salvador.

Adults and their businesses, umiirap na sabi ng panganay na Alvarez sa kanyang isip.

"Hey." Nagulat na napatalon sa kanyang inuupuan si Jaffar. Nandito ang pangalawang Salvador.

"Hi Jaffar, Hi? What's your name, cupcake?" Pagbati nito sa panganay at bunso ng Alvarez.

Nahihiyang sumagot ang bunsong Alvarez habang namumula, hindi ito makatingin sa magandang babae na nasa harapan niya.

"I-I'm Serfina Lily Alvarez po. I'm the youngest Alvarez. Daughter of Noran Alvarez. Carrier of the sea serpent , representing Peace. Member of the Wings of Infinity."

Ngumiti ang pangalawang Salvador at saka hinawakan ang ulo ng bunsong Alvarez.

"You're so cute, cuter than my younger sister." Tumawa ang ikalawang Salvador na ikinahagikhik naman ng bunsong Alvarez.

"Thank you, Ate Zyen. But you're siblings are good looking too" Namumula ang mukha ng bunsong Alvarez.

"Nabahagihan lang sila ng aking kagandahan. Hahaha. Halika doon, maglaro tayo." Inakay nito ang bunsong Alvarez, ngunit bago ito'y mayroon siyang sinabi sa panganay na Alvarez.

"If you want to join us, feel free My Honey." Saka kumindat si Zyen na ikinatanga naman ni Jaffar.

Hindi makapaniwalang sinundan ng tingin ni Jaffar ang papalayong Salvador kasama ang kanyang kapatid.

"Ibang klase.." Umiiling-iling na wika ni Jaffar.

"Ibang klase alin?." Nahulog sa upuan niya si Jaffar dahil sa paglitaw ng panganay na Salvador, Ang kilala sa tawag na Callea.

"Kakaiba alin?" Ulit na tanong ng panganay ng Salvador sa Panganay ng mga Alvarez.

" *ehem* Kakaiba ang iyong kapatid, Salvador. Napakalakas ng loob." Nagwika si Jaffar habang nakatingin sa pangalawang Salvador na ngayo'y nilulunod ng pangatlo at bunsong Salvador.

"Ito ang sinisimbolo ng kanyang Nyx, katapangan." Sumisimsim ito ng coke sa paraan ng pagsimsim ng wine habang nakangisi at nakatingin rin kay Zyen.

Wings.Where stories live. Discover now