paglima.

0 0 0
                                    

Zyen Naci Salvador


Kanya-kanya kami ng hawak sa  firecrackers na nabili namin sa labas ng gubat.

"Sefrina! Tawagin mo nga sina Jaffar!" Paguutos ko sa kapatid ni Jaffar na si Sefrina.

Hindi naman kasi pwedeng kami lang ang magenjoy dito diba? Wohoooo!

"KUYA JAFFAAAAR!" Malakas na sigaw ni Sefrina.

Malakas pala boses ng batang to, ang sakit sa tenga. Awh.

Pagkatawag ni Sefrina saka dali-daling lumabas si Jaffar at sina Ate Callea kasama si Jerron.

Mukha silang takot? Eh?

Mabilis na lumipad si Jaffar papunta kay Sefrina. Sinusuri nito ang kapatid, tinitingnan kung may sugat ba.

"Sef, asan ang masakit? Asan? May bali ka ba? Sugat?" Mabilis niyang tinanong si Sefrina na ngayon ay bakas ang pagtataka sa mukha.

"Ayos lang ang kapatid mo Jaffar Mah Man, naglalaro lamang kami ng mga paputok na nabili ko sa labas ng gubat." Sinabi ko kung ano talagang ginagawa namin para maiwasan ang pag-aalala niya.

Napapraning na eh. Kaso mukhang imbis na matuwa ay nagalit pa. Whuut?

"Alam mo ba na delikado to? Paano kung nasakt–" Hindi na natuloy ni Jaffar ang galit nya sa akin ng pigilan siya ni Kuya Jerron saka inakay papunta sa puno.

Anong ginawa ko?

"Magusap tayo Zyen. Callejo, Jounaz ayusin niyo rito. Tumigil na kayo diyan. Maaring masunong ang mga dahon sa paputok, magkakasunog." Pag-uutos ni Ate sa mga kasamahan ko na nagtanguan naman.

Sumunod ako kay Ate, nasa gilid kami ng bukal rito sa gubat. Kita ito mula sa punong tinitirhan namin.

"Alam mo ba ang kasalanan mo?" Biglang tanong sa akin ni Ate.

Hindi ako sumagot. Eh hindi ko naman kasi alam eh! Ano bang ginawa ko? Bumili ng paputok. Nagenjoy kami. Ano naman masama dun ha? (.__.)

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Ate.

"Masyadong marami ang inaalala ni Jaffar ngayon, Zyen. Tulad natin natatakot rin siya. Apat tayong magkakapatid, si Jounaz naman ay malaki na't kaya nang kumilos na wala si Jerron. Pero si Sefrina, masyado pang bata. Kargado ni Jaffar ang kapatid niya Zyen." Mahabang litanya ni Ate Callea.

Medyo nakonsensiya naman ako. Masyado na palang padalos dalos ang ginawa ko. Dapat ay nagpaalam muna ako.

"Hindi ko naman sinasadya , Ate eh. Sorry" Paghingi ko ng tawad.

"Wala kang kasalanan, wala ni isa satin. Alam ko na naghahanap ka lang ng mapaglilibangan. Magusap na lamang kayo ni Jaffar ng sa ganon ay huminahon siya." Paganyaya ni Ate Callea sa akin.

"Eh? Ayoko nga! Baka katayi– ito na nga po." Mabilis akong tumayo galing sa pagrereklamo ng panlakihan ako ng mata ni Ate Callea.

Jusq po, kamukhang-kamukha niya si Mama. Kilabot! OEmJi.

Dali-dali akong lumipad papunta sa bahay.

Pagpasok ko wala siya sa Sala.

Sunod kong pinuntahan ang kwarto. Wala rin. Aba, saan ba nagsusu-suot yang si Jaffar. Naghahide and seek ba kami dito?

Next stop sa kusina, wala pa rin. Napapagod na akooo.

Last one, sa terrace. The fave spot of all! Dahan-dahan kong sinilip ang terrace and boom! Nandito nga ang aking my labs so sweet.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wings.Where stories live. Discover now