New
"We're already here in the parking." Chloe informed when I answered the phone.
"Wait lang." Sagot ko habang pinapasok sa Chanel shoulder bag na dadalhin ang wallet at susi.
"Hurry up, Bella!"
Gray's voice echoed on the other line. The ever impatient man. Narinig ko din ang tawa ni Dana na mukhang kasama din namin.
"Pababa na po. Bye na."
Natatarantang pinulot ko ang folder na may laman na mga papeles na kailangan sa pag enrol. With one last look at the mirror, I hurriedly get out of my unit.
Patakbong pumunta ako sa may elevator na may kakasakay lang. Mabuti at nakita ako ng lalaki na naka red cap at mabilis na pinigilan ang pagsara ng lift.
"Thank you." Hinihingal na usal ko nang makapasok.
Natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. He kinda look familiar. Saan ko nga ba siya nakita?
"Ground floor?" He asked.
I nodded. "Yes, please." I said in a small voice.
Mabilis niyang pinipindot ang ground floor button.
"Woah!" Rinig kong singhap sa may bandang likuran kaya napalingon ako.
Another familiar guy.
Nilibot ko ang tingin sa mga kasabay ko sa elevator. They're all looking at me with awe.
"Ganda nga." bulong pa ng isa na mukhang nakikipag sikuhan pa sa katabi.
Na conscious tuloy ako bigla sa itsura ko. I'm wearing a simple cream sleeveless top, high waist black jeans and two inch peptoe sandals. My hair is in a high ponytail which reveal my whole face. Simpleng lipgloss lang din ang kolorete sa mukha ko. Tama lang dahil mag eenrol lang naman ako ngayong araw.
Nasa anim ata kaming sakay ng elevator. At kung minamalas ka nga naman, ako lang ang nag iisang babae dito. Sana pala ay pinauna ko na sila at nag antay nalang ng sunod na lift.
But the image of the impatient Grayson Andrada came into my mind. Magkasalubong ang kilay at mukhang sesermunan ako ng mahahalagang values sa buhay. Kaya okay na siguro ito. Ilang minuto lang naman. Medyo awkward nga lang dahil ramdam ko ang titig ng iba.
"Miss, ikaw yung nasa airport last week di'ba?"
I gasped when the guy beside me spoke. Wala sa loob na napatango ako. And it dawned to me why they are achingly familiar. Sila pala yung maiingay na lalaki na nasa airport. At itong katabi ko na naka red cap ang nakabangga sa akin.
"Pasensya na ulit ha. Ang gugulo kasi ng mga 'to" he pointed at the other guys at the back.
Tipid akong ngumiti. "Okay lang. Nakalimutan ko na nga."
Ngumiti din siya. Bahagyang kumakamot sa batok na parang nahihiya.
Gwapo.
Yan ang naisip ko nang matitigan ng mabuti ang mukha niya.
Magandang mga mata na seryoso pero mababakas ang kakulitan na nakatago. Matangos na ilong at medyo may kakapalang pang ibabang labi. Ang tangkad niya din na halos hanggang leeg lamang ako.
"Ricci nga pala." pakilala niya sabay lahad ng kanang kamay.
Tinitigan ko ang kamay niya ng ilang segundo bago atubiling tinanggap.
"Bella." Tipid kong pakilala.
Mabilis kong binitiwan ang kamay niya dahil sa kuryenteng naramdaman.
YOU ARE READING
Surreal
FanfictionYou are the love that came without warning; you had my heart before I can say no.