Surreal #7

26 0 1
                                    

Lovelife

"Basta ang usapan, magkakasama tayong dumating dito. Magkakasama din tayong aalis." paalala ko habang papasok kami ng bar dito sa BGC.

It's our night out rule. Bawal mag kanya kanya ng uwi nang hindi maayos na nagpapaalam o kung lasing na.

"Susunod daw ba ang boys?" Dana asked when we are already on sitting.

Si Chloe ang nagpa reserved ng table namin dahil kakilala niya daw ang may-ari ng bar.

"Kuya Thorn was busy when I leave the house. Sobrang dami ng readings." kwento ni Chloe na sumenyas ng menu sa waiter.

"May training si Gray bukas. Bawal daw siya magpuyat. Si Kuya Drew naman, naka duty pa din."  basa ko sa reply ng dalawa sa groupchat.

Dana giggled. "Stressful ang buhay ng tatlong ugok."

I laughed. "Kawawa naman."

"Hey, Dana. Ikaw na mag choose ng drink." inabot ni Chloe ang menu nang lumapit ang waiter.

"Uy ayoko ng masyadong hard ha." apela ko dahil kapag si Dana ang nag order, siguradong lasing kaming tatlo.

"Don't worry. Chill lang tayo tonight." she assured. "Saka na tayo ng hard kapag kasama ang boys."

Tumango ako at hinayaan na siyang mamili ng order namin. Si Chloe ay nagpaalam na pupuntahan muna ang nakitang kakilala. I busied myself looking around the place.

May stage sa gitna na may naka set up na instruments. Nasabi ni Chloe na every Friday and Saturday ay may nagpeperform na band dito. Hindi pa gaanong puno ang bar dahil alas nuwebe pa lang ng gabi.

I felt my phone vibrating inside my pouch. Mukhang si Ricci ito dahil siya lang naman ang katext ko kanina.

Ricci
Nasa bar na kayo?

I replied.

Bella
Yeah. Ikaw?

Ricci
Kakatapos lang ng training.
Pauwi na ng condo.

Bella
Wawa naman😅

Ricci
Daya kasi ng isa dyan🙄

I laughed at his reply. Inaaya niya kasi ako kanina na mag movie marathon daw kami. Kaso nauna nang mag aya kahapon ang mga pinsan ko na mag bar.

Bella
Sleep ka nalang.
For sure you're tired sa training.

Ibinaba ko ang phone ko nang kinalabit ako ni Dana. Tapos na ata siyang mag order.

"Asan na si Chloe?" she asked.

Itinuro ko ang bar counter. May katawanan na lalaki si Chloe doon.

"Landi." Dana laughed. "Agang naka bingwit ah."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hanap ka din ng sa'yo." I challenged.

"Nah." Umiiling na humalukipkip siya at sumandal sa couch. "Pass. Ikaw nalang?"

Ginaya ko ang pwesto niya. "Pass din." walang ganang sagot ko. "Katamad."

Nagtawanan kaming dalawa at tumingin tingin na lang sa paligid hanggang sa bumalik ang waiter na may dalang mga inumin.

"Beer lang inorder mo?" I asked when I scanned the drinks on our table.

"Oo. Para hindi agad tayo malasing." she answered.

Nagsimula na kaming uminom nang tahimik na dalawa. Mukhang wala sa mood si Dana na dumaldal. Hinayaan ko nalang at tiningnan na lang ang banda na nagseset up sa stage.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SurrealWhere stories live. Discover now