Milktea
"I'm going home after this. Bibili lang muna ng milktea." kausap ko sa kabilang linya si Kuya Drew.
Tapos na ang klase ko kaya naisipan kong huwag nang antayin pa si Chloe at Gray. Parehas na hanggang alas singko pa ang labas nila. It's just three pm and I have nothing to do in school anymore. Ayoko namang tumambay ng two hours para sabay sabay kaming umuwi. Bukas na bukas talaga ay bibili na ako ng kotse.
"One Matcha green tea. Grande. 50% sugar only." derederetso kong order nang ako na ang nasa harap ng pila sabay bigay ng five hundred peso bill.
Nandito ako sa bagong bukas na milktea shop malapit lang sa school. Umupo muna ako malapit sa counter habang ginagawa ang order ko.
"Antayin mo na lang kasi ako." kulit ni Kuya Drew na kausap ko pa din sa phone.
Napakamot ako sa pisngi dahil sa inis. "May duty ka pa nga, Kuya! Tatakas ka ganun?"
He chuckled on the other line. "Bawal ka nga daw kasi mag commute."
I snorted. "Parang baby naman yun."
Mas lalo siyang natawa dahil sa sinabi ko. Ang kukulit talaga ng mga pinsan ko. Alagad ata ito ni lola kaya overprotective na din. Eh malapit lang din naman ang condo sa school.
"Fine! Mag book ka na lang ng Grab. Huwag ka mag taxi." sumusukong pagpayag niya.
"Opo. Bye na at baka may pasyente ka pa." I immediately cut the call para hindi na siya mangulit.
Sumandal ako sa upuan at naka pangalumbabang pinagmasdan ang harap ng school na kita mula sa salaming dingding. Super init pa sa labas at halos wala pang nag uuwian na estudyante.
"Matcha Green Tea for Bella." sigaw ng crew na lalaki.
Mabilis akong lumapit sa counter para kunin ang order ko. I decided to spend a little time here and finished my drink first before booking a ride.
I like the ambiance of this shop. Madaming cute plants na nakakalat sa paligid. Wala din masyadong tao dahil alanganing oras.
Inaliw ko ang sarili sa pagbrowse ng socmed accounts habang umiinom ng milktea. I took a picture of the place and posted in on my IG story.
Sobrang dami ng notifications sa account ko. Mostly because of the pictures of my cousins that I posted two weeks ago. Yung sa make up tutorial. Si Kuya Drew ang nanalo doon dahil siya ang pinakamaraming likes. Magaling mangampanya eh. Tapos si Chloe pa ang partner niya na sobrang dami ng kakilala.
Pero kahit tapos na ang "contest" ay patuloy pa din ang pagdami ng likes sa pictures ng tatlo. Nadagdagan na nga din ng thousands ang followers ko sa Instagram at Twitter. Pati Youtube channel ko ay mas dumami pa ang subscribers.
I smiled evilly. Puwedeng puwede ko palang pagkakitaan ang mga ugok kong pinsan. Kapag namonetize ko na ang youtube video na yun ay ililibre ko sila ng streetfoods sa may Hepa Lane na itinuro sa akin ni Dana.
"Okinawa Milktea for Ricci."
Napalingon ako sa counter dahil sa malakas na tawag ng babaeng crew. Masyadong matinis ang boses niya.
A guy wearing a white shirt, black sweatshort, white Nike shoes and gold necklace approached the counter. Para namang binudburan ng asin ang mga crew nang makalapit ang lalaki.
I was watching them with amusement. Medyo sanay na ako sa ganyang reaksyon dahil kadalasan na nakikita ko ito kapag kasama ko ang mga pinsan kong lalaki. Kuya Drew usually flirt back with the girls.
YOU ARE READING
Surreal
FanfictionYou are the love that came without warning; you had my heart before I can say no.