Surreal #4

25 0 0
                                    

First day

Today is my first day in Ateneo. Maaga akong dinaanan ni Chloe dahil wala pa akong kotse. Plano ko ay magpasama kay Kuya Thorn sa weekend para bumili. Siya kasi ang mahilig sa mga sasakyan sa aming magpipinsan.

I'm excited to drive my own car because back in California, I have a driver. Ayaw akong payagan na magdrive ng solo. My grandma is overprotective.

Bigla akong nalungkot ng maalala ang lola ko. I miss her so much.

"Are you okay?" tapik sa akin ni Chloe.

"Huh?" napalingon ako sa kanya dahil sa pagkabigla.

"You're spacing out, Couz." she said concerned. "Here na us."

Saka ko napansin na naka park na pala kami. Pinilig ko ang ulo para magising.

I smiled at her. "Okay lang. I'm just sleepy."

Tumango siya at inalis na ang seatbelt. Ganoon na din ang ginawa ko at inayos na ang bag. Medyo inaantok pa din talaga ako dahil ang aga pa. It's just seven in the morning. Kami pa nga lang siguro ang tao dito sa campus.

"Let's go na." aya sa akin ni Chloe at nauna nang lumabas ng sasakyan.

Sumunod na din naman agad ako habang inaayos ang suot kong dress. Mabuti nalang at walang required na uniform dito sa Ateneo.

"Start kana mag shoot." sabi ni Chloe na nanalamin sa pa bintana ng kotse.

Tumango ako at in'on na ang camera.

Sinabihan kasi ako na maaga kaming pumasok para makuhanan ko ang buong school. Itotour din daw niya ako habang wala pang mga estudyante masyado.

"Let's go to Xavier Hall first." I suggested.

The school is so big. Halos sumakit ang paa ko kakalakad. Nag shoot din kami sa Church of Gesu, Blue Eagle Gym, Rizal Libraries at kung saan saan pa. Nauwi sa parang campus tour ang ginawa naming mag pinsan. Mukhang mapapatagal ang pag edit ko dahil puro kami tawanan. Dapat pala isinama namin si Dana para mas baliw baliwan ang videos.

Nang malapit ng mag alas nuwebe ng umaga ay hinatid na ako ni Chloe. Magkaiba kami ng building at medyo salungat na ang class schedule buong araw.

"Just call Gray or Kuya Thorn when you're class is done na." sabi ni Chloe nang nasa tapat na kami ng classroom ko.

"Susunduin daw ako ni Dana later. Sabay kaming kakain ng lunch." sagot ko. "Kuya Thorn is quiet busy. Mamayang gabi pa dating ni Gray."

Nasa Batangas pa kasi si Gray kasama ang team niya. Kinuha kasi ang Blue Eagles na special guest sa local olympic ng isang Mayor. Major sponsor ata.

Kaya si Dana ang kasama ko mamaya dahil mahaba parehas ang vacant namin. Alas tres pa ang sunod naming klase mamayang hapon.

"Basta don't commute ha." paalala ni Chloe bago nagmamadaling umalis.

Pumasok na ako sa classroom dahil medyo madami na ang kaklase ko sa subject na ito ang nasa loob. I noticed some of my classmates staring at me when i'm looking for a seat. Inignora ko nalang at naupo na sa may bandang gitna. Ito palagi ang pwesto ko sa klase. Ayokong nauupo sa unahan dahil agaw pansin sa prof pero ayoko din sa likod dahil kadalasan ay maiingay ang mga nakaupo doon.

Inilabas ko ang cellphone para may mapagkaabalahan habang nag aantay ng prof. Medyo awkward kasi dahil may mga napansin akong nakatingin pa din. What the hell? Kung makatitig sila ay parang hinahalungkat ang buong buhay ko.

SurrealWhere stories live. Discover now