Convoy
"Where are you na ba?"
Naiinis na sigaw ni Chloe sa telepono nang makabalik ako sa table namin dala ang inorder.
"Alam mo, you're so nakakainis talaga!" sigaw na naman nito.
Napapailing na inilapag ko sa lamesa ang dala at patamad na umupo sa couch. Mukhang mamaya pa matatapos si Chloe sa kakasigaw eh. Si Dana ata ang kausap niya dahil ang isang iyon lang naman madalas ang nagpapa init ng ulo niya. Mapang inis din kasi talaga habang asar talo naman itong isa.
I ignored my cousins crazy banters on the phone. Baka madamay pa ako.
Nag aya kasi si Chloe kagabi na magkita kaming tatlo. Manlilibre daw siya ngayong araw. Kaso natagalan ako sa library kaya kakarating ko lang din. Pero lo and behold, mas late si Dana. Hate pa naman nitong isa ang late comers. Masyadong time conscious.
"Hurry up na kasi." kalmado na ang tono ni Chloe kaya naglakas loob na akong kunin ang milktea ko at sinimulan ng uminom.
I stared at her while sipping my drink. Pinunasan muna ng wet wipes ang phone bago ipinasok sa bag. Tapos ay nag alcohol saka hinawakan ang inumin na binalot pa sa tissue. I laughed silently. Ang arte talaga.
"What?" Chloe asked when she noticed me laughing.
Umiling ako. "Nothing. Asan na daw si Dana?"
She rolled her eyes at me before sipping her milktea.
"On her way na daw."
"Ah." I nodded. "So, bakit ka manlilibre?" Nakatikwas ang kilay na tanong ko.
Umirap na naman siya. "Is it bawal?"
Natawa ako. "No, it's not bawal. Pautang nga." tinaas baba ko ang mga kilay sa kanya.
"As if!" she rolled her eyes again.
Kapag itong babaeng 'to talaga nahanginan sa kakairap niya. Tatawa talaga ako ng bongga.
"Miss mo kami noh?" I teased. "Wala ka bang friends? Kawawa ka naman." mapang inis ang tonong dagdag ko pa.
She pulled my hair softly. "Crazy! Dana's making hawa na to you."
Pinalo ko ang kamay niya para bitiwan ang buhok ko na naalis sa messy bun.
"Ayusin mo nga ang salita mo. Baka si Bella pa ang mahawa sayo." Sabat ni Dana na hindi namin napansin na dumating na pala.
Chloe rolled her eyes again. "Finally!"
"Arte!" Tumatawang umupo si Dana sa gitna. "So, anong agenda ng meeting na ito?"
Ininguso ko si Chloe na nakairap na tumingin sa aming dalawa.
"I just want to make libre. Angal?" maangas na sagot niya.
Dana and I laughed loudly. Yung tipong napapatingin ang mga tao sa cafe dahil sa lutong ng tawa namin.
"Yaman!" she tapped Chloe's back.
"You two are so loud!" Chloe exclaimed. "Mga gaga!"
Tumawa na naman kami ni Dana. Napipikon na naman ang isang ito. Hindi pa nasanay. Parang baguhan palagi.
"Anyway, bakit kaming dalawa lang ang inaya mo? Asan yung boys?" seryoso nang tanong ni Dana habang nilalantakan ang mga pagkain sa harap.
"Busy." sagot ni Chloe. "Kuya Drew's on duty. Si Kuya Thorn nagrereview. While si Gray, may training."
YOU ARE READING
Surreal
FanfictionYou are the love that came without warning; you had my heart before I can say no.