Chapter 3

48 7 0
                                        

NAPAHINGA ako ng maluwag ng maibalot ko ang panghuling pastillas. Makakapagpahinga na rin sa wakas. Agad kong tinanggal ang apron ko maging ang plastic glove at food facemask.

Tuluyan akong nakahinga ng maluwag ng matanggal ang mga iyon sa katawan ko. Mainit at malagkit ang parating nararamdaman ko rito. Bakit nga ba ako nagtataka? Eh halos sako-sakong asukal, gatas, harina, minsan mga tsokolate at caramel pa ang lagi kong kaharap.

Pero ayos lang, tiis-tiis muna para sa susunod na taon aral nalang ang aatupagin ko. Kinsenas katapusan ang sahuran dito kaya magbubukas ako ng savings account para maipon ko talaga siya at hindi maiwaldas.

Magtitira lang ako ng kaunti pangluho ko para naman hindi ako mawalan ng gana magtrabaho. Hindi naman siguro masama iyon dahil it serve as reward for my hard work.

"Yow. Gerlyn, tara libre ulit kita." Ngiting-ngiti lumapit sa akin ang lalaking mahangin at walang ginawa kundi buwisitin ako sa araw-araw. Napapangiti naman niya ako pero madalas talaga ang away namin dahil sa taglay niyang hangin.

"Baka masanay na ako riyan," biro ko bago tumawa. Ilang araw na akong nililibre ng lalaking ito. Hindi na rin siya humihiwalay sa akin maliban nalang kung siya ay uutusan at tuwing uwian.

"Pagnasanay ka edi abusado ka," aniya bago tumawa at umakbay sa akin. Napailing nalang ako at tinanggal ang pagkakaakbay niya. Mahirap ng maissue sa clingy'ng kuya niyo.

Pansamantala akong umupo sa nakita kong upuan dito sa labas. Kamusta na kaya sina Mama at Papa? Nakakamiss umuwi sa probinsya. Ano kayang ginagawa ko ngayon kung sakaling nag-aaral pa ako. Bakit nga ba ako huminto? Kasi naman may mahirap at mayaman pa eh.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Bagong-bago sa paningin ko ang tanawin. Naeexcite tuloy akong gumala pagday-off.

Dumako ang tingin ako sa building na pinagtatrabahuhan ko. Kahit papaano ay nakakapag-adjust na ako at unti-unti nang nakakasabay sa kanila. Pero hindi ko pa masasabing sanay na ako dahil madalas pa rin akong mangawit. Ganito siguro kung hindi ka sanay sa ganoong uri ng trabaho.

"Hoy, G! Bakit tulala ka? Iniisip mo na naman ako 'no?" biro ni Rolie habang inaabot ang pagkain sa akin. Napangiwi naman agad ako sa inasta niya.

"Mga pangarap mo," bulalas ko bago kinuha ang pagkain na bigay niya. Sweet. Kaya kami magkasundo eh pero magkasundong laging may-away. Kung sana kasi hindi niya pinapairal ang yabang.

"Yabang nito. Libre mo naman ako bukas." Tumango ako. Give and take. Hindi naman ako abusado tulad ng sabi niya. Muli siyang may inabot. This time candy naman iyon. Iyong may message ang balat.

Napataas naman ang kilay ko. Anong mayroon dito sa candy? Ayaw ko naman bigyan malisya kaso nang iabot niya sa akin iyon ay nakaangat ang mga sulat.

"Para saan ito?" Tanong ko kahit obvious naman na para sa akin.

"Ano, ah ano kasi pwede ba tayong magpanggap na magkarelasyon."

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya. Ano raw? Nakayuko lang siya ngayon at alanganin na ang ngiti. Ano na naman kaya ang naiisip nito?

Umayos muna ako ng upo. "Nasisiraan ka na ba?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay kumamot lamang siya ng ulo. Napailing agad ako. "Seryoso ka? Anong iniisip mo?"

"Oo nga. Gusto ko lang pagselosin ex ko. Payag ka na kasi," pamimilit niya pa. Agad akong tumayo bago binatukan siya.

"Aray ko naman. Ba't nananakit ka?"

"Kaya pala mapagbigay ka nitong nakaraan at masyadong clingy dahil may kailangan ka." Pinagpag ko ang pantalong suto ko. "Pero sorry boy, ayoko."

"Dali na kasi Gerlyn. Panggap lang naman eh."

Umiling ako, "ayoko nga. Bahala ka sa buhay mo, gagawan mo pa talaga ako ng kaaway ah." Tumalikod na ako sa kaniya bago tuluyan ng pumasok. Nahihibang na ba siya? Bakit hindi na lang niya ligawan ulit. Manggagamit pa talaga siya ng tao ah.

Tulad nang una, naghugas muna ako ng mga kamay ko bago isinuot ang kailangan suotin. Para naman safe ang customer.

Saktong nakahanda na ang gagawing yema. Kaya nang maayos na ako ay agad akong tumulong doon. Nakita kong malapit lang doon ang puwesto ng ex ni Rolie kaya patalikod sa kaniya ang pinili kong pwesto. Ayaw ko ng away 'no.

"Tama bang iwan ako, mahal?" Biglang sulpot ng lalaking hindi yata nakakaintindi ng salitang ayoko.

"Pwede ba Rolie, tigilan mo ako. Sabi ko naman sayong ayoko,"

"Ayoko nga. Miss na kita agad, Mahal." Humalakhak siya bago medyo lumayo sa akin. Walanghiya! Nagngingitngit ang loob kong itinuloy ang ginagawa ko.

Ang sarap balatang buhay ng lalaking iyon. Full of confidence sa sarili, hindi naman malapitan ang ex. Talagang itutuloy niya ang plano niyang mangamit ah.

Naramdaman kong may sumundot sa tagiliran ko. Bumalik na naman ang loko. Nakakayamot talaga itong taong 'to. Mapapahamak lang ako sa ginagawa niya eh.

Napansin kong masama ang tingin ni Ate. Paktay! Hindi ko na lamang pinansin si Rolie at nagbingi-bingihan nalang ako sa mga pang-aasar niya. Pero may oras talagang hindi ko kayang makipagsabayan sa kaniya. Lagi akong napipikon o naaasar sa sinasabi niya.

Sumapit na nga ang hapon at uwian na. Pero patuloy pa rin ang paghuhurumintado ko. Ayaw talaga niyang makinig. Pinangalandakan niya talaga ang tawag niya sa aking "mahal". Siguradong malalagot ako ngayon kay Ate. Siraulo kasing Rolie eh, ang tigas ng ulo.

Nang makarating kami ng boarding house ay dinadagundong na ako ng kaba. Mukhang katakot-takot na sermon na naman. Mas nakakatakot pa sa sermon ni Mama.

"Anong mahal mahal iyon, Gerlyn?" Malamig na tanong ni Ate. Napangiwi agad ako, ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Wala iyon Ate biro niya lang. Sinabihan ko na ngang tigilan ako kaso makulit." Umupo muna ako sa silayang malapit sa akin bago tumingin kay Ate, dahil sigurado akong nangangati na ang kaniya dila mula sa pagtitimpi kanina.

At pag talaga ako nagisa ng sobra-sobra, titirisin ko naman ang lalaking naglagay sa akin sa sitwasyong ito.

"Siguraduhin mo lang, Gerlyn. Babaero ang lalaking iyon. Pumunta ka rito para makapag-ipon baka nakakalimutan mo."

Tumango ako kay Ate. "Alam ko po. Hindi ko pa naman po nakakalimutan," tugon ko. Bago ngumiti ng pilit. Himala at hindi siya nagnobena sa harap ko.

Pero mas maayos na iyon. Ayaw ko ng dagdagan pa, baka mamaya ay lalo lang mapahaba at mapahamak pa ako ng tuluyan.

****
Feedbacks are highly appreciated. Padayon!

Bridge for Unexpected Destination(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon