Chapter 9

26 4 0
                                    

LUMIPAS ang ilan pang mga araw at tuluyan ng nabuo ang batang nasa sinapupunan ko. Lumaki at umumbok na ang aking tiyan. Paminsan-minsan lang din ako kung lumabas dahil naiistress ako sa mga mapanghusgang kapitbahay kahit wala naman silang alam sa tunay na pangyayari sa aking buhay. Akala nila'y isa akong dalagang ina dahil matapos magpakita ni Rolie dito noong araw ng komprontahan ay agad din silang umalis.

Ibinalita rin nila sa buong baranggay na sustento lang daw iyong nakukuha kong padala. Kahit nga sila Mama at Papa ay nagbingi-bingihan nalang. Kahit si Reymart nga ay hindi ko maharap dahil nahihiya ako sa kaniya. Buong akala tuloy ng lalaki ay iniwan ako ni Rolie.

Napabuntong hininga ako. Ito ang kapalaran ko. Ito ang gustong mangyari ng may likha dahil hindi lahat ng magkarelasyon ay nakabubuo agad ng buhay. Maswerte ako dahil nararanasan kong bumuhay ng isang buhay gamit ang sinapupunang ipinagkaloob sa akin.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo bago pumuntang kusina. Magluluto muna ako ng hapunan dahil hindi ko alam kung nasaan si Mama dahil si Papa ay nasa Baranggay Hall siya ang naka-duty hanggang gabi. Si kuya naman ay hindi ko alam kung saan pumupunta, laging nasa galaan kasi.

Mabilis na lumipas ang oras. Ang dalawang nakababata kong kapatid ay dumating na galing sa kung saan. Sakto namang tapos na ako magluto kaya sila na ang pinaghain ko ng pagkain dahil parating na raw si Nanay na may dinaanan lang.

Pagkarating ni Mama ay agad na rin kaming kumain dahil baka madaling araw na uuwi si Papa.

Matapos naming kumain ay si Mama na ang nagligpit. Ako ay pansamantalang nagpahinga sa sala dahil hindi pa rin naman ako madalaw ng antok. Inabot pa ako ng ilang oras at kami nalang ni Mama ang gising.

Nagulat ako nang dumating si Reymart, lasing na lasing. Pasuray-suray itong lumalapit kaya napaatras kami ni Mama.

Nang marating niya ang pinto ay agad siya nangulit kaya madaling ginising ni Mama ang dalawa kong kapatid na natutulog na. Agad niya silang inutusan na sunduin si Papa sa baranggay dahil baka raw manakit si Reymart.

"Pare, anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ng kararating na si Kuya. Napatingin siya sa akin at sa tiyan ko. "Tanggapin nalang natin ang nangyari pre."

Umiling naman si Rey at nakiusap siya kay Kuya. "Ako nalang pre, tutal wala naman dito iyong nakabuntis sa kaniyaa eh. Sige na pare, tita," lasing niyang turan.

"Aakuin ko ang batang nasa sinapupunan ni Gerlyn at papakasalan ko siya. Mamahalin ko sila ng sobra. Hindi ko sila iiwan,"

"Pero hindi puwede iyon, Rey masyadong unfair iyon para sa part mo. Sorry, Rey!" Umiiyak ko ng turan. Kung bakit kasi hindi ko masuklian ang pagmamahal niya. I hope makahanap na siya ng iba.

"Igalang mo nalang ang desisyon ng kapatid ko pare, pasensya na," dugtong ni Kuya. Agad tumulo ang luha ni Rey.

Para namang kinurot ang puso ko noong oras na iyon dahil nasaktan ko na naman siya. Ilang beses ko na nga ba siyang nasaktan? Lalo akong napaiyak at humingi ng sorry. Kung bakit naman kasi hindi ko magawang masuklian ang pagmamahal niya.

Dumating ang mga pinsan ni Rey at kapatid. Humingi muna sila ng dispensa bago dinala si Rey pauwi. Sakto namang dumating si Papa noong ayos na ang lahat. Gusto niyang pang ipa-baranggay si Reymart dahil panggugulo raw ang ginawa niya. Agad kong inilingan si Papa.

"Huwag na po, Pa. Naiintindihan ko naman po siya tsaka kasalanan ko kung bakit siya nagkaganoon." Tumango si Papa bago sinuri kami, kung may nasaktan ba o wala bago pa siya nakahinga ng mlauwag.

Simula nang araw rin na iyon ay hindi na kami nagkausap pa.

DUMATING din si Rolie makalipas ng ilang buwan para sunduin kami at napagdesisyonang sa Batangas kami titira, sa lugar niyang talaga. Doon na rin daw kasi siya magtatrabaho para malapit sa amin.

Pagdating roon ay naging maayos naman ang pagsasama namin. Naroon ang mga simpleng hindi pagkakaintindihan pero naayos din namin agad.

Hanggang sa mag-isang taon na ang anak namin. Pagastos na ng pagastos kaya naisipan kong bumalik sa trabaho.

"Mahal balik kaya ako sa trabaho," panimula ko noong makatulog na si Angelie.

"Hindi naman na kailangan mahal may trabaho naman na ako," pagtanggi niya bago tumabi ng upo sa akin.

"Eh kasi mahal dapat pareho tayong may work para naman makapag-ipon tayo," paliwanag ko. Para naman kahit papaano sa pagpasok ni Gelie ay pwede na akong huminto sa pagtatrabaho kasi may aasahan na kaming ipon.

"Sige. Sa dati pa rin naman 'di ba?"

"Oo mahal, pinapabalik na rin naman ako eh," sagot ko bago humilig sa dibdib niya.

"Paano si Gelie?" Tukoy niya sa anak naming mahimbing na natutulog.

"Ihahatid ko sa Zambales," sagot ko bago hinaplos ang buhok ng baby ko.

Tumango naman siya at hinila ako payakap sa kaniya. Hindi pa rin naman siya nagbago. Mabait at maalaga pa rin, lagi niya kaming inaalala kahit na pagod siya sa trabaho.

Mas naging sweet pa siya nang magsama na kami. Madalas niya akong pigilan sa mga gawaing bahay kahit kaya ko naman na. Minsan nga naisip ko ng may pagka-praning itong asawa ko dahil ilang buwan na rin naman simula ng manganak ako.

Nakakatuwa lang din dahil napaka-responsable niyang asawa at ama. Sana lang talaga ay hindi siya magbago.

Matapos ang isang linggo nang maihatid ko na ang anak ko sa pamilya ko. Pumayag naman sila sa plano ko at mas maigi na raw iyon. Kaya naman wala akong problema sa pagpasok.

Sa Candies and Breads factory pa rin ako magtatrabaho. Sa lugar kung saan kami nagkakilala ni Rolie.

Nakabalik ako ng matiwasay. Mainit pa rin ang pagtanggap sa akin ng aming amo. Gabi-gabi naman kami magkausap ng asawa ko sa cellhpone. Kaso dumating muli ang susubok sa relasyon namin.

Ganoon siguro pagmagkalayo kayo ng taong mahal mo. Sa sobrang pagka-miss sa isa't isa, nakaiisip na ng hindi healthy sa isipan at higit sa lahat sa isang relasyon. Makakatagpo ng mga taong mababa ang pang-unawa at pipiliting sirain ang pamilyang dapat ay masaya.

Tulad nang pagbalik ko sa trabaho. Kung saan nakilala ko naman si Aries.

Bridge for Unexpected Destination(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon