TUMATAWA ako habang pinapanood siyang uma-aray sa sakit ng pagkakaapak ko sa kaniyang paa. Tanungin ba naman ako kung kaano-ano ko si Dagul. Siraulo!
I'm small but terrible. Mababaw nga lang ang luha.
"Grabe ka monthsary natin pero inaaway mo ako," maktol niya. Nagmake-face naman ako sa harap niya bago itinuloy ang ginagawa ko.
Tama siya its been a month now. Sobrang sweet at caring niya pa rin. Syempre, hindi pwedeng mawala ang pagiging maloko niya.
Tanghali na at kakatapos lang namin magtanghalian. Heto kami ngayon mag-uumpisa ulit magtrabaho. Habang hinahayaan ang nasa likod namin dumadakdak.
Akala ko matatapos na siya pagpaparinig pagkatapos ng lunch hindi pa pala siya sawa ngumawa. No wonder kung bakit siya inayawan ni Rolie, armalite ang bibig.
Napailing nalang ako. Mananawa rin 'yan bahala siya sa buhay niya. Kasalanan niya rin naman iyan kung bakit siya iniwan.
"Mahal date tayo mamaya," pangungulit na naman ni Rolie.
"Hindi ko alam kung papayagan ako ni Ate. Alam mo naman iyon sobrang higpit sa akin," sagot ko bago bumuntong hininga.
Minsan talaga ang sobrang ka-istriktohan, nakakasakal. Pero sabi nga things were destined to happen, just go with the flow. Pero teka saan galing iyon? Anong konek? Nababaliw na rin yata ako.
Tumalikod nalang ako sa kaniya bago inabala ang sarili ko. Nang matapos ko ang pagrerepacked ay agad ko iyong isinalansan sa tupperware na malaki. Binuhat ko rin kaagad iyon dahil maghahapon na.
"Ako na." Agad inagaw ni Rolie ang hugis kahon na tupperware. "Liit-liit mo nagbubuhat ka ng mabibigat, kaya 'di ka nalaki eh," aniya bago tumawa ng bahagya.
"Ang yabang mo! Edi ikaw na matangkad," saad ko. Napailing nalang ako habang napapangiti. Kailan ba ako nagbuhat ng mabigat simula nang mag-umpisa siyang lumapit sa akin?
He's the dream guy of every teen like me. Gentleman, malinis sa katawan, sweet, off tayo sa pagiging babaero niya noon pero ang laki kayang puntos kung tayo ang dahilan ng kanilang pagbabago.
Muli kong inabala ang sarili ko sa pagpupunas noong pinuwestuhan namin kani-kanina lang. Nakakayiha naman kung tatayo lang ako hanggang sa mag-uwian.
Nang maiayos ko na lahat sakto namang time na. Kaya sarili ko naman ang inayos ko. Sasabay kasi si Rolie eh. Sana lang talaga payagan kami ni Ate.
Nitong nagdaang linggo puro sermon inaabot ko. Honestly, parang masisiraan na ako ng ulo. Umaga gabi laging galit kesyo masisira ang buhay ko sa pinili kong desisyon. Na hindi na ako makakapag-aral, na ganito ganiyan.
Minsan talaga nakakarebelde ng utak. Tsaka ano ngayon kung may boyfriend? Asawa agad? Buntis agad? Hindi nakakapagtaka kung bakit marami ang rebelde, sa sobrang advance nila nakaka-pressure na.
Alam ko naman ang limitations ko kaso minsan nakakawalang gana lang talaga. Pwede naman idaan sa advice o paminsan minsan eh, hindi araw-araw.
"Sa tingin mo, mahal papayagan ka kaya?" biglang tanong ni Rolie.
Nagkibit balikat ako. "Ewan ko baka hindi. Alam mo naman iyon si Ate ayaw sa relasyon natin," buntong hininga kong sabi.
"Papayag naman siguro iyon, tiwala lang. Pero sana pumayag ano?"
Napatawa naman agad ako. Nagpapalakas ba talaga 'to ng loob o ano? Positive tapos biglang naging negative.
"Ayan! Ngiti ka lang kanina ka pa nakakunot noo eh," aniya bago ipinatong ang kamay sa ulo ko. Agad ko naman iyong tinapik.
"Opo. Sorry naman po. Iyong ex mo kasi maghapon na naman bumunganga. Gusto yatang balikan mo," maktol ko bago napailing.
"Sorry siya ikaw na ang love ko," tukso niya bago kinurot ang pisngi ko. Napangiti naman agad ako nang bitawan niya ang mga iyon.
How I wish na sana walang hadlang sa amin. Mabait siya at napaka-caring. Hindi naman siya gumawagawa ng ikakasira naming dalawa. Siya pa nga ang madalas magpakumbaba sa aming dalawa. Napakataas ng pang-unawa niya sa lahat ng bagay.
"Nandito na tayo, mahal. Ready ka na?" Tumango naman ako. Sana lang talaga payagan kami.
"Magandang gabi, Ate Lyn." Nakangiti niyang bati. Tulad ng dati walang emosyon doon.
"Anong kailangan mo?" Direktang tanong ni Ate kay Rolie. Napangiwi ako. Ang taray ng boses ni Ate.
"Pwede ko po bang ilabas ngayon si Gerlyn? Manonood lang sana kami ng sine at kakain," alanganing sagot ni Rolie. Sine? Gusto ko 'yon.
"Hindi pwede. Pumasok ka na, Gerlyn." Agad siyang tumalikod at nagmartsa palabas. Para akong sinuntok sa dibdib. Expected ko na ito pero masakit pa rin.
"Sorry mahal," mababa ang tinig na hinging paumanhin ko.
"Naiintindihan ko mahal. Sige na pumasok ka na at baka mapagalitan ka pa pagnagtagal ka," mahinahon at malambing na tugon niya.
Tumango ako, "Ingat ka sa pag-uwi,"
"Smile ka muna, dali na," udyok niya. Dahil nga masama loob ko hindi ko magawa kaso ayaw niya akong tigilan. Kaya ngumiti nalang ako ng peke.
Napansin niya iyon kaya hindi nalang siya nagpumilit pa. Ngumiti nalang siya at sinabihan ako ng I love you bago siya tuluyang umalis.
Nang makapasok ako ay agad na namang nagsalita si Ate. Dahil sawang-sawa na ako ay hindi ko na lamang pinatulan at agad ng pumasok.
Dahil kurtina lang naman ang nagtatago sa akin sa higaan ay rinig na rinig ko pa rin. Naiisip ko na minsan na ang lupet maging nanay ni Ate. Masyadong highblood lagi.
Nakatulala nalang ako sa taas ng higaan ko. Mukmok na naman ang peg ko ngayong gabi. Parang mas maganda pa sa trabaho kaysa rito.
Lumipas pa ang ilang minuto at wala na sa plano ko ang tumayo. Ayaw ko magpakita kay Ate dahil tiyak na sermon na naman ang aabutin ko. Hindi ko na nga alam kung saan nanggagaling ang galit niya minsan eh.
"Nandiyan boyfriend mo sa labas," sabi ni Ate. Pinakiramdaman ko muna at baka nagbibiro lang. Nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon.
Mula kay Rolie at sinasabi niyang lumabas ako sa saglit. Agad akong tumayo at tinignan kung maayos ang buhok ko bago lumabas.
Napanganga ako ng makita ko ang dala niya. Wow!
Nang makalapit ako ay agad niya iniabot sa akin ang bulaklak, sunod ang kulay blue na human sized teddy bear.
"Happy Month of Love mahal," bati niya ng nakangiti. Ang bad mood ko kanina ay napalitan ng good vibes plus kilig on the highest level.
Niyakap ko ng mahigpit si Teddy. May yayakapin na ako sa gabi.
"Happy Monthsary rin po mahal. Salamat sa effort mo," sinserong kong sabi.
"Para sa iyo mahal." Ngumiti siya. Ang ganda talaga ng ngipin ng taong 'to. "Siyempre hindi pwedeng mawala ang paborito mo," nakangiting aniya bago inabot sa akin ang nakatusok sa stick na sweet corn.
Napalakpak naman ako at halos pumuso ang mata. Namiss ko 'to! "Super thank you mahal."
Masaya kaming kumain at nagkwentuhan. Akala ko matatapos ang araw na ito na masama ang loob ko. Buti nalang hindi na lumabas si Ate ng kwarto.

BINABASA MO ANG
Bridge for Unexpected Destination(COMPLETED)
SaggisticaBRIDGE OF UNEXPECTED DESTINATION Lovestory of Gerlyn and Rolie. *** Minsan talaga kailangan nating pumili. Kung ano ang dapat unahin at hindi. Sa sitwasyong kinasadlakan ko ay nagdesisyon akong tumigil sa pag-aaral. Ayaw man ng magulang ko...