Chapter 8

26 5 0
                                    

AGAD kong ipinaalam kay Rolie ang problema. Ang lakas ng kabog nang dibdib ko pero pilit ko lang pinapakalma ang sarili ko dahil baka mapansin ni Ate.

Hindi ko na tinawagan si Rolie, nagpadala nalang ako ng message dahil delikado kung sa tawag pa. Sana lang ay mabasa niya agad.

Kaya pala iba ang pakiramdam ko nitong mga nagdaang-araw. Delay na rin ang menstruation cycle ko ng ilang linggo. Akala ko ay may kaunting pagbabago lang iyon pala ay siyam na buwan na akong madedelay.

Napatingin ako sa cellphone kong umilaw. Tumatawag siya. Agad ko iyong sinagot at bumaba ng hagdan upang pansamantalang lumabas ng boarding house. Aniya siya ang bahala sa akin kaya naman medyo kumampante ang loob ko.

Napatingin ako sa taas. Kitang-kita ang nagkikinangang bituin. Pipi akong nagdasal na patnubayan niya kami lalong-lalo na ang anghel na nasa sinapupunan ko. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng aming minsang paglimot pero walang kasalanan ang bata kaya kahit anong mangyari paninindigan at bubuhayin ko ito.

KINABUKASAN pupungas-pungas pa akong lumabas ng kwarto. Agad akong napamulagat nang makita ko roon sina Rolie kasama ang mga pinsan niya maging si Tita.

Agad kumabog ang dibdib ko sa kaba. Mukhang may ideya na ako sa nangyayari.

Matalim ang matang ipinupukol ni Ate sa akin kaya napalunok ano ng ilang beses dahil pakiramdam ko ay biglang nanuyo iyon. Basta ang alam ko lang masyadong mabigat ang tensyon nang mga oras na iyon.

"Umakyat ka muna at bumalik sa kwarto mo, Gerlyn mag-uusap muna kami," malamig na aniya. Tumango ako. Nanginginig na ang katawang umakyat ako sa hagdan pabalik ng kwarto ko.

Matapos ng ilang oras ay natapos na sila at pinauwi niya muna sila Rolie dahil kami naman daw ang mag-uusap.

Pagkaalis na pagkaalis nila ay agad akong napahawak sa pisngi kong bigla iyong humapdi. Bahagya rin' nabaling ang ulo ko sa kanan.

Sinampal ako ni Ate. Agad nanubig ang mata ko. Natatakot na ako kay Ate dahil sobra-sobra ang galit niya ngayon. Pasimple kong hiwakan ang hindi pa naman maumbok na tiyan ko.

"Ako na Ate mo, Gerlyn. Kapatid mo ako, nakakatandang kapatid tapos ako pa ang huling nakaalam? Kailan mo balak sabihin sa akin? Huh?" Galit na galit niyang sigaw at muli na naman akong sinampal.

Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at tanggapin ang sampal at pagduduro niya sa noo ko.

"Wala kang utang na loob!"

Patuloy ang pananakit niya sa akin. Pilit ko namang pinoprotektahan ang buhay na nasa tiyan ko.

"Hindi mo man lang naisip sina Mama at Papa! Gerlyn, matalino ka pero sinayang mo lang!" Patuloy niyang sigaw bago itinulak ako sa hagdan na kamuntikan ko ng ikahulog.

Ang kaba ko kanina ay mas naging triple pa. Paano kung nahulog ako? Ang bata...

"Sana ay nalaglag ka nalang! Dapat makunan ka nalang!" giit niyang sigaw. Parang biniyak ang dibdib ko sa narinig. Bakit kailangan idamay ang batang walang muwang?

Inaako ko ang kasalanan ko pero huwag nilang idamay ang anak ko. Sampalin na nila ako ng ilang beses, huwag lang nilang gagalawin ang bata.

Patuloy ang pag-iyak ko at hindi ko tinangkang lumaban. Kasalanan ko ang lahat kaya tatanggapin ko ang consequences at pilit kong iintidihin si Ate. Kailangan ko na rin yatang ihanda pa ang sarili ko dahil ano nalang kung nalaman na nila Papa?

"Mag-empake ka na dahil uuwi tayo ng probinsya kasama sina Rolie at ang magulang niya. Doon tayo mag-uusap." Tumalikod na siya upang tawagan sina Papa at ipaalam ang pangyayari.

Nanghihina akong napaupo at kinalma ng bahagya ang sarili ko dahil baka maapektuhan ang baby ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Nasa ganoong akong posisyon ng bigla na namang may dumapong malutong na sampal sa pisngi ko. Galit na galit na naman si Ate at nanggagalaiti ito.

"Inatake ng high blood si Papa! Galit na galit siya at itinapon lahat ng awards mo! Pati ang graduation picture mo dahil sa katangahan mo!" Galit na galit na sigaw niya.

Muli akong napaiyak. Paborito ako ni Papa at ako ang pinagkakatiwalaan niya dahil sa matalino raw ako. Salutatorian ako noon kaya lalong tumaas ang tiwala niya sa akin. Sobra siyang proud sa akin pero sinira ko iyon.

Sinira ko.

Kinabukasan nasa bus na kami. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Sa kaloob-looban ko ay natatakot akong baka saktan ako ni Papa. Kinakabahan ako dahil baka ano ang masabi ng mga tao sa akin.

Nang makababa na kami sa tapat ng bahay ay agad sumalubong si Papa at Mama. Agad nanubig ang mata ko nang yakapin nila ako.

"Sorry po Ma, Pa," umiiyak kong sabi. I feel guilty. Nahihiya akong humarap sa kanila pero alam kong kakayanin ko.

"Tahan na anak. Makakasama iyan sa baby. Tanggapin nalang natin ang tadhana. Mahal na mahal ka namin bunso. Pasensya ka na naitapon ko ang mga awards mo at picture." Lalo akong napahagulgol ng iyak sa sinabi ni Papa. Hindi ito ang inaasahan ko pero sobrang saya ko. Sobrang saya ko dahil tanggap nila ako, kami ng baby ko.

"Halina kayo't pumasok. Doon nalang tayo mag-uusap-usap," anyaya ni Papa na agad naman naming sinunod.

Nang makapasok kami ay agad kaming pinaupo. Si Rolie ang unang nagsalita. Magalang at siyang-siya ang ipinakita niya. Walang halong kaplastikan o pagmamayabang.

Nakinig naman at nagpalitan ng desisyon ang lahat. Lahat kami ay kalmado. Hanggang sa mapagdesisyonang pagkatapos kong manganak ay magpapakasal kami ni Rolie.

Natapos ng maayos ang takbo ng aming pag-uusap. Ang pag-aaral ko ay hindi ko na itutuloy dahil mas kailangan ko ng pera sa panganganak.

Kinaumagahan ay sabay-sabay na bumayahe pabalik ng Cavite sina Rolie, ang Mama niya at si Ate. Mag-iipon muna siya at pagbalik niya ay magsasama na kami.

Ngayon pakiramdam ko ay wala ng pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Mas minahal ako nila Mama at Papa. Alagang-alaga nila ako kahit kaya ko naman. Laging sinasabi ni Papa na 'wag ako magtatrabaho ng mabibigat dahil baka may kung anong mangyari kay Baby. Si Rolie naman ay gabi-gabing tumatawag. Nagpapadala rin siya lagi dahil gusto niyang maging healthy ako at ang baby.

Kulang ang salitang swerte dahil mas tama itong tawaging, "I'm blessed."

Bridge for Unexpected Destination(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon