PAPASOK na ako ng trabaho nang makita ko sila. Siyempre, ayaw ko ng gulo kaya umiwas ako. Masakit pa rin eh, sa sobrang sakit gabi-gabi pa rin akong pinapaiyak.
Minsan talaga hindi na nakakatuwa ang puso ko. Kahit anong pilit kong ipagsiksikan sa utak kong bawal, bawal, bawal ang mainlove at magpatukso ay nauwi pa rin ako sa kinahahantungan ko. Na kahit anong iwas ko, mas lalo ko lang siyang minamahal.
Sa ikli ng panahon kong pagpasok ganoon ko kaagad siya minahal. Masyadong OA sa bilis. Dapat na nga siguro akong maniwala na mas madaling mahalin ang mga taong kwela at masaya kasama. Na sa bawat pagpapatawa niya, pagmamahal na pala ang ibinabalik mong ganti sa pakikisama niya.
Nakakainis. Sino ang sisisihin ko? Siya o ako? Pero pareho lang kaming biktima ng pinagtagpo pero hindi itinadhana, kaya walang dapat sisihin. Nakakapanghina naman kasi ang sitwasyong ito, bakit kasi hindi pwedeng turuan ang puso?
Napabuntong hininga ako. "Ang rupok mo, Gerlyn!" sermon ng isipan ko.
Siguro kung may nakakaalam lang ng nararamdaman ko ngayon, masama na ang iisipin, na kesyo kinakalimutan ko na ang goal ko.
Pero kasi tao lang naman ako, taong may puso. Iniwasan ko naman siya, pinigalan ko rin pero kasi sinong hindi mahuhulog sa taong ayaw papigil at laging nandiyan para sa iyo?
Na kahit anong pagtataboy ang gawin mo nandiyan pa rin siya para sa 'yo. Na sa bawat pagpasok mo ang nakangiti na niyang mukha ang sasalubong sa iyo. Hindi pa siya nakokontento sa good morning lang, may kasama pang candy na may message na "Have a nice day!". Pati nga si Reymart ay nadamay na sa pag-eemo ko. Tinigilan ko na ang pagreply sa mga text niya para hindi na siya umasa pa.
Kasi, masakit pala na iyong hinihintay mo may mahal na iba. Napabuntong hininga ako. Nagiging mais na rin ako dahil sa kadramahan ko sa buhay.
Pero kasi naman papaanong hindi ka mahuhulog sa lalaking, tuwing napapagod ka, babanat siya ng mais na biro o kaya'y magkukwento ng mga bagay na nakakatawa lalo sa childhood moment niya.
Aaminin kong unang kita ko palang sa kaniyang ngumiti na-attracted na ako sa kaniya dahil sa ganda at linis ng ngipin niya.
Pero hindi naman ibig sabihin niyan na kakalimutan ko na ang goal ko. Kung bakit ako nandito. Crush lang naman eh, kaso nga lang lumalim.
Nang makapasok na sila ay agad din akong sumunod. Ang pinakamabuti kong magagawa ay ang 'wag magpaapekto sa kanila. At tsaka bakit ako iiwas kung ako ang biktima.
LUMIPAS ang isang linggo at unti-unti na akong nasasanay. Hindi ko masasabing naka-move on na ako sa one sided love na kinasadlakan ko pero it's better this way.
"Hi Gerlyn, kamusta ka na?"
Agad akong napalingon ng marinig ang isang linggo ko ng hindi naririnig na boses. Hindi ko alam pero nang makumpirma kong siya nga iyon ay nag-umpisa ng maghuramentado ang puso ko.
"Bakit ka nandito? Baka magselos ang girlfriend mo," sambit ko bago umiwas ng tingin. Kainis! Na-miss ko siya.
"Ito oh para sa 'yo."
Napataas naman ang kilay ko ng may iabot siyang kwintas. Ano iyon? Peace offering sa biglang pang-ghoghost niya?
"Aanhin ko iyan?" Mataray kong tanong bago ipinagpatuloy ang pagmasa sa gagawin kong pastillas.
"Depende sa 'yo. Kung gusto mo pwede mong suotin o kainin." Tumatawa niyang tugon.
Napairap naman ako bago napailing nalang kalaunan. Hindi ko siya pinansin at binilisan nalang ang pagkilos. Malapit na ang uwian, makakapagpahinga na ako.
"Pwede ba tayong mag-usap mamaya? Hihintayin kita sa labas ah," aniya habang kinukulbit ako sa tagiliran.
Hindi ko pa rin siya pinansin dahil sa kabang baka makita kami ng girlfriend niya. Ayaw ko naman ng gulo kaya ako nalang ang iiwas.
Nang matapos ko ang ginagawa ko ay binagalan ko na lamang sa paghuhugas at pagligpit ng gamit ko. Hindi ko alam kung paano haharapin si Rolie.
Ang totoo niyan ay atat akong malaman kung ano ang gusto niyang sabihin. Parang gusto ko na tumakbo agad palabas para malaman na agad kung ano man iyon. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Hay sa wakas lumabas ka na rin," bungad ni Rolie. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya.
Muli na naman niyang inabot ang kwintas. Akmang nagsasalita na ako nang magsalita siya.
"Wala na kami." Ngumiti siya, "sa tuwing kasama ko siya o nag-iisa ako, ikaw ang hinahanap ko Gerlyn. Gusto na kasi kita. Hindi, mahal na pala kita at liligawan kita."
Napanganga ako. Ano raw? Gusto niya ako? Para akong sinaniban bigla ng mabuting espiritu, lahat ng pagod ko ay nawala at parang gusto ko ng lumundag sa tuwa.
Nagtubig ang mata ko. Graduated na ako sa one sided love. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Chance ko na ito magpapatumpik-tumpik pa ba ako?
"Gusto rin kita, Rolie." Lumuluha kong pag-amin. Ito yata ang tawag na tears of joy. Kakaiba kasi ang pintig ng puso ko ngayon. Pakiramdam ko ay may nakabalot ditong masarap sa pakiramdam.
Sabay kaming umuwi bg boarding house. Gusto niya raw magpaalam kay Ate na lilugawan niya ako.
Pagkarating namin ng boarding house ay agad niyang sinabi kay Ate ang pakay niya.
"Lolokohin mo lang kapatid ko, Rolie. Alam ko na ang likaw ng bituka mo!" Mataigas na sambit ni Ate.
"Magbabago ako para kay Gerlyn, Ate. Papatunayan kong mahal ko siya at hindi ko siya lolokohin," madamdaming sagot ni Rolie.
Hindi siya pinakinggan ni Ate at tinalukuran kami. Gayunpaman, hindi sumuko si Rolie at niligawan si Ate. Ang kaso ayaw talaga ni Ate sa kaniya
Nang makaalis si Rolie ay agad akong sinabihan ni Ate ng against kay Rolie. Kesyo babaero at paglaruan niya lamang ako.
"Pero Ate mabait naman po siya. Mukha naman siyang sinsero," pagtatanggol ko kay Rolie.
"Bahala ka. Pag ikaw niloko niyan 'wag kang iiyak-iyak sa akin." Tumango naman agad ako.
Lumipas pa ang ilang mga linggo nang tuluyan ko ng sinagot si Rolie dahil nakikita ko namang seryoso siya at nagabago na siya. Hadlang pa rin si Ate pero hinayaan niya na lamang kami.
Araw-araw masaya kami ni Rolie. Inspired kaming pareho sa pagtatrabaho dahil doon lamang kami nagkakasama. As usual maraming baong jokes ang isa. Kung matamis na ang amoy ng paligid namin, maging ang mga binabalot namin. Ganoon din ang mga ngiting nakapaskil sa aming labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/244046050-288-k811778.jpg)
BINABASA MO ANG
Bridge for Unexpected Destination(COMPLETED)
Não FicçãoBRIDGE OF UNEXPECTED DESTINATION Lovestory of Gerlyn and Rolie. *** Minsan talaga kailangan nating pumili. Kung ano ang dapat unahin at hindi. Sa sitwasyong kinasadlakan ko ay nagdesisyon akong tumigil sa pag-aaral. Ayaw man ng magulang ko...