riane's
"ayyyyy malandot ka ah ikaw ah" tukso sakin ni Hana pagkatapos kong ipakita ang chat namin ni Hesseung.
"hiyang-hiya ako ah, ikaw lang naman dapat kong pakitaan ng mga ganito pero nanggigil ako sa manliligaw mong 'yan ah" pagturo ko sa kanilang dalawa, naka-akbay naman si Jay sa nililigawan.
"don't worry Ri, hindi naman ako ganun ka ratatatat para sabihin sa ibang tao, ang boring ng buhay mo para bigyang pansin ng ibang tao" halos natatawa niyang sabi.
"edi waw, kayo yung mga malalandi noh" napacross ako ng mga kamay ko.
"anong malandi? committed na kami sa isa't isa kaya pwede naman kaming mag ganito" sabi naman ni Hana habang nakangiti kay Jay.
"ulol wala kayong label noh" pag-aasar ko pa sa kanila.
"napilitan nga lang si Heeseung sayo eh" sabi naman ulit ni Jay.
"ewan ko sainyo, wag kayong humingi ng mask sakin ah. bumili kayo!" napatalikod ako pagkatapos sabihin iyon.
Umalis na lang ako sa tanawin ng dalawa kasi nakakasuka at nakipagkwentuhan na lang din sa iba ko pang mga kaibigan hanggang sa may kumatok sa pintuan.
" Good afternoon class" teacher namin iyon at napapunta na lang kami sa upuan namin.
Group 2 ang magbbake ngayon kaya isa ako dun kasi group 2 ako eh, may problema ka dun?
After 2 hours, mismong 2:30 na kaya pagkatapos ng plating at pagppicture para sa documentation ay kinuha ko ang part ko at linagay yun sa tupperware para ibigay kay Heeseung.
Nakapagpaalam na din kami kay Mam at magkasabay kami ni Jay at Hana. Nakacellphone lang si Jay at si Hana naman ay natatawa sa nervous face ko.
"Sarap kaya ng gawa natin noh? Ano iniisip mo? Itatapon niya yung cake sa ulo mo? HAHAHAHAHA" tawang-tawa niyang sabi.
"Hindi pa kami nag-uusap ng personal noh! Kaya medyo hehe" nagdalagang filipina pose ako.
"Parang tang-" hindi natapos ni Hana ang sasabihin dahil pinutol ito ni Jay.
"Umalis na daw si Heeseung" ang pagputol ni Jay kay Hana.
"huh? bakit?" tanong ko naman sakanya.
"May lagnat si Adelaide, Walang kasama kaya dali-daling pumunta si Hyung" wag kang malungkot Riane, strong ka diba? strong ka pa kay kim bokjoo.
"ah sige, edi mauna na ako. ayoko naman kayong madisturbo kahit wala kayong label" halos matawa ko pang sabi habang sila naman ay nakatingin sila sakin na parang naaawa.
Kumaway na lang ako at tuluyang tumalikod para umuwi na.
"ah miss, excuse me. kilala mo ba si Lee Heeseung" tanong ng gwapong kasing tangkad ko lang pero mukhang mas matanda sa akin.
"ah sorry haha, ako nga pala si Rhedd. Rhedd Lee" naglahad siya sakin ng kamay habang nakangiti.
"Riane Jang, umalis na kasi si Heeseung. Pumunta sa girlfriend niya, may lagnat kasi" sabi ko habang nakipagshake hands sakanya at ngumiti na lang din.
"ah kaya pala hindi siya sumasagot sa tawag ko, eh mangiyak-iyak yun kani-kanina kasi mag-isa lang daw siya kaya pumunta ako dito pero may girlfriend naman pala" nakangiti pa din niyang sabi. WOW TMI YARN?
"Ah talaga? Sige uuwi na kasi ako" sabi ko na parang walang pakialam sa mga sinasabi niya.
"sige, nice meeting you Riane" hindi ba 'to nagsasawang ngumiti?
Tumango na lang ako at kumaway ng kaunti habang patuloy ng naglakad.
Kuya niya 'yon?
Baka pinsan lang.
Hayst bahala na, paasa ka Lee Heeseung.
BINABASA MO ANG
Love is... Him.
FanfictionIn a world full of misfits, Riane thought that a certain person was perfect no matter what people pertains him. But after all the memories, will he actually be there to procrastinate her feelings.. ? Second of Alwaysness Series.